Share

CHAPTER 10-INGGIT

HINDI na makaya pa ni Mariz na makita ang kasiyahan sa loob ng mansion, nagmamadali na siyang umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit nangingilid ang kanyang mga luha habang papauwi. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa mga sandaling nawala nang dahil sa nangyari sa kanya nuon.

Kung hindi kaya siya na-rape, nasaan na kaya siya ngayon? May pag-asa kayang siya ang nasa katayuan ngayon ni Andrea imbes na ito? Ang daming tanong na naglalaro sa isipan niya. Ang daming bakit. Ang daming question marks na nakikita niya sa utak niya.

Bakit nga ba hinayaan niyang nakawin ng takot ang mga pangarap niya?

Kung ipinagpatuloy sana niya ang pag-aaral niya. Kung hindi sana siya nagpatangay sa agos ng alon at napilitang magpakasal kay Jay-are, baka sakaling hindi ganito ang buhay niya ngayon. Baka sakaling kagaya ni Andrea ay matagumpay na rin siya ngayon.

“Kumusta ang party? Aga mo yatang umuwi?” Tanong ni Jay-are sa kanya, nakaupo ito sa c
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status