Share

Chapter 1

"Good noon, Ma'am. Welcome to —"

"May I have the room key on the second floor's first room at the —"

"Here it is, Ma'am," putol ng receptionist na pinagtanungan niya sa front desk nitong hotel na pinasukan. 

Pinutol niya ang pagbati nito kaya para siyang tuta na umurong ang dila nang putulin din nito ang dapat niya sanang sasabihin. She deserve it though. Oo nga at hindi tama ang ginawa nitong pag-ganti pero kahit saang anggulo tingnan, siya ang unang nagkamali. E' kasi naman, may hinahabol siyang oras kaya wala siyang panahon para sa mahahabang eksplenasyon. Pero ang ipinagtaka niya ay tila inaasahan na talaga ng receptionist ang kanyang pagsulpot para kunin doon ang room key. Marahil ay binilinan ito ng lalaking kausap niya sa phone kanina. Sabi kasi nito na nagmamadali ito dahil may emergency na nangyari at kailangang makabalik agad ito sa Australia. She didn't expect that he did spare a time to give instructions before leaving. Sa tono kasi nito sa pagsagot nito sa kanyang tawag, tila wala na itong panahon pa para isipin ang ibang bagay. 

"Responsable naman pala!" naiwika niya sa kaloob-looban. 

Tinugon niya ang mabining ngiti ng staff ng hote habang hawak ang room key saka nagsimula na siyang naglakad papunta sa elevator. Agad siyang lumulan nang bumukas iyon saka pinindot ang numerong para sa pangalawang palapag ng hotel. 'Di rin nagtagal at huminto na ang elevator sa 2nd floor kaya madalian siyang lumabas. Diretso niyang tinungo ang pinakaunang kwarto sa kanang bahagi then inserted the key. Nagpang-abot ang kanyang kilay nang hindi bumukas ang pinto. Inilabas niya ang susi saka muli iyong ipinasok pero gano'n pa rin ang nangyari. She can't open it. Tiningnan niya ang ang numerong nakalagay sa sabitan ng susi. Literal na napatampal siya sa noo nang makitang mali ang kwartong sinusubukan niyang buksan. 

Hindi ba kanan ang sinabi ng lalaking 'yon sa phone kanina? O nagkamali lang ako ng pagkakatanda? 

Nilingon niya ang kaliwang bahagi. Naroon ang numero ng kwartong kalakip ng susi na dala. She went closer to its door then inserted the key. Nag-click agad iyon. Indikasyon na nabuksan ang pinto. 'Di niya alam pero pakiramdam niya ay may kung anong mali pero 'di niya matukoy kung ano 'yon. Shrugging the thought of doubt, binuksan niya ang kwarto saka inilibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto. 

Diretso niyang tinungo ang kama dahil ito ang unang nakakuha ng kanyang atensyon. Halatang madalian nga ang ginawang pag-alis ng umukopa dito kasi sobrang lukot pa ang bed sheet na kanyang nabungaran. Ibabaling na sana niya sa ibang direksyon ang tingin nang kumulo ang kanyang dugo sa bagay na nakita na napapagitnaan ng kumot at malaking unan.

Pinulot niya ang may kadulasang bagay na puno ng laman. Iniangat niya ito para kumpirmahin na 'di siya dinadaya ng sariling paningin.

Saan niya ba ginamit ang binigay ko sa kanyang lalagyan? Sana man lang kahit sabihin pang nagmamadali siya, isinilid na muna niya ang katas niya sa lalagyang binigay ko! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Napaka-iresponsable ng hinayupak!

Puno ng ngitngit sa nasaksihan, minabuti na lang niya na mag-breathing therapy para ikalma ang sarili. Buti na lang talaga at naisipan niya na humingi kay Air ng extra na lalagyan. Inilabas niya iyon mula sa backpack na dala.

"Pwede pa naman siguro 'to gamitin 'di ba? Teka lang." Tiningnan niya ang oras mula sa relo na suot. "Hindi pa naman siguro ganoon katagal simula no'ng umalis ang lalaki." Unsure of her own speculation, hinawakan niya ang condom na dala.

"Mainit-init pa naman," naiusal niya sa sarili pero kalaunan ay natawa siya sa sinabing 'yon. "Kasalanan ito ng lalaking 'yon. Kung 'di lang sana umiral ang kanyang pagiging iresponsable, e' 'di sana ay hindi ko na kailangang hawakan ang iniwan niyang ebidensya ng kalibugan."

Isinilid niya ang laman ng condom sa lalagyang dala niya pero sa sobrang dami ng katas ay may natira pa kaya kinapa niya ulit ang loob ng kanyang bag. Mabuti na lang at may maliit na plastic siyang nahablot. Ipinasok niya agad doon ang used condom saka mahigpit na itinali pasara.

Muli, tiningnan niya ang oras mula sa relong pambisig na suot. Dumagsa ang kaba sa kanyang dibdib nang makitang dalawampung minuto na ang lumipas mula nang nakarating siya rito. Dama ang sobrang pagkataranta na hindi na siya nag-abala pa na ipasok muna sa loob ng bag ang dahilan ng kanyang pagparoon.

"Naku naman, Angie! Bilis-bilisan mo naman kasi ang kilos mo kung ayaw mong expired ang resulta ng kagagahan mong pinaplano!" panenermon niya sa sarili habang tinutungo ang pintuan.

Nasa bungad na siya ng pinto palabas nang maramdaman niya ang pamamawis ng kamay kaya madalian niyang inilagay paharap ang backpack para buksan at mailagay na ang dapat mailagay. Sunod niyang ginawa ay kinuha niya ang phone saka tinawagan ang unang numerong nakarehistro sa call history. Mabuti na lang at kahit sa ikalawang ring pa lang ay nasagot agad ang tawag, sakto rin na may lumabas mula sa elevator kaya lumulan na agad s'ya.

"Air, nasaan ka na?"

Hindi agad ito sumagot kaya nangamba siya na baka hindi agad ito tumalima nang mag-send siya ng message rito kanina.

"Hoy gaga! 'Wag mo sabihing — "

Handa na sana siyang bombahin ito ng lahat ng pagmumura na alam niya pero narinig niya sa background nito ang pag-flush ng tubig. Tumikhim siya nang mapagtanto kung anong ginagawa ng kaibigan.

Ilang sandali lang ay narinig na niya ang pagsara nito ng pinto ng banyo kaya naisipan niyang magsalita na ulit.

"Nasa akin na. Pupunta na ako d'yan."

Hindi na n'ya hinintay ang sagot nito at ibinaba na agad ang tawag nang bumukas na ang pinto ng elevator. Diretso niyang tinungo ang front desk saka isinauli ang room key na kinuha niya kanina. Hindi na niya nagawa pang tugunin ang muling pagbati ng receptionist. Para siyang tao na walang modo ngayon pero may dapat kasi siyang i-prioritize. Oras ang kalaban niya ngayon kaya daig pa niya ang nakagat ng isang daang langgam sa pagnanais na makaalis na agad sa lugar na 'yon.

Isang building lang naman ang madadaanan at naroon na ang clinic ng doctor na kakilala ni Air. Malalaki ang hakbang na kanyang ginawa. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang mabungaran niya ang kaibigan sa hamba ng pintuan ng clinic. Agad siya nitong pinagbuksan ng pintuan nang matanaw siya nitong papungas-pungas. Walang sinayang na sandali na kaagad niyang inilabas mula sa bag ang dala para rito. Kinuha naman nito agad iyon saka itinuro ang water dispenser sa gilid bago tumungo sa papasok sa isang room. Marahil ay doon gagawin ang sperm washing.

Nanlalata na kumuha siya ng isang basong tubig para pawiin ang uhaw at para kalmahin din ang sarili. Tanaw ang nakapinid na kwarto na pinasukan ng kaibigan, umupo siya sa silyang naroon malapit sa mesa saka isinandal ang likod doon. Naghikab siya kalaunan. Ngayon lang yata nag sink in sa kanyang utak na hapon na pala. Bigla ay naramdaman niya ang antok na nawaglit sa isip niya pagkatanggap ng tawag mula sa iresponsableng lalaki na kanyang kinutsaba. 

Ayon kay Air, 90 minutes ang kakailanganin para sa pagsasagawa ng sperm washing. Ibig sabihin, may mahigit isang oras pa siya para ipikit ang mga mata at pagbigyan ang kagustuhan nitong matulog muna. Sakto rin na alas kwatro ay mahahanda na iyon. Perfect sa oras na kailangan.

Palagay ang loob na nagpatangay siya sa antok. Mahimbing ang kanyang tulog nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanyang balikat. Magrereklamo pa sana siya para tumawad pa ng ilang minuto para ipagpatuloy ang pagpapahinga nang ma-realize niya kung nasaan siya ngayon.

"Gising na po, Mahal na Prinsesa. Handa na ang future inaanak ko."

Sinuklian niya ito ng ngiti kaya pabiro siya nitong kinurot.

"Sige na. Maghanda ka na," ani ni Air.

"Ihi muna ako. Alam mo na, dapat manigurado dahil ang hirap humanap ng panibago kung 'di ito uubra ngayon."

"Sige-sige! Pagkatapos mo, pumasok ka lang sa procedure room. Hintayin kita roon. Gora na!"

Tumalima na siya para makaihi. Nabasa niya kasi ang information na, "You have to empty bladder/ pass urine before the procedure" no'ng nangangalap pa siya ng impormasyon tungkol sa pinaplano. 

Siniguro niyang nasaid ang ihi niya. Mabuti na 'yong sigurado! Nang matapos ay pumasok na siya sa procedure room tulad ng sinabi ng kaibigan kanina. Nabungaran niya ito na nakahanda na at may gloves na sa kamay kaya naghubad na lang siya ng pantalon na suot. Ilang beses naman siya nitong nakita na naghuhubad at balewala naman ito sa kaibigan kahit pa sabihin ng ibang tao na kahit bakla ito ay lalaki pa rin ito. Isa pa, sa sitwasyon nila ngayon, normal lang ito professionaly since (s)he's a doctor. 

Nagkusa na siyang humiga sa examination table then covered herself with a drape sheet. Ibababa na niya sana ang underwear kaso si Air na ang gumawa dahil naroon na rin ito sa bandang ibaba niya.

"Handa ka na ba?" tanong nito sa kanya.

Muntik tuloy siyang matawa dahil sa tanong nito. Sino ba kasing hindi magiging handa gayong mahigit dalawang linggo rin ang ginugol niya para inumin ang medications na kinakailangan at ihanda ang sarili sa gagawing procedure? Tinanguan na lang niya ang kaibigan. Panigurado kasing ito ang mas kinakabahan sa desisyong ginawa niya. Aware siya na hindi gagamit ng anesthesia kaya curious siya kung ano ang aktwal na mararamdaman.

Ibinuka na ni Air ng malaki ang mga hita niya. Wala siyang naramdamang awkwardness na nakikita nito ang kanyang pagkababae. Hindi na siya nagtaka dahil inasahan na rin naman niya 'yon. Nakita niyang may hawak itong hugis-pato na device. Marahil ito 'yong tinatawag na speculum. Hindi nga siya nagkamali nang in-insert iyon ni Air sa bukana ng pagkababae niya. Sa pagkakaalam niya kasi, ginagamit ito para mas malinaw na makita ang butas sa loob. 

Napalunok siya nang ang sunod na hawak ng kaibigan ay ang catheter. Sinubukan niyang 'wag ma-tense nang ipinasok na nito iyon sa kanyang cervix patungo sa matris kung saan direktang ilalagay ang semilya. Hindi niya alam kung masyado lang ba siyang sensitive dahil sobrang aktibo ng senses niya ngayon pero naramdaman niya ang likidong napunla sa kanyang matris. Magtatanong pa sana siya sa kaibigan pero mukhang hindi nga yata siya nagkamali sa hinuha lalo at nakita niyang hinugot na nito ang ipinasok nitong catheter saka pati na rin ang speculum. Mukhang 'yon na nga 'yon!

"Huwag ka na munang tumayo. Palipasin mo muna ng dalawampung minuto saka ka na tumayo para makapagbihis. Hihintayin kita sa labas," sabi nito habang abala sa pagliligpit sa mga kagamitang nagamit. Nang wala itong marinig na tugon mula sa kanya ay saka siya nito nilingon. Huli na para itago niya ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Agad siya nitong nilapitan matapos nitong mahubad ang gloves na suot saka siya hinalikan sa noo. Hindi man niya naisatinig pero alam na alam nito na luha ng kaligayahan at pasasalamat iyon.

"Bawal maging iyakin para hindi 'yan mamana ng inaanak ko," alo nito sa kanya habang hawak ngayon ang kanyang kamay. 

She nodded then mouthed a word of thanks to Air. Marahan nitong tinapik ang kanyang balikat saka kumalas na sa pagkakahawak ng kanyang kamay. Tanaw niya ang likod nito nang lumabas ito sa pintuan.

Bahagya siyang ngumiti nang maiwan na siyang mag-isa. Dumausdos ang kanyang kamay sa kanyang tiyan at marahang humaplos roon. Ewan pero wala naman sa kanyang bokabularyo dati na darating ang panahon na magkakaroon siya ng anak. Ni kahit katiting nga lang na ideya na baka mabuntis siya ay wala iyon sa isip niya pero ngayon, sa mismong oras na ito, tumatakbo sa kanyang isip ang posibilidad ng pagkakaroon ng sariling supling. Wala pa nga pero dama na ng puso niya ang pananabik na mahawakan ang munting kamay nito at marinig sa kauna-unahang pagkakataon ang pagngawa nito pagkalabas mula sa kanyang sinapupunan.

She never got the chance to hold an infant's hand lalo na at nakunan ang mama niya bago pa nito mailuwal ang supposed to be younger sister niya.

"Mali man ang naging rason ko kung bakit kita gustong iluwal dito sa magigisnan mong mundo, hindi ko ipagkakait sa iyo ang kaligayahang dapat mong maranasan." Patuloy ang ginawa niyang paghimas sa tiyan bago nagdesisyong bumangon na para makapagbihis at nang makauwi na rin sa bahay para doon ipagpatuloy ang pagpapahinga.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eleth Jarrett
English please.
goodnovel comment avatar
CarLyric
Angielyn, Anong feeling ng magiging nanay na? hehehe.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status