Share

Chapter 5

BAHAGYANG nakayuko ang aking ulo habang nakatayo. I tried my best not to lift up my gaze dahil nasa katapat ko lang si Crimson. I pretended not to get nervous pero hindi ko kaya. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa kaniya sa at sa kaniyang kasama na secretary pala ng kaniyang papa.

Nandito kami nina Matilda at Ali kasama ang ibang mga bata dahil ipinakilala kami ni sister Anne sa kaniya. Ipinaalam din ni sister na isa kami sa mga nagtulungan upang pagandahin nag pavilion. Masaya namang tumugon ang lalaking secretary na si Mr. Adam at nagpasalamat sa amin. 

Bahagyang naantala sa pagsasalita si sister kay Mr. Adam nang lumapit ang isang bata. Bumulong ito kay sister at nagpaalam na aalis.

Tumingin si sister Anne kay Crimson. "Hijo, handa na ang pagkain niyo sa loob." 

Bumaling naman si sister Anne sa amin at ngumiti. "Alam kong kumain na kayo kanina pero kumain pa rin kayo."

Bahagyang natawa si Matilda at tumikhim si Ali. Napangiwi na lang ako dahil hindi ko sila masabayan dalawa. Ramdam ko ang mariing titig ni Crimson sa akin. Para akong pinapaso ng kaniyang simpleng tingin kaya agad akong sumunod kina Matilda paalis.

Tumabi ako kay Ali sa kaniyang kanan at bahagya akong nagsisi dahil halos nasa tabi ko lang din siya. Bahagya kong inusog si Ali upang malayo kami kaunti sa kaniya. Napatingin sa akin si Ali nang may pagtataka ngunit binalik din nito ang tingin sa harap.

Nasa likod namin si Matilda na pahilim na pinagmasdan si Mr. Adam na malapit lang din kay Crimson. Huminga ako nang malalim at sinubukang maging kalmado. Bakti ba kasi ang hirap? 

Hindi naman na siguro niya ako makilala ngayon. Ang tagal na noong nagtagpo ang mga landas namin. Magkaibigan lang din kami kaya bakit ba?

Dinig namin ang mahinang pag-uusap nina sister Anne at Mr. Adam tungkol a program. Pinakiramdaman ko ang aking katabi ngunit wala itong imik. Patuloy lang kaming naglakad papunta sa kumbento. Pagkapasok namin sa building ay may mga bumungad na iilang bata. Papunta rin sila sa bulwagan kung saan kami kakain kasama ang mga bisita.

Iilang mga kabataan ang napatingin kay Crimson pagkapasok namin sa bulwagan. Sinuri ng kanilang mga mata ang kaniyang panlabas na anyo. Sino ba naman ang hindi? Once in a blue moon lang naman may mapadpad dito na may hitsura o talagang gwapo. 

Humiwalay kami sa kanila at tumungo sa counter. Kinuha namin ang aming pagkain at umupo sa aming pwesto. Nasa bandang gitna sina Crimson kung saan may inilagay na round table at mga pagkain. Kailangan talagang ipakita ng mga madre na welcome sila rito dahil tutulungan din naman nila ang ampunan. 

Tahimik lamang akong kumain habang sina Ali at Matilda ay palihim na ngumiwi. Ang dami ba naman naming nakain kanina. Halatang busog na busog pa ang dalawa. Mabuti na lang at hindi ko masyadong binusog ang sarili ko. 

Nanliit ang aking mga mata nang makarinig ng bulung-bulongan hindi kalayuan sa aming mesa. 

"Shet! Ang gwapo naman ng bisita natin!" 

"Huy ang bibig mo pero sa true lang! Huhu,"

"Kapag tumingin siya rito sa atin, titili talaga ako— oh my god!" 

Nagtilian ang kanilang grupo. Napansin siguro sila ng aming bisita. Napatingin ako sa direksyon nina Crimson. Nakatingin nga siya rito sa aming direksyon. Nanatili ang mga mata nito sa akin. May emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko maintindihan. Pinagmasdan ko rin siya ngunit agad akong nag-iwas ng tingin at bumaling sa aking pagkain. Ano bang ginagawa mo, Crimson? 

Napailing si Ali sa inakto ng mga dalaga. Napairap naman si Matilda. Hindi na ako lumingon muli at tahimik na lang na kumain. Tumahimik naman na ang kabilang grupo at nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari. Yari talaga sila mamaya kina sister. 

"Guys, saan kayo ngayon pagkatapos niyong kumain?" pabulong kong tanong sa kanilang dalawa. 

Hindi pa rin sila tapos kumain dahil naparami talaga ang nakain nila. Halos sila lang ang nakaubos sa in-order ni Matilda. Babayaran ko nga pala siya para sa pagkain. Sana lang may pera pa ako.

"Sa kwarto muna siguro ako para magpahinga. Napagod ako kanina," tugon ni Matilda at tinapos ang kaniyang pagkain. 

Ganoon din si Ali kaya napagdesisyunan kong tatambay na lang din muna ako sa kwarto ko. Ayoko ring gumala at baka magtatagal pa rito sina Crimson. Ayoko siyang makasalamuha dahil hindi ako handa. 

"Tara na." Tumayo si Ali, dala ang kaniyang tray.

Sumunod kaming dalawa ni Matilda at naglakad palabas ng bulwagan papunta sa aming public sink. Huhugasan muna namin ang aming pinagkainan at ibabalik doon sa loob.

Mabuti na lang at maaga kaming natapos kaya solo namin ang lababo. Nang matapos kaming maghugas ng aming pinagkainan ay bumalik kami sa bulwagan at ibinalik ang aming mga dala. Habang nasa may counter kami ay tumabi ako muli kay Ali upang hindi ako masyadong makita mula sa puwesto nila. Kitang kita kasi sa pwesto nila sister ang aming direksyon. 

Kinakabahan, naglakad kami paalis nang may biglang humablot sa aking pulsuhan. Hinigit ko ang aking paghinga at tumingin sa aking likod. Nakita ko ang nakangiting si sister Anne. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa kaniya. Binitawan niya ang ako at inayos ang tindig.

"Bakit po, sister..." Humina ang aking boses at hindi halatang ako ay nagtanong.

"Hindi ka ba busy ngayon, Heaven?" tanong niya. "Isasama sana kita para ipasyal sina Mr. Adam at iyong anak ni Mr. Genovese, si Crimson." 

Blangko ang aking ekspresyon habang nakatingin kay sister. Tumaas naman ang kilay ni sister Anne habang hinihintay ang aking sagot. 

"H-hindi naman po, sister..." Alanganin kong tugon sa kaniya at bahagyang ngumiti. 

"Sige, hija! Halika para maipakilala rin kita sa kanila." Naglahad ng kamay si sister Anne upang sumama sa kaniya.

Naalala ko ang dalawa kong kaibigan kaya lumingon ako sa aking likuran. Pinagmasdan ko silang dalawa at kinakusap gamit ang aking mga mata. Nagthumbs up lang sa akin si Ali at ngumiti. Si Matilda naman ay tinanguan ako at may binulong. Tumawa ito nang palihim at may tinuro sa aking likuran. 

Tila alam ko na ang kaniyang tinutukoy dahil bigla akong napatakip ng aking bibig. Alam kong si Mr. Adam ang tinutukoy niya. Kumaway ako sa kanilang dalawa bago humarap kay sister Anne. 

Patindi nang patindi ang tibok ng aking puso habang papalapit kami sa kanilang mesa. Pinilit kong ikalma ang sarili at umayos. Nakatayo kaming dalawa ni sister sa kanilang harapan. Marahang tumango si Mr. Adam sa amin. 

In-offer naman kaagad sa akin ang isang bakanteng upuan at umupo. Parang gusto ko na lang mawala dahil halos magkatabi lang kaming dalawa ni Crimson.

"Gentlemen, ito pala ulit si Heaven, Heaven Avila." Kaniyang panimula. "Isa siya sa mga responsableng bata na nakatira rito. Isang taon na lang din at magtatapos na rin siya sa kolehiyo kagaya mo, hijo."

Ngumiti si Mr. Adam na parang proud sa akin. Si Crimson naman ay tahimik lang na nakamasid sa akin. Parang mawawalan ako ng hininga sa kaniyang ginagawa.

"That's excellent, miss Avila." Puri ni Mr. Adam. "What school do you attend?"

"At Macapagal State College po, sir." Magalang kong sagot.

"What is your course?" Biglang tanong ni Crimson. 

Napatigil ako nang wala sa oras. Ilang segundo akong natigilan hanggang sa ako ay sumagot.

"BS Nursing." Dahan-dahan kong itinuon ang aking tingin sa kaniya hanggang sa magtama ang aming mga mata.

Wala pa rin talagang pinagbago ang kaniyang epekto sa akin.

May pagkamangha ang tingin sa akin si Crimson at tumango-tango. Iniwas ko na lang ang aking tingin at tumingin sa kawalan.

Nagpatuloy ang usapan ang usapan ng dalawa habang kami ni Crimson ay tahimik lang na nakamasid sa kanila. Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Parang may tape na nilagay sa aming mga bibig at wala kaming masabi.

Hanggang sa napagdesisyonan nilang lisanin ang bulwagan upang magpasyal.

"Halina kayong dalawa, hijo at hija." Tumayo kaming dalawa at tahimik lamang na sumunod sa mga nakakatanda. 

Napansin kong wala rito ang mga bantay. Mukhang iba rin ang kanilang pinagkakaabalahan o baka pinapakain din sila sa may cottage na nasa garden. 

"Dito halos ang mga kwarto ng mga bata. Marami-rami rin pero kinakaya naman ng kumbento tsaka masaya kapag marami." May bahid ng saya ang sinabi ni sister Anne.

Dumiretso kami sa garden kung saan naroon nga ang security nina Crimson kanina. Kasama nila ang iilang mga madre kasama na si Mother Superior. Maalaga masyado si mother sa kanila kaya masaya silang kasama nila ito ngayon.

Naunang naglakad sina Mr. Adam at sister Anne at naiwan kaming dalawa sa may corridor. Ramdam ko ang tensyon sa aking katawan pero kaya ko ito. Hindi naman siya panghabang buhay rito.

Masaya ang kaloob-looban ko na makita ang mga madre na masayang nagsasama. Weird lang dahil sa mga naka-uniporme nilang mga kasama.

"Who would ever thought that I will see you here, Heaven." Natigilan ako at bumalik na naman ang tensyon sa aming paligid.

"I'm so proud of you, really." 

Tumingin ako sa kaniya at sumalubong sa akin ang kaniyang nakakapasong titig. Ang kaniyang mga mata ay puno ng emosyon ng kasiyaham at pagkasabik. Nanatili lamang kaming nakatingin sa isa't isa. 

Akala ko ay hindi na ito mauulit pero dininig ng Diyos ang aking panalangin. 

"I miss you so much." I silently whispered in my head.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status