Share

ONE - BOOK TWO

“Uutang kayo nang uutang tapos hindi nyo naman pala babayaran? Eh kung bigyan ko kaya kayo ng tuyong isda na basa, ha?”

Padabog kong inilapag ang bilao kong dala at tinaasan ng kilay sina Aling Sitay. “Aba, matutuyo na ‘yong mga isdang pinapatuyo ko tapos ‘yong utang niyo noong nakaraan, wala pa ring bayad? Ano na? Patutuyuin muna natin ang dagat bago niyo ako bayaran—“

“Thalia naman, oy sus.” Hinawakan ni Aling Sitay ang aking balikat kaya’t inismiran ko siya. Mahina naman siyang tumawa at iniharap ako sa kaniya. “Sabi ko naman sa ‘yo, kapag may huli na ang asawa ko, saka kita babayaran. Saka ano ka ba naman? ‘Di ba pinautang nga rin kita noon? Utang na loob naman diyan, oh.”

Humarap ako sa kaniya at pekeng tumawa. “Ay ‘yong utang ko ho sa inyo? Sa pagkakaalam ko ho, binayaran ko ‘yon kaagad noong siningil niyo ako. Madali naman ho akong magbayad ng utang saka magpautang… ang problema, wala na akong tinutubo rito sa tuyo ko dahil hindi niyo ako binabayaran. Nasaan ho ba si Mang Jhun
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (11)
goodnovel comment avatar
Salve Santiago
palagay ko ung aksidente Ang naging dahilan na nagka amnesia c kaia at buntis sya ,kinupkop sya Ng lalaki at pinalabas na Asawa sya kahit d pa kasal dahil may anak na ,,,anyway true love finds the way to the right person praying ... for Dylan and kaia be reunited they deserve true happiness.
goodnovel comment avatar
apol apol
pupunta ng maynila para makapag ipon at mkapagpakasal??? tapos yung bata anak nya yan kay daylan..... omg....
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Oh bigla my asawa agad at anak paano ngyari
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status