Share

Chapter 9

Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.

Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.

Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa F******k. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.

Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin sa akin. Gumuhit ang linya sa aking noo dahil sa pagtataka. Para namang ngayon lang ako nag-ayos ng ganito sa buong buhay ko.

“Saan ang lakad mo, girl?” Namamanghang tanong niya. “Makikipagkita ka ba sa anak ni Mr. Genovese?”

Tumawa ito at dumiretso sa aking kama at umupo. Sinundan ko siya ng tingin at ngumiti sa kaniya.

“Hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-ayos?” Umupo ako sa pang-isahang sofa at komportableng sinandal ang aking likod.

“Akala mo ba tanga kami ni Ali kagabi? Ano ‘yong nakita namin?” Tinuro-turo niya ako habang nakangisi. “Ang sweet-sweet niyo!”

“May pa-luhod stunt pa! Sino ka, si Cinderella?” Humalakhak ito.

Pinigilan kong huwag matawa at mahiya sa kaniyang sinabi. Totoo rin naman. Kinabahan din ako sa ginawa niya kagabi. Baka hindi lang ang mga kaibigan ko ang nakapansin sa nangyari kagabi. Ayoko pa naman na maging laman ako ng mga usapan. Nakakahiya!

“Pero seryoso, kilala ka ba niya? Kilala mo siya? May past kayo? Char!” Sunud-sunod niyang tanong. “Kaya siguro inspired na inspired ka rin na mag-ayos ngayon.”

Nanliliit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Kapag ganito siya ay gusto niya talagang malaman ang mga pangyayari. Hindi niya ako titigilan hanggang sa maging okay siya sa mga nalaman niya.

Huminga ako nang malalim at kinuwento ko sa kaniya ang lahat.

Pigil-hininga akong nakatingin sa kaniya habang naghihintay sa kaniyang reaksyon. Nakatulala lamang ito at nakaawang bahagya ang bibig habang nakatingin sa kawalan.

“Huy, Matilda... Magsalita ka nga diyan!” Inalog ko ang kaniyang mga braso upang makuha ang kaniyang atensyon. Minsan nag-aalala rin ako sa isang ito.

“Iba talaga ang hatak ng ganda mo, Langit..” Mabagal itong pumalakpak at biglang tumingin sa akin.

Dahan-dahang lumitaw ang isang nakakakabang ngiti sa kaniyang mukha at bigla ako nitong niyakap. Nagtatalon kami sa loob ng aking kwarto habang tumitili si Matilda sa saya at... kilig?

“Akalain mo ba naman isang mayaman pala ang naging kaibigan mo noon! Anak-mayaman na nga tapos ang gwapo pa! Makikita mo talaga na may pinagmanahan. Sanaol!” Umarte itong umiiyak habang pinupunasan ang kaniyang mga mata.

“Para kang timang!” Natatawa kong saad.

“Wala akong pake! Ship ko kayo!” aniya at muling tumili habang nagtatalon sa harap ko. "Wait, ano kaya pwede

Natatawa akong umiiling habang pinagmamasdan ang kaibigan kong masaya masiyado ngayong umaga. Ilang minuto ang lumipas ay kumalma rin ito ngunit nakangisi pa rin ito na parang baliw sa akin. Umiling ako sa kaniya at bumalik sa pag-upo upang mag-upload na ako ng profile picture ko nang may biglang kumatok sa pinto.

Parehas kaming napatingin ni Matilda sa pinto. Tumungo siya sa pinto at hinawakan ang seradura. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang bagong ligo na si Ali sa pintuan. Pinapasok ito ni Matilda at sinara ang pinto.

Hindi ako kaagad napansin ni Ali. Nang bumaling ito sa aking direksyon kung saan ako nakaupo bigla itong napaubo. May gulat at mangha itong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tinuon ang sarili sa aking cellphone.

"Good morning, Ali!" bati ko.

"Ang ganda mo, Heaven." puna niya. "May lakad ka ba ngayon?"

Umiling ako at in-upload as profile picture ang napili kong litrato. Inangat ko ang aking tingin sa kaniya.

"Gusto ko lang mag-ayos, Ali." ani ko at pumunta sa aking table.

"Oo nga naman pero hindi ka naman ganiyan, e." natatawang saad ni Ali sa akin bago lumapit kay Matilda sa kama at tinabihan ito.

Napailing na lang ako at nagtanong.

"Anong gagawin natin pagkatapos kumain?"

"Tatambay lang siguro ako sa kwarto o baka may ipapagawa na naman ang mga madre." kibit-balikat na sagot ni Ali habang si Matilda ay nag-iisip.

"Baka sa kwarto lang ako tatambay, Langit. May babasahin pa ako sa W*****d, e." Ngumisi siya sa akin.

Tumango lamang ako at nang tumunog na ang bell ay pumunta na kami sa hall upang kumain. Kumain kami sa aming karaniwang pwesto at hinugasan ang aming pinagkainan. Nang maisauli na namin ang mga pinggan ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

Naglakad ako pabalik sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay maingat kong sinara ang pinto at dumiretso sa akinv maliit na mesa. Binuklat ko ang aking notebook at pinagmasdan ang nakaipit na kapiraso ng papel.

Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang numero ni Crimson na nakaimprinta sa kulay itim na ink. Ito ang binigay niya noong isang gabi.

Hindi ko siya tinawagan gaya ng bilin niya sa akin dahil hindi ko kaya. Nahihiya ako at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Pero baka magtatampo iyon kung hindi ko iyon gagawin.

Kinuha ko aking cellphone at binuksan ang call app. Mabagal akong naglakad patungo sa aking sofa at marahang umupo.

Kahit nag-aalangan ay tinipa ko ang kaniyang numero sa screen. Pinagmasdan ko itong mabuti at pinag-isipan muna kung tama ba itong gagawin ko. Pero siya naman nagsabi na tawagan ko siya. Hinigit ko ang aking hininga sabay pindot ng call icon.

Tumunog ang aking telepono at naghintay na magring ang tawag. Wala pang ilang segundo ay bigla itong nagring kaya ako nakaramdam ng biglaang kaba. Nag-isip ako kung dapat ko pa ba siyang hintayin na sumagot pero huli na ako.

Sinagot niya ang aking tawag.

"Hello?" His sexy baritone voice filled my ear.

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa kaba.

"Heaven?" This was like the other night when he whispered in my ear.

Nanlamig ang aking katawan. Para akong nawalan ng lakas ngunit sinikap kong sagutin siya.

"Hi, Crimson..." Bati ko sa kaniya. "Busy ka ba? Baka naistorbo kita."

"No. I am actually waiting for you to call."

I could hear his calm breathing. Nakakapagtakang nawawala kaunti ang kaba sa dibdib ko.

"Ano palang... pag-uusapan n-natin?" nauutal kong tanong.

"Ikaw. May gusto ka bang pag-usapan natin?" He asked back.

Nag-isip ako ngunit ilang segundo ang lumipas ay hindi ko siya masagot. I heard him chuckle before he decided to ask me another question.

"Did you love the event the other night?"

"Oo naman... Pinaghirapan kaya naming pagandahin ang venue." Pigil-ngiti akong sumagot. "Ikaw ba? Hindi ba masyadong boring para sa'yo?"

"No, not at all. I was glad to see the kids so happy," he countered, "and you as well."

Pumorma ang isa kurba sa aking labi habang pinakinggan siya sa telepono. Ang lakas talaga ng tama nito sa akin.

"By the way, are you allowed to go outside the orphanage?" He changed the topic.

Napaisip ako. Kailangan ko pang humingi ng permiso sa mga madre kung aalis ako. Bakit kaya niya natanong?

"Kailangan ko pa ng permission para umalis. Wala na kasi akong klase baka magtaka sila Sister."

Nagkaroon ng kaunting katahimikan ngunit sumagot din ito.

"Can I visit you there?" Tanong nito. "If okay lang naman sa'yo."

Ako? Pupuntahan mo?

Dinig ko ang mabilis na pintig ng aking puso. Halos iyon na lang ang naririnig ko sa aking tainga.

"P-Pwede naman siguro... Open naman for visitors ang ampunan." May idudugtong pa sana ako ngunit nauna itong magsalita sa akin.

"Okay. I'll just check my schedule and will visit you there soon." Deklara niya.

Kung bibisita siya baka mas lalo akong guguluhin at tutuksuhin ni Matilda. Pati na rin ang ibang mga bata. Baka magtampo rin ang mga nene sa akin kasi alam kong crush nila si Crimson.

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Sige... sabihan mo lang ako kung k-kailan. Paghahandaan na rin kita ng pagkain.” nahihiya kong tugon.

Oras na talaga para humingi ako ng tulong kay Matilda. Hindi ko yata kakayanin kung ako lang ang haharap sa kaniya kapag dumating siya rito. And I’m not an expert to this!

I heard someone talked on the other line. Baka may ginagawa pa ito ngayon tapos iniistorbo ko pa.

“Crimson, baka may ginagawa ka pa diyan. Ibababa ko na ang tawag, ha?” alanganin kong paalam sa kaniya.

“Heaven, I’ll just text you soon. Take care, okay?” Nai-imagine ko na nakangiti siya habang sinasabi iyon sa akin.

“Okay. Ikaw rin. Mag-ingat ka. Bye...” Paalam ko sa kaniya at nakangiting tinapos ang tawag.

Nakatingin ako sa kawalan habang pinipigilan ang sarili na tumili. Bumabalik na naman ako sa dati. Napabuga ako ng hangin. Kailangan ko nang kausapin si Matilda.

Lumabas ako ng aking at dumiretso sa kwarto ng aking kaibigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status