Share

43

"Mama, pwede bang tabi tayong matulog ni papa ngayong gabi? Please mama."

Sandaling nawala ang atensiyon ko sa pinapanood sa TV. Nagkatinginan kaming dalawa ni Pierce na nakaupo sa dulo ng sofa sa sala bago ko ibinalik sa anak na naghihintay sa sagot ko.

Nagpapababa lang ako ng kinain sa hapunan kaya tumatambay ako rito kasama si Pierce na ang kapal ng mukha na inayos pa talaga ang mga damit sa cabinet ko. Mamaya lang ay kukunin ko rin iyon at itatapon sa labas.

"Naku, nak. Uuwi iyang si papa mo ngayon sa bahay niya kaya malabo. Tayo na lang ang tabi ha?"

Pinisil ko ang pisngi nito.

"Ha? Uuwi ka papa?"

Tumabi ito sa ama na mabilis na umiling habang nakatitig sa akin ng pilyo.

"Ha? Sino ang may sabi? Hindi ako uuwi, Wyn. Di ba sinabi ko na sa iyo na dito na titira si papa? Okay lang naman iyon kay mama di ba?"

Sabay nila akong tiningnan. Si Wyn ay nagsusumamo ang mukha para makumbinsi ako.

"Ma, ayaw mo ba kay papa?"

Napipi na ako ng tuluyan sa tanong ng anak. Si Pierce ay nanghahamon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status