Share

CHAPTER11-DOUBTS

KANINA PA HINAHANAP NG mga mata ni Gerald si Mariz ngunit bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin.

“May hinahanap ka ba?” Tanong ni Andrea nang mapansin ang malilikot niyang mga mata.

Pilit ang mga ngiting pinakawalan niya, “Sino naman ang hahanapin ko eh nandito ka na sa tabi ko,” sagot niya rito. Hinapit niya ito sa bewang at iginiya sa dance floor. Napatitig siya sa mukha ni Andrea.

Three years na sila ni Andrea. Ang totoo, ang Lolo niya ang pumili para rito. Since may ambisyon siyang pasukin ang politika ay alam niyang tama ang kanyang abuelo, makakatulong si Andrea, career wise. Malakas ang pwersa ng ama nito na ilang beses nang nanalo bilang congressman sa kanilang distrito. May isang beses pa ngang nakalaban nito ang kanyang Uncle Romulo, ang ama ni Dexter. Tinalo nito ang Uncle Dexter niya, landslide. Marami kasi itong magagandang proyekto at malakas rin ang kabig nito sa masa. Kaya nga nang sumunod na halalan ay tumakbo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status