"Chelle!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Aling Minerva. Siya ang caretaker ng pinakamalaking bahay dito sa aming baryo at sa buong probinsya na din. Nakatirik ito sa malapit sa highway, may dalawang kilometro ang layo mula sa aming bahay. "Bakit po, Ate Minerva?""May natira ka pang biko?"Binaba ko saglit ang basket na dala ko dahil nangangalay na ang braso ko. "Meron pa po." Nagpunas na din ako ng aking pawis dahil tirik na tirik ang araw ngayon. Sobrang init. Summer na kasi. "Madami pa ba?" "Teka lang, Aling Minerva at bibilangin ko lang." Sana kunin na niya ang natira para maubos na ang paninda ko. Kailangang-kailangan ko pa man ding mapaubos ang lahat ng lahat. "Dose pa po ang lahat ng 'to, Aling Minerva.""Sige, akin na lahat niyan! Halika dito. Sumilong ka na muna." Nagkukumahog akong lumapit sa kaniya. Pinapasok niya ako sa loob ng malaking bakod upang pasilungin. "Dumating kasi ang apo ng amo ko. Hindi sila nakapagsabi ng maaga kaya hindi ako
Matapos naming magsampay ni Nanay nagpahinga muna ako saglit. Madami pang gagawin kaya saglit lang ang pahinga ko. Si Nanay ay hinayaan ko na munang matulog dahil baka lumala pa ang nararamdaman niya. Habang nakahiga sa duyan dito sa labas ng bahay ay hindi mo maiwasang isipin ang kalagayan namin. Naiiyak na naman tuloy ako. Paano kaya kami makakaahon sa hirap? Sobrang ilap ng pera dito. Kahit ano'ng pagsusumikap ang gawin mo, parang wala din. Kakarampot na nga lang ang kinikita namin, may malas pang dumagdag. Sa kakarampot na kita, pagkakasyahin na namin doon ang pambili ng bigas at kaunting ulam.Kailan kaya kami suswertehin sa buhay? Diyos ko, tulungan mo po kami. O kahit malusog na pangangatawan na lang po para sa Nanay ko. At sana din po magbago na si Tiyong, pero ewan ko kung may pag-asa pa siyang magbago. Pakiramdam ko kasi ay palala siya nang palala. Kung hindi ko lang iniisip si Nanay, baka matagal na akong naglayas talaga kahit hindi ko din alam kung saan magpunta. Ewan k
Bagong araw, bagong pag-asa. Nakabili ako ng asukal kagabi kaya heto ako ngayon muling magtitinda. Sana lang mapaubos ko ito agad. Kasabay ko na din si Nanay sa paglabas. Siya na ang nagbitbit ng aking paninda dahil mas magaan at ako naman ang nagbuhat ng kaniyang mga nilabhan. I-de-deliver na niya ito ngayon kina Attorney Flores. Pahinto-hinto kami dahil may mga bumibili na paisa-isa. Nang makarating kami sa gate ng mga Flores ay kalahati na ng paninda namin ang napaubos. "Sabay na lang tayo sa pag-uwi, 'Nay." "Sige, Anak. Hihintayin kita sa waiting shade." Kapag umuwi siya tiyak na kukunin na naman ni Tiyong ang pera na kinita ni Nanay. Huwag ko na nga munang isipin ang demonyong iyon, nakakasira lang siya ng araw. Paglatapos ng mahigit isang oras napaubos ko din ang paninda ko. May mga nagpapatrabaho sa may kurbahan kaya binili nila ang mga biko ko pangmeryenda. Kahit nakakapaso ang sikat ng araw masaya akong naglakad pabalik. "Chelle, may biko ka pa?" Hindi ko namamalayan
Masama ang pakiramdam ni Nanay kinaumagahan pero bumangon pa din siya ng maaga para magpunta sa mansyon upang ipaglaba ang mga binata na galing sa Maynila. Naglaba naman muna ako ng aking mga damit bago ako umalis upang magtinda ng biko. Kapag napaubos ko ang paninda ko, plano kong magpunta sa bayan upang mamalengke. Magdadagdag ako ng paninda para madagdagan din ang aking kita. Kailangang kumita nang malaki-laki ng kaunti dahil buntis na si Nanay. Sa sunod na mga buwan bawal na siyang maglabada pa, kung maari nga lang ay ayaw ko na siyang magtrabaho kaso mapilit siya. Sabagay, ano nga ba ang ibibigay niya kay Tiyong kung hindi siya magtatrabaho? May nagpapatanim na ng palay ngayon kaya nakabenta ako malayo pa man ako sa highway. Hindi na ako nakarating pa sa mansyon, dahil naubos na ang paninda ko. Hindi ko na naipagtabi si Sir Huxley. Bukas na lang. Sumakay na ako ng jeep papuntang bayan. Tiningnan ko ulit ang aking listahan para masigurado na wala akong makakalimutan. Bigas,
Hinatid ako ni Aling Minerva sa pangalawang palapag kung saan ako mamamalantsa. Alas-nuebe na ngayon ng umaga. Tinanghali na ako dahil inasikaso ko pa si Nanay na may sakit. Wala si Tiyong. Hindi ito umuwi kagabi kaya nag-alangan pa akong iwanan kanina si Nanay. Napatingin ako sa malaking balkonahe kung saan ko unang nakita noon si Sir Angus. Tahimik ang mansyon, hindi ko pa nakikita ang tatlong lalake. "Umalis yata ang mga Senyorito," sabi ni Aling Minerva kaya nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman kung ganoon. Sinimulan kong plantsahin ang mga tshirts at mga polo nila. Hindi ko alam kung alin dito ang pagmamay-ari nino. Bahala na lang sila mamaya.Ilang araw pa lang sila dito pero ilang damit na ang nagamit nila. Ang sipag naman nilang magpalit ng damit. At sana na lang lahat madaming damit. Nakalahati ko na ang pinaplantsa ko nang magbukas ang isang pintuan. Agad inatake ng mabangong amoy ang aking ilong. Lumabas si Sir Angus mula sa silid. Bagong paligo pa ito. Akala ko ba
Tinulungan nga ako ni Sir Huxley pero pakiramdam ko doble ang pagod ko dahil sa kanila. Iniwan ko sila na nag-aasaran para manguha ng dahon ng saging sa may likod. May ilang puno ng saging dito na tinanim ko noon para may magamit kapag gumawa ng kakanin. Mula elementary tumutulong na ako kay Nanay para kumita ng pera. Sumunod sa akin ang tatlo. "Tulungan ka na namin..." Nag-unahan pa sina Sir Huxley at Sir Caius sa pag-agaw sa akin sa itak na hawak ko. Nagsimula na akong mapikon kaso kailangan kong magpakabait sa kanila. Nakuha ni Sir Caius ang itak. Kumuha din siya ng isang dahon ng saging kaso hindi maganda ang bagsak nito sa lupa. Napangiwi ako dahil hindi ito magagamit sa pagbalot ng suman na balanghoy. Ano ba iyan sila! "Hindi ito dapat mapunit, di ba?" tanong ni Sir Huxley kaya tumango ako. Kinuha niya ang itak kay Sir Caius at siya naman ang kumuha, kaso napunit pa din. Hindi na ako makaimik sa inis. Napatingin ako kay Sir Angus nang mapansin ko na nakatingin na naman siya
"Damn it! It's inside my shirt!""Fuck! Something is biting my butt.""Fuck! My balls!"Pumikit ako at tumalikod sa kanila nang ipasok ni Sir Caius ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang pantalon. Puro sila mura. Hindi na din ako makatawa pa dahil naawa na ako sa kanila. Naalala ko na taga-Maynila nga pala sila at hindi mga laking probinsya. Nagkaroon sila ng mga pantal. Pati ang makikinis nilang mga pisngi ay hindi pinatawad ng mga antik, kaya hindi na kami tumuloy sa dulo. Nagpasya ako na umuwi na kami dahil baka mapaano pa sila. Hindi ko naman sila kagaya na sanay na sa kagat ng langgam. Halatang hindi na din sila komportable. Kanina pa sila kamot nang kamot. Ano'ng oras na din, kaya uuwi na lang kami para mabenta ko na din 'to. Mabuti na lang at nakasalubong ko si Mang Epong, sinabihan niya ako na dalhin ang mga kabute sa kanilang bahay. Dadalhin daw nila ito bukas sa kanilang mga anak na nakatira sa syudad. Dalawang oras mahigit pa ang layo ng syudad dito sa amin. "Umuwi na
Nagdasal ako pagkagising ko ng alas-kuwatro ng madaling araw. Maaga pa din akong nagising kahit puyat ako kagabi. Alas-dies na natapos ang ginagawa ko. Kapag wala si Sir Angus malamang natapos ko sana iyon agad. Birthday ko ngayon. Eighteen na ako. Ibig sabihin ay ganap na akong dalaga. Alas-siete na ng umaga nang matapos ako kaya dali-dali na akong naligo. Gising na din si Nanay, nagsusuka siya kaya inasikaso ko muna ang kakainin niya bago ako umalis."Happy birthday, Anak." Nilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang isang libong piso. "Kapag maaga kang natapos sa mansyon, pumunta ka ng bayan para bumili ng damit mo, huh.""'Nay, huwag na po." Nagtitipid at nag-iipon nga ako para sa kanila ng kapatid ko, e, tapos binigyan naman niya ako ng pera. "Hindi, Anak. Birthday mo, e. Bumili ka ng bago mong tshirt saka pantalon. Bumili ka na din ng bago mong tsinelas, huh."Mapilit si Nanay kaya kinuha ko na ang pera, pero wala naman akong planong ibili ito gaya ng gusto niya. Itatabi ko na