Share

TAYO NA LANG ULIT 1

"Chelle!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Aling Minerva. Siya ang caretaker ng pinakamalaking bahay dito sa aming baryo at sa buong probinsya na din. Nakatirik ito sa malapit sa highway, may dalawang kilometro ang layo mula sa aming bahay.

"Bakit po, Ate Minerva?"

"May natira ka pang biko?"

Binaba ko saglit ang basket na dala ko dahil nangangalay na ang braso ko.

"Meron pa po." Nagpunas na din ako ng aking pawis dahil tirik na tirik ang araw ngayon. Sobrang init. Summer na kasi.

"Madami pa ba?"

"Teka lang, Aling Minerva at bibilangin ko lang." Sana kunin na niya ang natira para maubos na ang paninda ko. Kailangang-kailangan ko pa man ding mapaubos ang lahat ng lahat.

"Dose pa po ang lahat ng 'to, Aling Minerva."

"Sige, akin na lahat niyan! Halika dito. Sumilong ka na muna." Nagkukumahog akong lumapit sa kaniya. Pinapasok niya ako sa loob ng malaking bakod upang pasilungin.

"Dumating kasi ang apo ng amo ko. Hindi sila nakapagsabi ng maaga kaya hindi ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status