Share

CHAPTER 6-SEDUCTION

MAAGA pa lamang ay nakabihis na si Mariz. Tiniyak niyang magandang-maganda siya at mabango. Nagpahid siya ng pulang lipstick at manipis na pulbos saka inayos ang kanyang makapal na kilay at mahahabang eye lashes.

Ang sabi ng ilan, malaki ang pagkakahawig niya kay Angel Locsin. May mga nagsasabi ring kamukha niya si Alma Moreno at Lorna Tolentino nuong kabataan ng mga ito. Sabi naman ni Jay-are, si Julia Barreto ang kamukha niya. Habang sinisipat ang sarili sa iba’t-ibang anggulo ay napansin niyang marami nga siyang kamukhang artista. Pero iba pa rin ang ganda niya lalo na kapag inilulugay niya ang makapal niyang buhok na hanggang balikat. She stands 5’6. Makinis ang kanyang morenang balat at maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan.

Kaya nga hindi lingid sa kanyang kaalaman na maraming nagtataka kung bakit si Jay-are ang pinakasalan niya. Kung gugustuhin raw niyang makapag-asawa ng mayaman at guwapo ay hindi naman siya mahihirapan. Wala naman kasing
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status