Share

Chapter 13

I tied my hair into a messy bun. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ko ang aking buhok. Nagdesisyon akong gamitin ang aking kulay beige na headband upang hindi lumipad ang aking mga baby hair. Pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos sa aking leeg at likod dahil madali akong magkabungang-araw dahil sa init.

Kahapon ay pinakiusapan ako ng mga bata kung pwede ba akong magturo sa kanila ng basic lessons ng elementary English at Science. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako sa kanila. Binigyan din nila ako ng pointers kahapon. Mabuti pa sila ang sipag mag-aral. Sabagay, elementary pa lang din naman kaya madali pa lang sa kanila at sinisipag silang mag-aral.

Dala ang aking mga lumang libro na hiniram ko ulit sa library, lumabas ako ng aking kwarto at naglakad papunta sa labas ng ampunan at dumiretso sa malawak na espasyo malapit sa pavilion. Doon nila pinlanong ‘magsummer class’ kasama ako. Pagkarating ko ay naroon na ang karamihan sa kanila.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status