Share

Resultang Hindi Inakala

Idinilat ni Hillary ang mga mata. At tumambad

nga sa kanya ang resulta. Saglit siyang natulala sa nakita. Lumunok. Kumurap nang dalawang beses sa pag-asam na magbabago ang nakikitang resulta. Pero walang pagbabago. 

Iisa ang sinasabi ng tatlong kit. Nakadama ng panghihina si Hillary. Nang hindi matatawarang pagkadismaya. Nanginig pa ang kanyang mga tuhod kaya minabuti niyang maupo muna sa gilid ng kama.

"So?" tanong kay Hillary ni Chloe. Ni hindi niya nagawang tawagan ang kaibigan para ibalita ang resulta. Nagpadala lang siya ng text message na pumunta ito sa bahay niya.

"It's... negative," walang sigla na sagot ni Hillary. Nasa

sala siya, nakaupo sa couch, nakataas ang mga paa at nakasandal patingala sa headrest ang ulo. Nakipag-one-night stand siya sa isang estranghero dahil lamang sa iisang layunin. At iyon ay ang mabuntis. Ang magkaanak.

Pero heto at negatibo ang resulta ng mga test. Ah! Para bang ninakaw ng resultang 'yon ang lahat ng lakas niya.

Nakakadismaya. 

Nakakapanlumo.

Hindi agad nakaimik si Chloe. Mayamaya ay tumikhim ito. "Sabi ko naman, 'di ba? Maaga pa para malaman kung---"

"Hindi," umiiling na putol niya sa sinasabi nito.

"Sapat na daw ang six weeks para malaman kung buntis ang isang babae o hindi. Ano kayang nangyari, Chloe? Bakit nagkaganoon? Bakit negative?" Inihilamos niya ang isang palad sa kanyang mukha.

"Fertile naman ako nang panahong iyon at siniguro ng doktor ko na malusog ako. Na puwedeng-puwede akong mabuntis," frustrated niyang wika.

"Gusto ko na ng anak, Chloe. Anak ko..."

"Hillary, baka naman walang kakayahang magkaanak 'yong lalaking iyon?" pangongonsola nito.

"Hindi ko alam. Physically fit naman siya, lalaking-lalaki, at..." Lumitaw sa isip niya ang hitsura ng nakaniig na lalaki. Matangkad, maputi, at malakas ang sex appeal.

"...at g-guwapo. Sobrang guwapo."

Natawa si Chloe kaya naman naging defensive siya.

"Of course, dapat lang pilin ko iyong may magandang genes para maging maganda o guwapo ang magiging anak ko. At tulad nga ng sinabi ko sa 'yo, siniguro ko na wala siyang proteksiyon habang nagse-sex kami. Condom, I mean." 

"Gusto niya pero iginiit ko na bukod sa hindi ako fertile, nagpapaturok din ako regularly ng contraceptives, na hindi naman totoo."

"Wait. Sinabi mong nagpapaturok ng contraceptives? Hindi ba siya nagtaka noong madiskubre niya na siya pa lang ang lalaki sa buhay mo?"

"H-ha?" Tumuwid ang likod ni Hillary. Nanlaki ang kanyang mga mata. 

"Ah..." Shit! Oo nga, ano. Alam ng lalaking 'yon na virgin siya dahil nagulat ito nang hindi agad makapasok. Naaalala pa niya na nanlaki ang mga mata nito at bumuka pa ang mga labi sa pagkagulat. Naging extra gentle panga ito.

"E-ewan ko. Baka hindi na rin niya napansin." Oh, well. Hindi naman na sila magkikita pa.

"Malamang nga. Pero siniguro mo ba na he spilled his seeds inside you? Hindi siya nag-withdraw?"

"Oo. H-hindi naman siya nag-withdraw." In fact, para talaga silang dalawang katawan na naging isa nang gabing iyon dahil magkahinang ang mga labi nila at nakayakap sa isa't isa. Nakapulupot pa nga ang mga binti niya sa katawan ng lalaki habang inaakyat nila ang r***k ng kaligayahan, habang nagsasabog ito ng binhi sa loob niya. Ramdam niya ang mainit na pagsabog sa loob niya.

Tumango-tango si Chloe. "Uhm, kung walang diperensiya ang lalaking iyon, eh, baka hindi lang kayo naka-bull's-eye. Alam mo, hindi naman guarantee na porque nakipag-sex ka, eh, mabubuntis ka kaagad. 'Yong iba ngang mag-asawa, eh, inaabot nang ilang taon bago magkaanak. Nakukuha mo ba ang punto ko?"

Nasapo ni Hillary ang ulo. "God! Sumasakit ang

ulo ko. Gumawa ako ng isang drastic move para lang

mabigo. Ibinigay ko ang sarili ko sa isang estranghero." nanghihinang bulalas niya.

Lumipat si Chloe sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "So what now?"

Pumalatak siya. "Hindi ko alam. Masyado akong disappointed. God..." Naiyak na siya.

"Hill..."

"Sorry." Pinahid niya ang mga luha. "Masyado kasi akong umaasa..."

"Don't be too brokenhearted, Hillary. Kung gusto mo talagang magkaanak, then let's stick to the original plan. Maghihintay-hintay pa nga lang tayo ng ilang taon pa. The whole procedure is quite expensive."

Tumango si Hillary. "Yeah. Ganoon na nga lang." 

Ang orihinal na plano niya talaga para magkaanak ay

sa pamamagitan ng artificial insemination. Bibili siya

ng malulusog at magandang sperm sa isang sperm and egg bank. Itatanim ang sperm sa kanyang sinapupunan.

Iyon nga lang, tulad ng sinabi ni Chloe, mahal ang buong proseso ng artificial insemination. At wala pa siyang sapat na pera para doon.

Hanggang minsang nasa Singapore sila ni Chloe dahil

sa sang business conference kung saan kasama sila bilang representative ng kanilang kumpanya, nagkatuwaan sila na mag-night club. Nangyari na lang na naging topic nila na ano kaya kung pumili siya ng isa sa mga lalaking naroon at makipag-one-night stand. 

Sinabi ni Chloe na ang perang ipambibili ni Hillary ng sperm ay gamitin na lang niya sa pagpapalaki g kanyang anak. Nag-isip siya. She considered the idea. Tinimbang niya ang mga bagay-bagay.

Nagkataon pang may lalaking pumasa sa panlasa niya. At humantong nga sila ng lalaking iyon sa kama. Isang gabi, isang sugal para sa isang pambihirang premyo. Pero nabigo siyang makuha ang premyo. Ibig sabihin ay natalo siya. And it cost her virginity. 

Sasagot pa sana si Hillary nang tumunog ang kanyang cell phone. Hindi niya gustong tumanggap ng tawag nang sandaling iyon pero kung importante iyon ay kailangan niyang tanggapin. 

Tinatamad na sinulyapan niya kung sino ang tumatawag.

"Si Nanay," aniya kay Chloe. At may hinala na siya

sa dahilan ng tawag na iyon. Ipapaalala ng kanyang ina ang dapat na pag-uwi niya sa kanilang probinsiya sa susunod na weekend.

Pagkatapos naman niyang kausapin ang kanyang ina ay nilapitan ulit siya ni Chloe. "Hillary, don't be too sad about it, okay? Para saan ba't magkaka-baby ka rin, baka hindi lang talaga oras pa..."

"I don't know, Chloe... Ilang taon na ako, oh? Paano na lang kung tal---"

"Hey, 'wag ka ngang nega masyado diyan."

Buntong-hininga na lamang ang tanging naisagot niya sa matalik niyang kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status