"Tita Hillary, melon din po ako pashayubong?" tanong ng pamangkin ni Hillary na si Gustav. Tatlong taong gulang lang ang bata at pamangkin niya sa isang pinsan.
Parang balikbayan si Hillary kung pagkaguluhan ng mga kamag-anak niya gayong sa Maynila lang naman siya nanggaling. Kunsabagay, sa lahat ng magpipinsan ay siya lang ang maituturing na matagumpay dahil siya ang nakatapos ng pag-aaral at ngayon ay may magandang trabaho sa isang malaking kumpanya sa Maynila.
Ang iba kasi niyang pinsan, kung hindi maagang nagsipag-asawa, hindi naman nakatapos ng pag-aaral. Kaya naman ganoon na lang ang pagmamalaki sa kanya ng nanay niya, pagmamalaki
na hindi naman nagmamayabang. Nananatiling mababa ang loob nito."Siyempre naman, ikaw pa ba ang makakalimutan ko?" natatawang sagot ni Hillary.
"Hala, pikit ka muna."
Mula sa malaking paper bag ay inilabas niya ang isang remote-controlled toy car. Siniguro talaga niya na mabibilhan ng pasalubong ang lahat para walang magtampo sa kanya. Tutal naman ay paminsan-minsan lang yon. Si Gustav na lang ang hindi niya nabibigyan kaya siguro nagtanong na.
"Dyaraaan!"
"Wow!" Nanlaki ang mga mata ng bata. Para bang nakakita ng bagay na pinakamimithi. Agad na bumaba si Gustav mula sa pagkakakandong sa ina at parang namamangha na ingat na ingat na binitbit papunta sa kung saan ang laruan. Kahit na anong tawag niya ay hindi na ito lumingon.
"Tingnan n'yo ang batang iyon at biglang naging isnabero," natatawang komento niya na sinegundahan ng iba pa.
"Hill, wala pa ba?" tanong ng Kuya Japhet niya nang humupa ang tawanan. Isa ito sa mga pinsan niya.
"Wala pang ano?" kunwari ay nakakunot-noo niyang tanong kahit may ideya na siya kung ano ang itinatanong nito. God! Here we go... Hindi pa nag-init ang p***t ko sa upuan, heto at nabuksan na agad ang topic na ayaw na ayaw kong pag-usapan.
"Boypren."
Sabi ko na nga ba! palatak niya sa isipan.
"Beinte-otso ka na sa susunod na buwan pero wala ka pa ring boyfriend. Pinsan, dito sa probinsiya, maituturing nang matandang dalaga ang ganyang edad.
"Oo nga! Kailan ka ba kasi mag-aasawa? Aba'y kilos na at baka maiwan ka ng biyahe, susog naman ng isa pa."
"Si Lance, pagkaguwapo-guwapo naman ng binatang
iyon, ewan ko kung bakit hindi mo nagustuhan. Hayun at napagod din sa kahahabol sa 'yo. Ang nangyari, nabaling ang atensiyon sa kaibigan mo."Lihim na nagpakawala ng buntong-hininga si Hillary. Isa ang topic na iyon sa mga dahilan kung bakit hindi madalas ang pag-uwi niya sa probinsiya. Ayaw niya sa usaping 'yon dahil maraming binubuhay na alaala.
Mapapait na alaala. Mga alaalang hindi makalimutan at patuloy na nagdudulot ng sakit sa kanyang kalooban.
"Aanhin ko naman ang guwapo kung ako naman ang magpapakain?" hindi niya napigilang isagot. Dahil ang Lance na pinag-uusapan nila ay batugan at problema ng asawa. Hillary managed to fake a cheerful smile.
"Sabi nga nila 'di ba, 'kapag hindi ukol, hindi bubukol,'" katwiran niya.
"Saka huwag nga kayong mainip at darating din tayo diyan."
Pero hindi yon mangyayari. Ayaw niyang mag-asawa. Hindi siya mag-aasawa. Never.
"Baka doble-doble naman kasi ang padlock niyang puso mo, pinsan, kaya walang makapagbukas," hirit
pa ng isa."Nako! Sayang ang lahi natin. Sa ganda mong iyan,
dapat na marami pang maliit na Hillary ang mabuhay sa mundo!"Gosh, kailan ba sila magiging sensitive? Hindi ba nila naiisip na single pa rin ako sa edad kong ito dahil ayaw ko talagang mag-asawa?! Kailan ba makakaramdam ang mga pinsan niya na asiwa siyang pag-usapan ang usaping iyon?
At mabuti sana kung hindi na 'yon mauulit. Pero
hindi, eh, hindi iyon doon natatapos. Siguradong bukas ay mauulit ang usaping ion. At hindi iyon limitado sa mga kamag-anak niya, pati na rin sa lahat ng tagaroon na makakabatian at kakumustahan niya ay magtatanong din kung kailan ba siya mag-aasawa.Nakakapagod na.
Eh, bakit kasi hindi mo sila prangkahin na ang calling na pinili mo ay ang buhay ng single-blessedness? Na wala ka naman talagang balak na mag-asawa? anang kanyang isipan.
Nang igala ni Hillary ang paningin, nasalubong
niya ang tingin ng kanyang ina. It was a knowing look. Iyong klase ng tingin na may ipinahihiwatig. At hindi niya 'yon matagalan kaya nag-iwas siya ng tingin."Madadala ka na naman sigurong umuwi rito, ano?" Boses yon ng ina ni Hillary na pumukaw sa naglalakbay niyang diwa.
Alas-siyete na ng gabi. Nakahiga na siya sa kama pero hindi naman natutulog. Nilingon niya ang ina. Nasa bukana ito ng pintuan at may hawak na platito na may isang tasa ng umuusok na hot chocolate. She could smell the aroma of the steaming cup of hot chocolate.
Naupo siya sa kama. Ang kanyang ina naman ay tuluyang pumasok at inilapag sa mesa ang tasa ng hot chocolate.
"Ilang buwan na naman kaya ang lilipas bago ka muling umuwi rito?" dagdag pa nito habang umuupo sa gilid ng kama.
"Kung hindi pa ako humiling sa 'yo na dalawin mo naman ako ay hindi ka uuwi. Alam ko naman na hindi mo ako nalilimutan. Ayaw mo lang talagang bumalik sa lugar na ito."
"Bakit n'yo naman po nasabi yan?"
Sinulyapan siya nito at nginitian, ngiting hindi niya alam kung ngiti ng katuwaan o pag-aalala. "Dahil kilala kita. Anak kita. Hindi ka man magsalita, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Hindi ka komportable kanina. Para kang sinisilihan. Para bang gusto mong tumakbo at magpakalayo-layo."
"Nay, hindi ko po kayo maintindihan," kaila niya.
"Hindi ka pa rin nakakalimot..." basag ang boses
na sabi pa nito bago namasa ang mga mata.Nag-init ang mga mata ni Hillary. Unti-unting naipon ang kanyang mga luha pero pinigilan niya iyon
sa pamamagitan ng pagpikit-pikit at mariing pagkagat ng dila."M-mahirap pong makalimot kung m-malaki at
malalim ang s-sugat." Muli siyang nahiga at umunan sa hita ng ina na buong lugod siyang tinanggap. "K-kung buhay na buhay ang mga alaala."Hinaplos nito ang buhok niya nang buong pagmamahal. "Lahat ng sugat gumagaling, anak, kahit gaano pa kalalim iyon. Kahit gaano kalaki. Ang kailangan mo lang gawin ay... m-magpatawad."
"Hindi po, Inay. May mga sugat na hindi gumagaling at patuloy na nagnanaknak hanggang sa mabulok... Hanggang sa magnaknak at magnana rin ang mga nasa paligid non. Hanggang sa mabulok din ang paligid at lalo pang lumaki at lumalim ang sugat..."
"May mga sugat, Inay, na tumatagos hanggang sa kaluluwa mo. At iyon ang klase ng sugat na meron ako."
Ang sugat na pinag-uusapan nila ng kanyang ina
ay ang sugat na dulot mismo ng kanyang ama. Ang kanyang iresponsable, lasenggo, marahas, at sugarol na ama.Namulatan na niya ang mga hindi kanais-nais na katangian na 'yon ng ama. Pumikit si Hillary nang
sumagi sa isipan ang isang alaala...Flashback from the past...Napaigtad ang sampung tong gulang na si Hillary sa bangkong kahoy na kinauupuan nang marinig niya ang lasing na boses ng paparating na ama.Kumakabog ang dibdib, dali-dali siyang nagpunta sa maliit niyang silid at nagkulong. Sa murang edad ay namahay na ang takot sa kanyang dibdib. Narinig niya ang pabalandrang pagbukas ng pinto ng kanilang maliit na bahay."Phagkain! Hik," sabi nito sa lasing at sinisinok na boses. Malakas ang boses nito kaya sigurado siya na umaabot 'yon hanggang sa pandinig ng mga kapitbahay."Bhigyan ninyo akho ng phagkain! Phamehla! Nasaan kang put*ng-ina ka! Hhillary!"Napaigtad si Hillary kasabay ng pagngiwi. Aktong tatayo na siya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina na si Pamela. Galing ito sa palengke at nagtitinda ng mga gulay at ilang kakanin."Lando, ano ka ba? Nasa kanto pa l
Nasugbu, Batangas"Thank you," sabi ni Hillary sa resort staff na naghatid sa kanya sa reception ng kasal. Bitbit niya sa kanang kamay ang katamtamang laking paper bag na pinaglalagyan ng regalo, sa kaliwang kamay naman ang kanyang purse.Sinadya niyang magpahuli para hindi saksihan ang seremonya ng pagpapalitan ng wedding vows dahil... Well, kailangan pa ba niyang sabihin ang dahilan?Magiging isang negative energy lang siya kung sakali na panay ang lihim na pagkokomento. Magkakasala lang siya. Napilitan lang talaga siyang pumunta sa reception dahil bukod sa nakaoo na ay mapilit din ang kanyang ina. Hindi ito papayag na hindi siya um-attend.Isa pa, noong isang araw ay tinawagan pa siya ni Johanna ng tatlong beses para lamang kumpirmahin ang pag-attend niya.Beach wedding ang kasal ni Johanna. Lumaki si Hillary sa Batangas kaya alam niya na mamahal
"Hey, man!" Tawag-pansin kay Seven ng kaibigang si Calvin."Hindi ka nakikinig.""True. Masyado kang tutok na tutok diyan sa cell phone mo. Ano bang meron diyan?" tanong ng isa paniyang kaibigan na si Dominic."Is that a picture?"sabi nito na nahagip yata ng mga mata ang nasa screen ng cell phone niya bago iyon naisara."Nah." Umiling si Seven bago mabilis na ibinulsa ang cell phone. "Sorry. Are you saying...?"Na sino kaya sa ating tatlo ang mag-aasawa?" ani ni Calvin.Nagkibit-balikat si Seven. "Wala akong girlfriend. Ganoon din si Dominic. Ibig sabihin, ikaw na ang susunod," aniya, sinusubukang aliwin ang sarili dahil sa totoo lang bagot na bagot na siya. Kung hindi nga lang niya kaibigan ang groom ay baka kanina pa siya nakauwi.Si Devon Thompson, ang groom, ay nakilala nila at naging kaibigan noong mag-aral sila ng
Suminghap ng hangin si Hillary. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang kanyang hininga. At nasa gilid na ng silya ang kanyang puwitan.Wala na ang lalaki pero hindi pa kumakalma ang mga balahibo niya sa batok. Wala na nga ba ito? O nakatingin pa rin ito sa kanya?"Hill, are you okay?" tanong ni Wendy. Magingsi Sienna na tulad niyang nananahimik din ay napatingin sa kanya."Y-yeah. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ay inabot niya ang kopita ng wine at balewalang inubos ang laman niyon.Sa gilid ng mga mata, nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang mga kasama niya sa mesa. Sinikap niyang ibalik ang composure. Pero hindi na mapipigilan ang pagpe-play sa utak niya ng alaala nanggabing iyon...Flashback..."I have an idea. Crazy idea," sabi kay Hillary ngkaibigan at katrabaho niya na si Chloe.
"Oh, God. Kahit iyan na lang ang mabingwit ko, sabi ni Janice, isa rin sa mga kaklase nila noon at pinsan ni Johanna."Puwedeng-puwede na sa akin si Seb.""Sebastian." agad na pagtatama ni Wendy. Naroon ang pag-angkin. Paano ay noon pa man, ito lang ang tumatawag ng "Seb" kay Sebastian.Seb-love pa nga yata ang endearment nito sa lalaki. Hindi siya sigurado. Sinulyapan ni Hillary ang katabing si Sienna.Si Sienna ang mayaman sa kanilang grupo. Dati pa ay napagkakamalan na itong snob dahil sa pagigingmayaman. Pero hindi ganoon si Sienna.Bukod sa pagiging galante, napakabait nito at maalalahanin. Naaalala ni Hillary, kapag nag-iisa siya noon ay nilalapitan siya nito. Wala itong sasabihin, tatapikin at pipisilin lang ang balikat niya sa parang nagsasabi na naroon lang ito kung sakaling kailangan niya ng kausap.Ngayon, kahit okupado rin ang i
"Hmm. May naisip akong idea. Bahagi ng kasal ang paghagis ng bouquet, right? Gusto kong saluhin mo ang bulaklak."Marahas na bumaling siya sa lalaki. "Ano?""Saluhin mo ang bulaklak, ang bouquet," pag-ulit nito, hindi inaalis ang aroganteng ngiti na nakaguhit sa mga labi. Ang mga labi nito na namumula na dahil sa kagat niya."Saluhin mo ang bulaklak. Then bring me the flowers and then we'll talk. Iyon ay kung gusto mo lang na manatiling sekreto ang nangyari sa pagitan natin.Gustong humiyaw ni Hillary sa pagtutol. "Pinagbabantaan mo ba ako?"Tumawa ang lalaki. Tawang nakakainis dahil hindi maganda ang dating niyon sa tainga niya. "Pinagbabantaan kita? Hmm, yes. Puwede mong sabihin na ganoon na nga. Harassment, blackmail, bahala ka na kung ano pa ang gusto mong itawag.""Pero hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I
Pabalik na si Hillary sa kanilang mesa nang salubungin siya ni Vivian. "Hillary, there you are. Naaalala mo si Valentin Wilford? Kaklase din ninyo at kaibigan ni Sebastian.Valentin Wilford? Pilit inalala ni Hillary kung sinosi Valentin at kung ano ang hitsura nito. Nang maalala ay isa nga pala ito sa mga heartthrob sa klase nila noon."Yeah. Naaalala ko siya.""Siya kasi ang nakakuha ng garter," pagbabalita nito."Oh," matipid niyang sagot. Hindi pa niya nakikita sa okasyon ang lalaki."Ngayon naman tinatawag na ang mga dalaga. Halika na. Maghahagis na ng bouquet! Sumali tayo," excited na sabi ni Vivian.Oh? Pagkatapos ng engkuwentro ni Hillary sa napakayabang na lalaking ion ay lalo siyang walang maunawaan sa nangyayari sa paligid.Ni hindi rumerehistro sa pandinig niya ang sinasabi ng emcee dahil paulit-ulit na umaal
Dahil sa inis ay lumabas si Hillary ng pavilion. Lumayo muna sa kasiyahan. Nagpunta siya sa dalampasigan, hinubad ang sandals niya bago naglakad nang naglakad.Kumakalat na ang dilim sa paligid pero sa tulong ngmga ilaw sa lang poste ay nananatiling maliwanag ang paligid. Nang humina na sa wakas sa kanyang pandinig ang kasiyahang nagaganap, palatandaan na malayo-layo na siya, ay naupo na siya sa tuyong buhangin.Gusto sana niyang maglublob ng mga paa at hayaang mabasa ang laylayan ng kanyang damit kaya lang ay wala siyang dalang pamalit. Hindi naman kasi niya planong mag- overnight.Balak din niyang umuwi pagkatapos ng reception. Ibinaba niya sa buhangin ang ilang piraso ng bulaklak na nakuha sa pakikipag-agawan sa bouquet.Nakakuha siya ng ilang piraso ng rosas, orchids, at lilacs. Napailing-iling siya.Really? Silang tatlo na magkakaibigan ang naghati-hati sa