Share

42

Mula ng gabing iyon ay hayagan kong iniwasan si Pierce. Mahirap dahil kay Wyn pero ginagawan ko ng paraan.

Sinasadya kong tanghali nang gumising para hindi kami magpang-abot. Ako ang naghahatid kay Wyn tapos ito naman ang sumusundo. Sa buong maghapon hanggang gabi ay binubuhos ko ang oras sa trabaho para wala na itong panahon na kulitin pa ako.

"Ma'am Xylca, baba na po kayo. Ginataang munggo po ang ulam na paborito niyo po," bungad sa akin ni Telma, ang isa sa mga katulong ni Pierce nang pagbuksan ko ito ng pinto ng silid.

Hinimas ko ang kumakalam na tiyan. Gutom na ako masyado. Nakalimutan kong magmeryenda kaya nagpoprotesta na ang mga alaga ko sa tiyan.

"Telms, umalis ba si Pierce? May sasabihin sana ako sa kaniya," pagsisinungaling ko.

Gusto ko lang namang malaman kung nasaan ang lalake para makapag-decide ako kung bababa o hindi.

"Nasa theater room po, ma'am. May papanoorin po raw silang movie ni Wyn po."

Nagliwanag ang mga balun-balunan ko. Pagkakataon ko na na makapuslit sa baba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status