Share

The Pregnant Virgin
The Pregnant Virgin
Author: LilacCurl

Prologue

"Ano na ang gagawin mo n'yan? E' mukhang mas mautak nga yata talaga ang matandang bruhang 'yon kaysa sa'yo." Tinapunan niya ito ng masamang tingin saka hinablot ang dokumentong hawak nito. Kahit kailan talaga, hindi ito marunong makiramdam. Kita na nga at matinding pagpipigil ang ginagawa niya ngayon para hindi sugurin ang bruhang tiyahin niya. 

Ano bang karapatan nito para gawin sa kanya ang bagay na 'yon? Malaking sampal para sa kanya ang kundisyong inilagay nito sa will of testament nito. Kung tutuosin, ang ama niya ang may malaking karapatan sa ari-ariang inihabilin ng mga magulang nito pero dahil mas pinili ng Papa niya na pakasalan ang kanyang ina, na-obliga itong talikuran ang kayamanang dapat sana para rito kaya napunta sa bruhang 'yon ang lahat. Huli na ng malaman ng Papa niya ang ginawa nitong panunulsol sa kanyang Lolo. 

Mamamatay na nga't lahat-lahat pero heto at gumagawa na naman ito ng panibagong hakbang! Kaligayahan yata nito ang makaperwisyo ng buhay ng may buhay. 

Muli niyang binasa ang sinasaad ng dokumento. Parang bawat segundo ay isang boltahe ng galit ang lumulukob sa kanya dahil sa mga salitang nakasaad roon. Sa dami ng mga nakalagay roon, isa lang ang malinaw nitong gustong mangyari. Makukuha niya lang mula rito ang lahat ng mana kung magkakaroon siya ng anak sa taong ito. Kung hindi, lahat ng ari-arian nito ay mapupunta sa foundations. 

Mapakla siyang natawa sa sinabi ng kanyang utak, "Palibhasa, matandang dalaga. Aabutan na ng taning nito pero wala pa rin ni isang anak."

The witch is at the verge of losing her life. Ayon kasi sa diagnosis na in-announce ng doctor na nag-asikaso rito, hindi ordinaryong hilo lang ang nangyari kaya ito natumba at nawalan ng malay no'ng nagdaang araw. Nakita sa CT Scan result nito ang nabuong tumor sa utak na may kalakihan na. All in all, ang ibig lang sabihin ay bilang na lang ang mga araw at buwan na ilalagi nito sa mundo. Sino ba namang mag-aakala na may iniinda pala itong sakit gayong napakabruha nito? Ika nga, malakas pa ito sa kalabaw tingnan. Buong akala niya na ang masamang damo, matagal mamatay. May exemption yata sa kasabihang 'yon.

"Hoy gaga! Ano na nga? Lalabanan mo pa rin ba iyang tiyahin mong 'yan e' alam naman nating napaka-imposible ng hinihingi niyang kundisyon!" pukaw ni Air sa kanyang pag-iisip. 

Sandali niya itong nilingon para irapan bago inangat ang tasa ng kape sa mesa para makahigop. Mabuti at hindi pa ito ganoon kalamig . Maaga niya kasi na binulabog ang kaibigan nang dumating ang Attorney ng bruha kanina para ibigay sa kanya ang mga dokumento. Nag-init ang kanyang bunbunan sa nabasa kaya kahit alam niyang oras pa ng tulog nito dahil night shift ito sa hospital kagabi, heto at dinadamayan siya sa kanyang himutok sa buhay. 

Nailapag niya ang tasa ng kape nang biglang nag-sink in sa kanyang isip ang sinabi ng kaharap. "Hoy Aristotle Buenaventura, anong ibig mong sabihin sa sinabi mong napaka-imposible? Sa dami ba naman ng mga lalaking na-encounter ko, paano naging imposible iyon? Sa isang tawag ko lang, magkakandarapa ang mga 'yon na anakan ako," buong lakas na sigaw niya rito.

Paniguradong pati sa labas at maging sa kapitbahay ay umabot ang kanyang boses kaya madaliang lumapit sa kanya ang kaibigan para hampasin siya ng throw pillow mula sa kinahihigaan nitong couch. 

"Bwesit ka talaga! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Air ang itawag mo sa akin. Isinaksak mo sana ang microphone bago ka nagsalita kanina total naka-on na 'yon. Nahiya ka pa!"

Nakabungisngis na iniilagan niya ang bawat hampas nito. Ayaw na ayaw talaga nito na pinaglalandakan ang pangalan. Ang lakas daw kasi makasira sa beauty e' samantalang 'di naman ito makapagreklamo nang tunay na pangalan nito ang inilagay sa doctor's gown ng hospital na pinagtatrabahuan. 

"Magdesisyon ka na, Angielyn Jarina. 'Wag mo akong idaan sa pagmamayabang mo tungkol sa dami ng lalaking dumaan sa buhay mo. 'Di mo ako maloloko. Kahit marami ang mga 'yon, alam na alam kong wala kang hinahayaang gumalaw sa alaga mo. Kaya paano mo kakalabanin ang tiyahin mong 'yon kung takot kang mapasukan? Alangan namang walang pasukan ng etits na mangyayari pero mabubuntis ka!" mahabang litanya nito pero saglit din itong natigilan saka mayamaya ay tumikhim bago pinaypayan ang sarili. 

Prinoseso niya sa isip ang lahat ng sinabi nito. Tama ito. Totoong maraming lalaki ang dumaan sa buhay niya pero hanggang first base lang ang nagagawa ng mga ito. Sa tuwing umaabot na kasi sa punto na mararamdaman niyang nadadala na sa init ng tawag ng laman ang partner niya ay pinapatigil niya agad. Ewan pero hindi niya talaga gustong lumampas sila patungo sa puntong 'yon. Hindi na birhen ang utak niya patungkol sa bagay na 'yon pero ang gawin iyon ng actual? Ay naku! Malabo. Nasa proseso pa siya sa pagbabalik-tanaw sa mga nangyaring 'yon pero umalingawngaw sa kanyang utak ang huling sinabi ng kaibigan. 

Walang pasukan ng etits na mangyayari pero mabubuntis siya? Nilingon niya ang kaharap na halatang iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi pagdodoktor ang kinuha niyang kurso pero may kaunting knowledge siya sa medisina. At alam ng kaharap niya ang katotohanang 'yon kaya natahimik ito matapos ng pagsisisigaw nito kanina. 

"Gawin natin 'yon!" sabi niya kay Air na ikinalaki ng mga mata nito. Hindi man niya direktang sinabi pero alam nito ang kanyang tinutukoy. 

Bahagyang bumuka ang bibig nito. Halatang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. "Nababaliw ka na ba?" Disbelief is written on his face, in bold letters. Hinarap niya ang kaibigan saka ginagap ang kamay nito. 

"Sa tingin mo ba, kabaliwan 'to? Nanganganib na mawala sa kamay ko ang pamana ng grandparents ko para sana kay Papa dahil sa bruhang 'yon. And I will never let it to happen. Isa sa mga ari-ariang mawawala kung hindi ko magagawa ang nakasaad sa dokumento ay ang bahay namin. Alam mo namang nandoon lahat ng masasayang memories ko kina Mama at Papa. Doon ko nabuo ang mga pangarap ko kasama sila. Ngayong biglaan ang kanilang pagkawala dahil sa sunog, pati ba naman ang bahay... mawawala rin sa akin?" Medyo pumiyok siya sa panghuling sinabi kaya agad siyang dinaluhan ng kaibigan para yakapin. 

Lumandas ang masaganang luha sa kanyang mga pisngi. Kahinaan niya talaga ang mga magulang. Sa tuwing nababanggit niya ang mga ito ay hindi niya mapigilang maluha. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas ng sabay ang mga itong nawala dahil sa sunog. Nagkataon kasing nasunog ang ikatlong palapag ng mall na pinuntahan ng mga ito. Huli na ng malaman ng mga magulang na may nangyayari pa lang sunog sa palapag ng building na 'yon. Nagkataon kasing nasa loob sila ng elevator na pababa mula sa fourth floor. Labis na pagdadalamhati ang naramdaman niya sa panahong 'yon lalo pa't nakita niyang nag-iwan pa ang mga ito ng mensahe pagkatapos ng misscalls. She regretted turning her phone off that day. Ni hindi man lang niya narinig ng panghuling beses ang boses ng mga ito. Nasa phone pa rin niya ang mensaheng iniwan ng mga ito at wala siyang planong burahin iyon. 

Hindi niya namalayang sa kakaiyak niya, unti-unti ring naninikip ang kanyang dibdib kaya bigla ay pinangapusan siya ng hininga. Napahigpit ang hawak niya sa balikat ng kaibigan na kasalukuyang hinahagod ang kanyang likod pero nang maramdaman nito ang nangyayari sa kanya, natatarantang diretso nitong tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang itinatago nitong nebulizer. Nakakatawang isipin na siya itong hikain pero siya itong walang dalang pang-emergency. 

Ilang beses siyang humugot roon ng paghinga hanggang sa maging stable ang kanyang pakiramdam. Tumayo naman si Air at ikinuha siya ng isang basong tubig. She mouthed a thank you na sinuklian naman nito ng ngiti. 

"Ang gagawin natin, do a physical check up on me para masigurado natin na walang magiging kumplikasyon sa gagawing proseso. Tungkol naman sa semen na kakailanganin, maghahanap ako ng lalaking fit sa standard ko." 

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimpleng pag-ikot ng mata ng kaharap. Ngali-ngaling kukurotin niya sana ito sa singit kaso napigilan agad nito ang kanyang kamay. May pang-aasar pa sa klase ng tingin nito kaya kahit ayaw niyang magpaliwanag, ginawa na rin niya. "Hindi naman kasi pwedeng basta-basta na lang tayo kukuha ng semen. Natural lang na maging mapili kasi magiging unang anak ko 'yon 'pag nagkataon. Gets mo girl?"

"Kung sa bagay, may punto ka d'yan. Unang inaanak ko rin 'yan kaya dapat maging katulad siya sa kanyang flawless and pretty Ninang." Natatawa siya sa maarteng pagkaka-pronounce nito.

"Since sabi mo nga na Ninang ka ng future anak ko, libre na ang lahat ng serbisyong gagawin mo ha? Hatian tayo. Ako naman ang magbabayad sa semen ng lalaking magugustuhan kong perfect pagmanahan ng genes ng anak ko."

Alam niyang magrereklamo ito kasi sa laki ba naman ng magagastos para sa prosesong pinaplano niya, paniguradong aarte na naman ito na siya ang dahilan ng maaga nitong pamumulubi. Handa na sana siyang bumunghalit ng tawa at sabihin rito na nagbibiro lang siya pero sa hindi inaasahan ay tumango ito. Napisil niya tuloy ang hita para kumpirmahin na hindi siya nagha-hallucinate pero napa-aray siya ng wala sa oras kasi medyo napalakas ang kanyang pagkakapisil. Totoo nga ang nakita niya. Pumayag ito. The Aristotle Buenaventura, also known as, Binibining Kuripot ay handang gumastos ng malaki para sa kanya. 

"'Di nga? Seryoso?" Nanglalaki ang mga matang niyugyog niya ang balikat ng kaibigan. "Libre ba talaga ang serbisyo mong gagawin? 'Di mo ako sisingilin?" pangungulit niya kay Air para makurpirma ang sagot nito. 

"Hindi mo naman maiisip na gawin ang kagagahang 'to kung hindi ka talaga desperada. Saka baka siguro itinadhana ako na maging gynecologist out of all those field ng medicine ay para matulungan ka sa panahong 'to."

Akto na sana siyang magpapasalamat dito pero sinenyasan siya nito na 'wag na. Niyakap niya ito ng mahigpit nang kahit sa ganoong paraan man lang ay maipadama niya ang labis na pasasalamat. 

"Tama na 'yan. Nasasakal na ako e'."

Natatawang hinampas niya ito ng throw pillow. Panira kasi ng moment. Papatak na sana ang luha niya e' kaso umurong. 

"Nag-almusal ka na ba?" tanong nito. 

Mabilis siyang umiling sa tanong ng kaibigan. Kung hindi pa ito nagtanong sa kanya ay saka pa lamang niya naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Hindi na niya kasi naisipang mag-agahan dahil sa pagmamadali kanina. Lihim siyang napangiti nang tumayo ang kaharap para tunguhin ang kusina. Wala pa nga itong inilalapag na ingredients para sa lulutuing pagkain pero nagtutubig na ang kanyang bagang sa pagkatakam. Masarap kasi itong magluto. Madalas siya nitong i-spoil 'pag day off nito. 

Humilata siya sa sofa saka hinablot ang diyaryo na nasa ilalim ng mini table. Panaka-naka ang ginagawa niyang pagsulyap sa ginagawa ng kaibigan lalo na't amoy na amoy niya ang mabangong aroma ng recipe na niluluto nito. Para tuloy ang sarap maghain ng kanin tapos habang inaamoy ang niluluto nitong ulam ay sasabayan niya ng pagsubo ng kanin. Napahagikhik siya sa naisip habang pinapakli ang bawat pahina ng diyaryo. 

Nakapaskil pa sa labi niya ang ngiti nang ibinalik niya sa nalampasang pahina ang nakakuha ng kanyang atensyon. Matikas ang tindig ng lalaking naka-feature doon. May kung ano sa uri ng titig nito na nakaka-intimidate. Siguro dumagdag din doon ang fully, heavily structured nitong kilay kaya para itong tipo ng tao na 'di mo madadaan sa biro. 

Pinasadahan niya ng basa ang nakalagay sa diyaryo tungkol dito. Nalaman niyang Finn Alcantara ang pangalan ng lalaki. Ayon sa nakasaad doon, isa itong abogado at s'yang humahawak ngayon sa kaso ng panggagahasa ng anak ng isang congressman sa isang menor de edad na dalagita. Napailing-iling siya pagkatapos mabasa 'yon. Sa mga ganitong kaso kasi kadalasan, matunog lang ito sa umpisa pero 'pag patuloy na ang pagtakbo ng kaso, tatahimik na agad ang kabilang panig at ipapalabas na inosente ang salarin. Walang hustisyang mangyayari. 

"Halika na. Mag-breakfast na tayo."

Napalingon siya sa gawi ng kaibigan. Nai-set na nito ang pagkain sa mesa pati na rin ang mga plato at kubyertos. Awtomatiko ang ngiting pumaskil sa kanyang labi. Aristotle is the only friend who stayed after she lost her parents. 'Yong ibang mga itinuring niyang kaibigan noon na inakala niyang magtatagal ay parang mga bula na nagsilaho. 

Madalian niyang tinuyo ang luhang umalpas sa kanyang mata bago pa ito makita ng kaibigan. Nagiging emosyonal na naman siya. Paniguradong aalaskahin siya nito 'pag nalaman nito ang rason kung bakit siya naiyak. Nang tiningnan siya ng kaibigan ay binigyan niya ito ng nakabusangot na mukha. 

"Kumain ka na kasi. Punta ka na rito para mamaya, sabay na tayong pumunta sa hospital para ma-check up kita. Gawin natin 'yang binabalak mo kung 'yan ang makakapagpagaan ng kalooban mo," sermon ni Air sa kanya pero ramdam niya ang sinseridad nito sa binitawang salita. 

Tinanguan niya ang kaibigan saka tumayo na sa kinauupuang sofa. Tutungo na sana siya sa mesa nang makitang hawak pa niya ang diyaryong binabasa. May kung anong nag-udyok sa kanya para tingnan muli ang lalaking nasa litrato. Out of impulse, pinitik niya ang mukha nito bago nagdesisyong ilagay muli ang diyaryo sa kinalalagyan nito kanina. Satisfied of what she did, nakangiti siyang pumunta na sa mesa para saluhan ang kaibigan sa pagkain. 

Comments (12)
goodnovel comment avatar
Lin Mina
Great story I love it
goodnovel comment avatar
Manel MP
complete na po ba?
goodnovel comment avatar
Ziram Nozid OminoreG
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status