Share

Chapter 11

NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.

“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”

Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.

Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat

Reia Marie

I hope you’ll love and appreciate my updates. I would really love to read your reviews soon! Thank you and have a great day.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status