Third person point of view"Is she here?" Tanong ni Connor sa kaharap niyang si Brent. Kanina ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at kaagad ng pinuntahan si Florence para suyuin ito dahil alam niyang galit ito sa kaniya. "Paano mo nalaman itong lugar namin?" Tanong ni Brent imbes na sagutin ang tanong niya."Brent please..." may pagmamakaawang sambit niya. Hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Kanina ay buong-buo ang loob niya na sinabi sa sarili na kukulitin niya ito para makausap si Florence kung sakali man na hindi ito pumayag pero ngayon ay wala siyang ma-usal maliban sa pangalan nito."Sagutin mo ang tanong ko Connor, ano ang ginagawa mo dito at paano mo nalaman ang tinutuluyan ko?" Seryosong tanong nito.Nagtaas ito ng kilay at naghalukipkip habang hinihintay ang magiging sagot niya.Nagpakawala siya ng buntong hininga at bagsak ang balikat na hinarap ang kaibigan ni Florence."You told me about this place a week ago noong lumipat kayo dito." Pagsukong sagot niya.Napak
Third person point of view"Nagseselos ako dahil ibang pangalan ang paulit-ulit na tinatawag mo kahit nandito naman ako."Mabilis siyang bumaling sa likuran niya dahil mula roon ang narinig niyang nagtatampong boses ni Connor.Magkakasunod na tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan. "F-Florence."Kaagad siyang tumakbo at dinamba ito ng yakap kasabay ng paulit-ulit niyang paghingi ng sorry dito."I'm s-sorry C-Connor. I'm s-sorry!" "Shh... it's alright Florence," anito habang hinihimas ang likod niya para patahanin siya."I'm sorry if naging matigas ako sa iyo," muling paghingi niya ng paumanhin.Naramdaman niya ang pag-iling nito at paglayo sa kaniya. Kaagad siyang kinabahan dahil baka hindi nito nagustuhan ang paulit-ulit na paghingi niya ng sorry."P-Please, I-I'll s-stop s-saying s-sorry, j-just d-don't l-leave m-me."Who would have thought that loving someone so much can be traumatic? Yun kasi ang nararamdaman niya ngayon. She is so scared that he might leave her because
Third person point of view"Someone named Anikka is on the line, and she is looking for you Connor."Natigilan si Connor at kumabog ang dibdib niya pagkarinig sa pangalan na binanggit ni Brent. Anikka, it's been awhile seen he last talk to her. Ano kaya ang kailangan nito sa kaniya?Hindi niya maiwasan na magtanong kung ano ang pakay nito dahil sobrang tagal na nung huling kinausap siya nito.Mabagal siyang tumayo at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niya ang pagkabahala ni Florence. Palihim siyang nagbuntong hininga dahil alam niya na nakakaramdam na naman ito ng takot.Gusto niyang manatili sa tabi ni Florence pero hindi niya maiwasan na ma-excite sa kaalaman na makakausap niyang muli si Anikka.Minadali na niya ang pagpasok sa bahay at nung naroon na siya sa loob ay kaagad niyang tinungo ang kinaroroonan ng telepono na nakataob. Kinuha niya ang telepono at kaagad na tinutok iyon sa tainga niya."Anikka," pagtawag niya sa pangalan nito.
Third person point of viewPangko-pangko ni Connor papasok ng bahay ang nakatulog ng si Florence. "How is she?" Tanong ng madadaanan niyang si Brent. Nasa sala ito at nagkakape kahit na medyo alanganin ang oras. Nakatingin ito sa walang malay na buhat niya."Shaken up, I am worried about how she might react tomorrw," sagot niya.Tumango lang ito at sinenyasan siya na idala na sa kwarto si Florence. Itinuro lang nito sa kaniya ang kwarto.Tumango lang din siya dito at muling nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kwarto na tinutuluyan nito. Pagkapasok sa kwarto ay hindi na siya nag-abala pa na buksan ang ilaw, mas gusto niya na nakapatay lang ang ilaw para makapag-pahinga pa ito ng maayos. Baka rin kasi magising ito kapag binuksan niya ang ilaw.Inihiga niya ito sa kama at maingat na ibinalot ng kumot ang katawan nito. Pagkakita na maayos na ito ay tumayo siya at naglakad papunta sa kinalalagyan ng remote para sa aircondition nitong kwarto at in-adjust iyon para h
Third person point of viewPagkatapos ng pag-uusap nila ni Brent ay bumalik siya sa kwarto ni Florence para tignan kung nagising na ito.Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito ng hindi inaalis ang tingin sa mahimbing at payapa nitong mukha.Malapit na siya sa kinaroroonan nito ng biglang tumunog ang cellphone niya. Napatalon siya sa gulat at mabilis na kinuha iyon para tignan.Bago niya sagutin ang tawag na galing sa kaibigan ay tinapunan niya muna ng tingin si Florence. Nung masiguro na mahimbing pa rin itong natutulog ay maingat na naglakad siya palabas ng kwarto."Anikka's back!" Kaagad na bungad sa kaniya ng kaibigan, ni hindi na nag-abala pa na bumati.Muli niyang naalala ang naging pagtawag ng babae na dating tinatangi."Yeah I know," mahinang sagot niya."Sabina's jealous-""And so is Florence," pagputol niya sa sasabihin nito. Natahimik ito kaya naman sasamantalahin niya iyon para kumpirmahin ang hinala niya. "Ikaw siguro ang nagsabi kung nasaan ako!" It wasn't a question,
Third person point of view"Connor, sino ang pupunta ng america?" Tanong muli ni Florence dahil walang sumagot sa una niyang pagtatanong.Pinakatitigan niya ang dalawang lalaki na nasa harapan niya at nagkakambatan ang mga ito, sa hinuha niya ay nagtuturuan ang dalawa kung sino ang sasagot sa tanong niya."Connor!" Napipikon na tinawag niya ang pangalan nito.Napatayo ito at halata ang kaba sa mukha."Ako, plano ko na d-,"Parang bomba na sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito kaya naman bago pa nito matapos ang dapat na sabihin ay sumingit na siya."Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Dahil ba ito sa mga nalaman mo tungkol sa akin. Kasi kung dahil doon ay handa naman akong baguhin ang sarili ko. God I really hate my life!" Bulalas niya na hindi na pinatapos ang sasabihin pa sana nito.Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tumalikod na siya dahil hindi na niya hahayaan na masaktan lang siya dahil magpapaalam na ito sa kaniya."Florence!"Tinawag nito ang pangalan niya pero hindi
Third person point of view"Kiss me back, Florence." Hinihingal na utos ni Connor habang patuloy sa ginagawang paghalik sa kaniya.Pero dahil sa iba ang naging epekto ng pagkakasabi nito ng salitang mahal ay pakiramdam niya ay wala na siya sa kaniyang sarili.Tumigil ito sa paghalik at pansamantalang lumayo bago tumingin sa kaniya ng may pagtataka. "Okay ka lang ba. May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong nito.Umiling siya at nginitian ito pero hindi siya gumawa ng anumang kilos maliban sa simpleng pag-iling. Ninanamnam niya muna ang epekto ng mabulaklak nitong salita sa kaniyang isipan."Florence, talk to me mahal," pagsusumamo nito.Muli siyang natigilan dahil sa muli nitong pagtawag sa kaniya ng mahal.Napanganga ito sa kaniya at unti-unting nanlaki ang mga mata at kaagad na bumakas ang realization sa mukha nito.Dahil sa naging reaksyon nito ay tipid siyang ngumiti. "This is the first time na sinabihan mo ako na mahal mo ako, nagulat lang ako dahil walang nagsasabi nun sa a
Third person point of viewSabay na naglakad palabas ng kwarto si Connor at Florence ng magkahawak ang kamay. Napagdesisyunan ng dalawa na ituloy ang naudlot nilang date sa kabila ng naging pagtatalo nila."Do you think papayag ang parents mo na isama kita sa US?" Nababahalang tanong ni Connor.Napaisip si Florence at maging siya ay kaagad ding nabahala dahil kapag nagkataon kasi ay ito ang unang beses na talagang lalayo siya sa pamilya niya ng hindi trabaho ang dahilan.Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap hanggang sa makarating sila sa sala ng bahay sa first floor."So, okay na kayong dalawa? Mukhang blooming ka ah, Florence!"Napatigil sila sa pag-uusap ni Connor at sabay na napatingin kay Brent na nakataas ang kilay habang may nang-aasar na ngisi.Kaagad na nag-init ang buong mukha niya at pakiramdam niya ay umakayat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya dahil may ibang kahulugan ang mga ngisi nito.Pinandilatan niya si Brent na bigla nalang humalakhak. Nagtatakang nagpabalik-balik ang