Share

45

Susunduin na sana namin si Wyn nang tumawag si Marga kay Pierce para sabihin na dinaanan nito ang bata at ito na raw ang maghahatid sa bahay. Bilang pasasalamat ay dinulutan ko siya ng pagkain habang naglalaro ang mag-ama sa labas.

“Thank you,” ani nito at ininom ang juice na ibinigay ko. Nasa kusina kami at bukas ang pintuan kaya pinanonood namin ang habulan ng dalawa.

“Marga, ‘wag mo sanang mamasamain ito pero ‘wag mo sanang basta na lang sunduin sa eskwelahan niya si Wyn. Ayokong sumasama na lang bigla ang anak ko lalo pa at wala kami sa tabi niya. Alam kong nagmamagandang-loob ka lang pero nag-iingat ako sa anak ko. Baka masanay na basta na lang sumama lalo na sa mga estranghero.”

Sinulyapan niya ako saglit bago agad na ibinalik ang tingin sa dalawa. “I get your point but I was just really trying to help.”

“Na-a-appreciate ko naman pero hindi ko masyadong kailangan sa ngayon. Simula ngayon ay sasabihin ko sa teacher niya na kami na lang dalawa ni Pierce ang dapat na sumusundo kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status