Share

CHAPTER 4 ANG MULING PAGTATAGPO

NERBIYOS ANG naramdaman ni Mariz nang muli silang magkaharap ni Gerald.  Sa loob ng pitong taon na hindi pagkikita, ganito pa rin ang epekto ng mga tingin nito sa kanya, waring nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga kalamnan.

            “Good afternoon, Ge. . .Sir Gerald,” bati niya dito habang nagdarasal na sana’y presentable siya sa paningin nito.  Ilang beses kaya niyang sinipat ang sarili sa salamin bago niya niyakag si Jay-are na dalhin siya sa opisina nito para ipasok bilang sekretarya nito.

            “Sir, siya po iyong sinasabi kong asawa ko na gusto kong ipasok na sekretarya nyo.  Since nagpapahanap kayo sakin ng secretary, di na ko naghanap ng iba pa, pihado namang papasa sa inyo ang asawa ko. . .”

            “Pwede bang iwanan mo muna kami para makilatis kong mabuti ang aplikante ko,” anitong bahagya lamang nilingon si Jay-are saka muling bumalik ang tingin sa kanya na  na para bang unti-unti siya nitong hinuhubaran.

            “O. . .oho Sir,” halos paanas lamang na sagot ni Jay-are saka nagmamadali nang lumabas ng opisina nito.

            Napangisi si Gerald, “Long time no see.” Nanunuyang sabi nito, saka napaismid  “Kaya pala ayaw mo na akong makausap nuon, mag-aasawa ka na pala,” may galit sa tonong sabi nito sa kanya.

            “Hindi. . .” Huminto siya sa pagsasalita nang maisip na wala ng dahilan para ipaalam pa dito ang nangyari sa kanya.  Hindi na niyon maibabalik pa ang masasakit na nangyari sa kanya.  Pero ano itong sinasabi nito na ayaw na niya itong kausapin?  Hindi ba ito ang bigla na lamang hindi nagpakita sa kanya?  Basta na lamang ito nagtungo sa Amerika, ni hindi man lamang nagpaalam?

            Lumapit ito sa kanya, halos madikit ang mukha nito sa mukha niya, “Tell me, bakit kita tatanggapin?  Anong qualifications ang meron ka na wala sa iba?”

            Nag-init ang kanyang mga tenga, naamoy niya ang mabango nitong hininga.  Mas lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

            “Hindi ko na kailangang isa-isahin pa ang mga qualifications ko.  Ayokong magyabang, pero tinitiyak ko sainyong hindi kayo magsisisi sa pagtanggap sa akin.  Well, kung hindi kita masasatisfy sa loob ng dalawang linggo, pwede mo naman akong tanggalin sa trabaho,” puno ng kumpiyansang sabi niya dito.

            “Siguraduhin mo lang na masasatisfy mo nga ako dahil sa lahat ng ayoko, iyong nag-aaksaya ako ng oras,” Makahulugang sabi nito, napasinghap siya nang salubungin ang mga tingin nito na nagdudulot ng pag-iinit ng buong katawan niya.

            Kahit na kailan ay hindi niya naramdaman kay Jay-are ang ganitong klase ng pakiramdam.

            “At kung sakali mang tatanggapin kita, sabihin mo sa asawa mo, mas marami kang oras na gugulin kasama ako kesa sa kanya.  Ngayon pa lang ipinapaalala ko na saiyong demanding akong boss.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
kanino kanyang mga mata ang nangrape sa Bida...ayyyy..
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
ay SAKLAP ng first love ko....huhuhu
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status