Share

Chapter 32

Third person point of view

"Anong pumasok sa isip mo at nakipaghiwalay ka kay Connor!?" Gulat na bulalas ni Brent sa kapapasok lang na si Florence.

Lulugu-lugo na naupo si Florence sa sofa. Wala pang ilang segundo siyang nakaupo ay magkakasunod ng tumulo ang mga luha niya.

"He is not my boyfriend. Hindi niya ako mahal," komento niya habang umiiyak.

Hindi niya makita ang reaksyon ng kaibigan niya pero kahit ganon ay alam niya na pinag-iikutan na siya nito ng mga mata.

"B-Brent," dinig niya ang pagkabasag ng boses niya nung tawagin niya ang pangalan nito. "Why is this happening to me?"

Isa-isang bumabalik sa kaniya ang mga nalaman niyang ginawa ng parents niya.

Ramdam niya ang pag-upo ni Brent sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at marahan iyong pinisil.

"Stop crying kasi makakasama iyan sa baby mo," paalala nito.

Kaagad siyang natauhan at pilit na pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapakawala ng malalim na paghinga.

"Ano na ang plano mo ngayon?" tanong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ramdam na ramdam ko ung bigat ng nararamdaman ni florence grabe author nakakaiyak
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status