Share

Chapter 12

NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.

Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang.

"Good morning, Sister." He smiled at her.

"Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."

Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito.

"Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.

Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."

Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status