Share

39

"Sinundo na po kanina ng daddy niya si Wyn Ms. Xylca. Akala ko nga po ay kasama niya kayo. Nagkamali ako at mukhang si Ms. Marga ang kasama niya sa kotse kanina. Hindi po ba kayo natawagan ni Mr. Pierce?"

Nginitian ko ang guro ni Wyn. "Ganun po ba, ma'am." Inilabas ko ang cellphone na kanina pa namatay sa biyahe. "Tinawagan nga niya siguro ako pero na-lowbat na ako. Sige, ma'am. Thank you. Dadaanan ko na lang sa office niya si Wyn."

"Sige po. Ingat po kayo."

Pinaandar ko kaagad ang kotse papunta sa kompanya ni Pierce. Medyo natagalan ako mula sa meeting kasama ang chemist para sa bagong formula ng lip products ko kaya hindi ko na namalayan ang oras.

Nakapamewang na tiningala ko ang gahiganteng gusali sa harap ko. Sinimulan kong bilangin ang mga bintana pero hindi kinaya ng powers ko.

"Ang yaman talaga ng mokong. Baka pakasalan ko na nga talaga siya."

Pagpasok ko sa lobby ay hinanap ko ang front desk para tawagin si Pierce pero hindi ko na pala gagawin iyon dahil mabilis na nakalapit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status