Share

Chapter 3

IMPOSIBLENG siya ito. Imposibleng magsinungaling siya sa akin. 

Diyos ko, siya ba talaga itong nakikita ko? Crimson Genovese's description was so familiar While reading the basic information about him on G****e, the more I held on to the thought that he was my friend.

Imposible rin namang ito talagang si Crimson ang kaibigan ko. Ang special naman niya siguro kung siya lang ang nag-iisang lalaking nagngangalang Crimson sa mundo. Sinubukan kong hanapin kung may litrato ba siyang nagkalat dito sa internet pero ilang minuto ang lumipas ngunit hindi masyadong nagdi-disclose ng mga litrato ang kaniyang pamilya, ni family photo wala.

Napabuntonghininga ako habang nakatutok sa aking cellphone. Bakit ko nga ba poproblemahan kung siya nga? Matagal na rin naman iyon. Past is past ika nga.

"Okay ka lang ba, Langit? Anong tinitignan mo?" nag-aalalang tanong ni Matilda.

Umangat ang aking tingin mula sa screen patungo sa kaniya at nakita siyang nakaupo sa paanan ng kama. Nakakunot ang noo nito at may mapagtanong na mga mata.

"W-Wala... busy lang ako kaka-search noong apilyedo. Hindi ko kasi mahanap..." mahina kong tugon sa kaniya habang nilalaro bahagya ang cellphone.

Malalim ang tingin nito sa akin na parang sinusubukan niya akong basahin pero bumuga na lamang ito ng hangin at bumalik sa paghiga. Huminga ako nang malalim at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Parang kailan lang lanng din pala ang mga nangyari. Ang bilis talaga ng takbo ng panahon pero ang tagal-tagal na para balikan. 

Wala nga akong contact niya, e. Hindi pa naman uso sa akin ang cellphone noon dahil nakikihiram lang din naman ako kay Sister Anne. Hindi ko rin alam kung sa isang mayamang pamilya talaga siya galing. Hindi ko alam sa kung saang pamilya siya galing at kung saan siya nakatira. Ngunit hindi rin naman siya makakapag-aral sa isang prestigious na paaralan like Tessoro International. 

Wala akong nasabihan ni isa sa mga kakilala ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na may paghanga ako sa isang kaibigan. Parang hindi naman iyon tama at pakiramdam ko ay kasalanang magkagusto sa isang katulad niya. Kahit naman hindi niya sabihin sa akin ay may kutob akong maganda ang estado ng pamilya niya.

Pero hindi ko pa rin maiwasang magtanong sa sarili kung tama ba talaga ang mga iniisip ko tungkol sa kaniya. Masaklap lang dahil wala talaga akong masyadong alam tungkol sa kaibigan ko. Nakakahiya naman kasing magtanong baka ano pa ang isipin niya sa akin. Dumagdag pa itong nalaman ko tungkol sa donor ng orphanage sa susunod na linggo. 

Bigla akong napaisip. Isasama kaya siya ni Mr. Genovese? Para naman makita ko siya sa personal at para matigil na rin itong iniisip ko. Paano naman kung siya talaga ang kaibigan mo noon? Gusto kong sapakin ang sarili ko sa naiisip ko. 

Dadagdag lang iyon sa problema ko kung paano aarte nang maayos kung siya nga ang kaibigan ko noon. Kung siya nga talaga, edi magpanggap na lang ako na hindi ko na siya kilala 'di ba? Ang tanga naman siguro kung ganoon ang gagawin ko. Hindi rin ako magaling umarte at napatunayan ko na iyon noon sa junior high school noong ako ang gumanap na Juliet sa aming stage play. 

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagconcentrate sa paghinga. Dapat hindi muna ako mamomroblema dahil may ilang araw pa bago iyong sinasabi na program. Nakuwento iyon kanina ni Sister sa amin at balak nilang ianunsiyo iyon sa mga bata bukas unang araw ng linggo.

"Sayang naman! Wala masyadong picture ang anak no'ng mayaman." Lumingon ako kay Matilda.

Huwag kang mag-alala, Matilda. Parehas lang tayong walang nakita.

"Bilisan natin kasi may announcement daw sila Mother Superior!" Dinig ko mula sa isang bata na kasabay naming kumain. 

Tumingin ako sa kanilang dalawa at may bahid ng tanong ang aking tingin. 

"Oo nga pala. Ngayon na mag-a-announce ang mga madre tungkol doon sa donation." Ani Matilda at tumango naman si Ali. 

"Baka engrande ang pakain nito sa program — aray!" Napahawak si Ali sa kaniyang batok at halatang nasaktan ngunit wala lang ito sa kaniya. 

"Pagkain lang talaga ang iniisip mo!" 

Tumawa ako nang makita si Matilda na nakaangat sa ere ang kaniyang kaliwang kamay. Pinandilatan niya si Ali bago ito nagpatuloy sa pagkain. 

"Bilisan na nga natin ang pagkain kasi baka mahuli tayo," bulong ko sa kanilang dalawa.

Iniwan na muna namin ang aming pinagkainan pagkatapos kumain at pumunta sa labas ng gusali. Kasabay namin ang ibang mga bata at sabay king naglakad patungo sa lilim ng Acasia. May iilan nang madre ang naroon at naghihintay para sa amin kaya nagmadali kaming lumapit sa kanila.

"Magandang umaga po, Sisters!" Bati ni Ali sa kanila at nagmano sa kanila.

Bumati rin kami ni Matilda bilang pagrespeto sa kanila. Pumili ng puwesto si Matilda at umupo kami sa damuhan. Inayos ko ang aking suot na pang-ibaba upang maging komportable ang aking pag-upo. Tumingin ako kay Ali na tumabi kay Matilda at pasikretong ngumiti.

Bumaling ako sa harapan nang marinig ko si Mother Superior.

"Good morning, mga anak! Praised be Jesus and Mary," Nakangiting bati ni Mother Superior.

"Now and forever," tugon naming mga kabataan.

"Magpasalamat tayo sa Diyos mga anak dahil may magandang balita kami para sa inyo!"

Kita namin kay Mother Superior ang pagkagalak sa kaniyang iaanunsiyo sa amin. Attentive naman masyado ang mga bata sa pakikinig kay mother kaysa sa amin. Habang nagsasalita si mother sa harap ay nakatuon lamang ang aking pansin sa kawalan habang nag-iisip.

Kilala ang patriarch ng pamilya nila na si Mr. Arkus Genovese. Imposibleng wala siyang kahit isang social media. He is a businessman based on his basic information given by G****e last time. Hindi malayong may F******k page ang kanilang business, 'di ba? Pero anong business?

Napasapok ako sa aking noo at kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone. Walang ibang makakasagot sa akin maliban sa internet. Ayoko ring magtanong kay Sister Anne dahil baka iba ang papasok sa utak niya at tuksuhin pa niya ako. Hindi rin kami masyadong halata rito sa aming puwesto dahil may mga batang nasa harapan nakaupo.

In-on ko ang cellphone pati ang cellular data. Binuksan ko ang aking F******k at sinubukang i-search ang kanilang apilyedo. Habang naghihintay ng resulta ay binaling ko muna ang aking tingin sa harap. Busy sa pag-e-explain si Sister Mary Blaze kung ano design na gagawin upang i-decorate ang aming pavilion sa di kalayuan.

Tumingin ako sa aking tabi at nakitang nagte-take notes si Matilda sa kaniyang cellphone habang tahimik na nakikinig si Ali kay Sister. Nagbigay na rin ng designated assignment si sister para sa mga gagawing decorations. Mukhang mabi-busy tayo nito, ah.

Kasama ko sina Matilda, Ali at ang iba pa naming kaedad na si Stefanidi. Mahinhin siyang babae ngunit cooperative naman ito sa mga gawain dito sa orphanage. Nakatoka kami sa paggawa ng isang decorative tree na gawa sa japanese paper, walis tingting at kawayan. May isang grupo ring naka-assign sa paggawa pa ng isang tree kasi ilalagay ito sa harap ng pavilion as entrance. 

May naka-assign na rin para sa stage iyong mga niregaluan ng talent sa arts. May committee na rin para sa performance, pagkain at token na ibibigay sa mga bisitang dadalo.

Ilang mga anunsiyo at paalala pa ang binigay nila Mother Superior bago kami matapos sa meeting. Doon ko lang din naalala ang aking in-search sa F******k. Dali-dali kong binuhay ang aking cellphone at tinignan kung may lumabas na resulta. Lumiwanag ang aking paningin nang may mga lumabas na post at account.

"Huy!" Bigla akong tinawag ni Matilda at hinawakan ang aking balikat. 

Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat at parang kinapos sa hininga. 

Masama ang tingin kong tumingin sa kaniya at nagmaktol. "Huwag ka ngang manggulat!"

"Para ka kasing timang na nakatitig diyan aa cellphone na parang nanalo ka sa lotto — kanina ka pa!" Dinuro niya ako sa braso.

"May crush ka, 'no? Sabihin mo nga?" 

Umiling lamang ako at tumayo mula sa damuhan. Pinagpag ko muna ang aking pang-upo bago maglakad pabalik sa loob ng gusali.

"May crush ka!" Akusa niya sa akin habang sabay kaming naglalakad sa field. 

"Sinong may crush? Sinong crush?" Pahabol na tanong ni Ali mula sa aming likuran.

"Wala akong crush! Ano ba? Hinahanap ko lang iyong hinanap natin kahapon, Matilda." Pinaliwanag ko sa kaniya at pumasok kami sa entrada ng gusali.

"Sinong hinanap niyo, Langit?" Tanong ni Ali at ramdam kong nasa tabi ko na siya habang paakyat kami sa ikalawang palapag. 

"Ay! Huwag kang mag-alala, girl! I know in my gut and in my heart makikita natin siya sa program!" Tili ni Matilda hinampas-hampas ang mag braso ni Ali. 

Kawawa talaga itong si Ali kapag tinotopak si Matilda. 

Ako'y napailing na lang habang si Ali ay bakas ang pagkalito sa aming pinag-usapan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status