Share

Chapter 3

Wala akong tulog, wala din akong nakain. Pumasok ako sa trabaho na parang lutang at wala sa mood. Mabuti nalang at mabait si kuya Ian kaya sa kusina niya ako in-assign kahit server dapat ako ngayon. Maliban kasi sa pagiging bartender, siya din ang manager namin.

He gave me again my usual order at iyon na ang almusal ko. Hanggang lunch narin siguro 'to dahil ayoko nang kumain sa canteen. Papakiusapan ko nalang si Aesther.

Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na akong magtrabaho. I am washing the dishes when Charryn entered. She's the supposed to be dishwasher today pero dahil lutang ako at ayaw kong mapahiya, nag-swap kami ng trabaho. 

"Hoy mare, may gwapo doon sa labas!" impit na sigaw niya sabay tili. Hahampasin pa sana niya ako pero mabilis kong naiharang ang kawali.

"Lahat naman ata gwapo para sayo eh," sabi ko sabay tawa.

"Oo nga mare, pero 'yong nasa labas kasi ngayon, iba 'yong kagwapuhan niya. Tipo ko kasi 'yong mga chinito," sabi niya at may bahid ng pagpapa-cute ang boses niya.

Napailing nalang ako. Ito kasing si Charryn, basta pasok sa standards niya, crush na niya kaagad yan.

"Ang kaso... estudyante pa lang kaya ligwak din, hahaha," dugtong pa niya. 

"Age doesn't matter naman eh," sagot ko, pinapagaan ang loob niya. Sobrang nanghinayang siguro siya baka dahil gwapo naman talaga.

"Hay nako, huwag ako ha. Sa dami ng taong judgemental sa mundo, walang panama 'yang linyang 'yan."

"Oh, edi move on tayo," natatawang sagot ko.

Natahimik siya at sinimulang punasan ang mga basong hinugasan ko. Tunog ng tubig lang ang naririnig ng walang anu-ano'y para siyang nagkaroon ng magandang ideya.

"Alam mo, bagay kayo nung lalaki. Subukan mo kayang magpakilala?" tanong niya sakin.

"Ano? Ayoko nga. Wala akong panahon sa mga love-love na yan," sagot ko. Inaayos ko na ang mga pinggan at baso sa lalagyan nito.

"Edi, gawing kaibigan. Problema ba 'yon?" tanong niya sakin.

Napailing nalang ako at hindi na sumagot. Hahaba pa ang usapan na 'to kapag hindi natigil dahil hindi nagpapatinag si Charryn.

Bumalik siya sa labas para mag serve ulit. Marami-rami din kasing estudyante at teachers ang nagka-kape at nag-aalmusal dito. Naging busy ako hanggang sa matapos ang shift ko.

When I got out of the shop, sinalubong ako ni Aesther. Kakarating lang din pala niya. Sabay kaming pumasok ng paaralan.

Nagsimulang magdiscuss ang teacher namin sa Media Information Literacy. Nakikinig lang ako at nagte-take down notes para sa quiz bukas.

Mabilis na lumipas ang oras at ang ibang mga subjects namin ay nag-orient lang tungkol sa kanilang objectives. Ang iba naman ay nagbigay ng diagnostic test.

Lunch time came and Aesther is now pursuing me to come with her in the cafeteria.

"Sige na, please," sabi niya na pinahaba pa ang 'please'.

"Pwede bang sa labas nalang tayo kumain? Nauumay na kasi ako sa mga pagkain sa cafeteria eh. Atsaka ang mahal eh," sagot ko sa kanya.

"We don't know how they cook their food. What if they're dirty?" tanong niya sa akin.

"Sa shop namin, I assure you, malinis don. Doon ako nagtatrabaho eh." 

"Tss, sige na nga," sabi niya.

Lumabas kami ng school, at parang napipilitan lang sa paglalakad si Aesther. Mukhang ayaw talaga niya sa labas kumain.

Marami ulit ang tumitingin samin habang naglakakad pero hinayaan ko nalang. Magsawa sila katitingin diyan. Nagpatuloy kami hanggang sa makarating sa coffee shop.

We entered the coffee shop and I introduced her to kuya Ian and Charryn. Tumango lang si kuya while Charryn shook her hands. Aesther was hesitant at first pero tinanggap niya din naman. When we were seated, she sprayed alcohol in her hands. Namana ata niya ang pagiging health conscious ng mommy niya.

We ordered two slices of chocolate cake and one 12-inch bread roll. For our drinks, I ordered juice at milktea naman ang sa kanya. Eto na yung lunch namin. Hindi naman kasi nagbebenta ng kanin at ulam ang coffee shop na 'to.

We were quietly eating ng may mga tumili sa kabilang table. Nakatingin sila sa labas na parang may pinapanood na artista. I looked outside at may nakita akong grupo ng lalaking naka jersey. Basketball varsity ata ng school namin yan.

"Grabe, ang dami niyang supporters," pahayag ni Aesther. Nakatingin din siya sa mga lalaki sa labas.

"Sino diyan?" tanong ko sa kanya.

"Si Sidhean, 'yong captain nila. He transferred here dahil walang senior high sa school sa kanila. Pero noon pa man, sikat na sikat na 'yan dahil ang gwapo at magaling sa basketball," mahabang litanya niya. Tumango tango na lang ako. Hindi ko naman kilala 'yan eh.

"Maybe he's facilitating the tryouts. Magaling siya eh, kaya naging captain kaagad," dugtong pa niya.

"Saan ba siya dyan?" tanong ko dahil hindi ko makita kung sino 'yong tinutukoy niya.

"Ayan oh! Iyong naka yellow na jersey tapos white na rubber shoes. Tapos matangkad at may wavy na buhok," sagot niya. 

Hinanap ko naman ang sinasabi niya at nakita ko ito. Pero nakatalikod siya samin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Fernandez yung nakalagay sa jersey niya at may number 16. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin ako ulit sa lalaki ng may maalala. Matangkad at wavy ang buhok? Siya ba 'yong sa bus stop last night? Iyong may naiwan na panyo? Speaking of the hanky, nasa bahay 'yon. Nakalimutan kong dalhin. Bukas ko nalang siguro dadalhin sa Lost and Found.

"Alam mo ba kung saan siya galing?" tanong ko kay Aesther. Sa naaalala ko kasi, papuntang South 'yong lalaki kagabi eh.

"Sa Talaban National High School daw. Eh diba, walang STEM na strand doon?" sagot niya at tumango naman ako. 

North yung Talaban eh, so baka hindi siya 'yong nagmamay-ari ng panyo. Baka parehas lang sila ng pangangatawan at style ng buhok.

Natapos kaming kumain ni Aesther at bumalik kami sa school nang mag-ring ang bell. Nadaanan namin ang basketball court at marami ngang tao doon. Mukhang ongoing ang tryouts nila. 

When we reached our classroom, naghihiyawan ang mga kaklase namin. Tinanong ni Aesther 'yong isa kung bakit at sabi naman niya ay wala na daw afternoon class.

"Ang sabi ng teachers, they'll give us time to audition sa mga clubs na gusto nating salihan," litanya ng section mayor namin. 

Lumabas na ng classroom ang karamihan sa mga classmates namin. Nakaupo lang kami ni Aesther at parang walang balak lumabas. Nagse-cellphone nga lang siya eh.

"May club ka bang gustong salihan?" tanong ko sa kanya.

"Wala, nakakatamad yan eh. At isa pa, hindi naman compulsory. Bakit? May sasalihan ka ba?" sagot niya.

"Uhm, sa chorale sana. For scholarship lang," sabi ko naman. Makakatulong din kasi sakin 'to para 'yong kikitain ko sa shop, iipunin ko nalang. Hindi naman ako sobrang galing kumanta pero wala namang mali kung susubukan ko.

"Then, go! Sumali ka doon," pag-udyok niya sakin.

"Di ka sasama? Okay ka lang ba dito?" tanong ko sa kanya. Mabilis kasing mabore 'tong taong 'to.

"May cellphone naman ako. Atsaka kung mabobore ako, puntahan nalang kita don, o baka matulog nalang ako," sagot niya sabay kibit-balikat.

"Okay, sabi mo eh. Alis na 'ko ha," sabi ko at lumabas na ng classroom.

Dumiretso ako papunta sa music clubroom ng school. Medyo malayo 'yon dahil nasa kabilang building pa. Sa field ako dumaan kahit mainit dahil baka mapag-tripan na naman ako sa mga corridors.

Nang marating ko ang music room, andaming nakapila. Sabagay, school kasi ang magbabayad ng miscellaneous fees mo at may kasama pang monthly allowance kapag member ka nang isang club or sports.

Nagtanong ako sa tagabantay kung paano sumali. Sabi naman niya ay mag-fill up daw ng form atsaka pumila. Magprepare daw ng kanta para sa audition. Ginawa ko naman at pumila ng maayos.

Halos 2 oras akong nakapila hanggang sa turn ko nang kumanta. Binigay ko sa kanila ang form na sinagutan ko kanina at ni-review naman nila iyon. When they said 'start', I began singing.

I am singing Crazier by Taylor Swift pero medyo mellow at mabagal. I also added my own flavor to the song and made some runs. I was just singing with my whole heart. Nakapikit nga lang ako the whole time kasi nahihiya akong tignan ang mga reaction nila.

When I stopped singing, nakapikit pa rin ako. I slowly opened my eyes and I saw their faces na parang nakatunganga lang sakin. Kinabahan ako dahil baka hindi maganda ang pagkanta ko although ginawa ko naman ang best ko.

I said my thanks and nabigla ako nang bigla silang nagpalakpakan. Iyong president ng club na nakaupo sa gitna ay may malaking ngiti.

"Matagal na namin hinahanap ang ganyang voice quality. 'Yong hindi typical at parang mula sa kaluluwa yung pagkanta. Kaboses mo pa nga si Moira eh," sabi niya na sinabayan ng tawa at nag-agree naman ang lahat. "I am more than impressed. Good job," dugtong niya.

"Add ko lang ha, you have to work on your runs. Mas linisin mo pa para mas gumanda performance mo," sabi naman ng isa na nasa kanan. Tumango naman ako at nagpasalamat.

"Well, mapag-aaralan pa naman niya yan. We will just post sa announcement board kapag nakadecide na kami ng mga tatanggapin naming bagong members, okay?" tanong ng nasa kaliwa.

"Okay po. Thank you po," sagot ko atsaka lumabas ng room. I am happy sa reactions nila and I'm really hoping na sana makapasok ako.

I was walking, going back to the classroom ng makarinig ako ng mga sigawan at palakpakan sa basketball court. May naglalaro pala. I walked towards them dahil parang may sariling utak ang mga paa ko.

When I reached the bleachers, hindi ko masyadong maaninag ang naglalaro dahil ang daming nakaharang. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga buhok nila. 

"Ang gwapo ni Sidhean, grabe."

"Oo nga eh, ang lakas ng dating."

"Naku mare, mahihimatay na yata ako kapag tumingin sakin 'yan."

"May girlfriend na kaya siya?"

"Wala! Hindi pwede no!"

Iyan ang mga salitang palagi kong naririnig habang sinusubukang manood ng maayos. Noong may nakashoot, nagsisigawan na naman ulit. Iyon na ang naging dahilan ng pag-alis ko. Sobrang ingay nila.

Bumili ako ng bottled water at bumalik na sa room. Mabuti nalang at hindi ko nakasalubong ang mga taong kulang sa pansin kaya nakarating ako ng walang galos.

When I entered the room, nakita kong natutulog si Aesther. May dalawang babae sa dulo ng classroom na nag-uusap. I sighed. Nabore siguro siya kahihintay sakin. Mag-aalas singko na rin naman kaya ginising ko na siya.

"Hey. Wake up," sabi ko kasabay ng mahinang pagyugyog sa balikat niya. Hindi ba siya nangangalay? Nakayuko kasi siya sa desk eh.

Nang magising siya, nag-ayos na kami. Nag-cr siya sandali at nang mag-ring ang bell ay umalis na kami at umuwi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status