Share

Chapter 2

The bell rung and dismissal came. Both Aesther and I went out to go home. May sundo siya kaya naka alis siya kaagad.

“Hey! Don’t forget to text me when you get home!” pahabol niyang tugon bago tuluyang umalis ang sasakyan nila. 

When she left, I walked to the bus stop. My house is about 15 minutes away from my school if I ride the bus and about 20 minutes if I ride the tricycle. I was patiently waiting when someone sat beside me. I didn’t look at him but in my peripheral vision, I can tell that he’s a boy. 

I got a book from my bag and reviewed some of our lessons in Oral Communication dahil may quiz kami bukas. As I was reading, I can feel the boy wriggle his leg. Nadadala ang upuan sa kanyang paggalaw kaya nagagalaw din ako. Nahihiya akong sitahin siya dahil hindi ko naman siya kilala. Hindi ko rin kayang lumipat ng upuan kasi baka isipin niyang nababahuan ako sa kanya.

Hindi ako makapagbasa ng maayos kaya itinago ko nalang ang aking notebook sa bag. May dumating na bus but it’s going South kaya nadismaya ako. Tumayo ang katabi ko at umakyat sa bus. Doon ko lang napansin na matangkad siyang lalaki, maitim ang buhok na medyo wavy. Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko nakikita ang itsura niya, pero katamtaman lang ang laki ng katawan niya. 

When his bus left, I shifted in my seat and may nakapa akong panyo sa upuan na katabi ko. Sa lalaki ata ‘to dahil siya lang naman ang nakatabi ko kanina. I am contemplating whether to keep the handkerchief or just leave it. Hindi ko naman siya kilala pero baka kasi may sentimental value ang panyong ‘to sa kanya.

A bus going North came and I quickly stood up. I was about to go up but something tells me to keep the hanky. Baka kasi hanapin niya ‘to. Nakasuot naman siya ng uniform ng school namin kaya ibibigay ko nalang ‘to sa Lost and Found bukas. 

When I got home, I was welcomed by a very messy place. I entered the house, and as expected, marami na namang kalat. Mga nilukot na papel sa maliit na mesa, may mga bote ng beer sa ilalim ng sofa kung saan may natutulog na malaking lalaki, umaandar 'yong electric fan na nakatuon naman sa walang kwentang palabas sa TV, at may mga pinggan na nagkalat sa lababo. I sighed. As usual, maglilinis na naman ako bago dumating ang reyna’t mga prinsesa. 

Sinimulan ko ang paglilinis sa sala, tinapon ang mga box ng pagkain, tinipon ang mga bote ng beer at inilagay sa labas. Naghugas na din ako ng pinggan at nagwalis. Pinatay ko ang TV at electric fan. Kinumutan ko na din ang tito kong natutulog sa sofa.

Pagkatapos maglinis ay nagsaing at nagluto na din ako ng kakainin namin ngayong gabi. Pagkatapos non ay naligo ako at nagbihis ng pambahay. Nilabhan ko na rin ang uniform ko dahil dalawang pares lang ang uniform ko. Hindi pa ako tapos maglaba ay dumating na ang tita ko at tatlong kapatid. 

“Kae! Kae!” tawag ng reyna. Eto na naman po tayo. Susubok na naman tayo sa panibagong giyera.

“Ano po yun?” sagot ko nung lumabas ako ng silid ko at hinarap sila. The queen is at the center dazzling with her colorful blouse paired with her black fitted jeans. She looked like in her 30’s when in fact she’s 10 years older than that. At her back, there stood her three princesses, my sisters as well. Kathlyn, Kheana, and Khyzel. They were adopted by the queen legally when our parents died. While me, as the black sheep of the family, wasn’t adopted but they let me live with them in exchange of working for them.

“Bakit ang tagal mong lumabas? Ayusin mo tong mga pinamili namin,” utos niya at ibinigay naman nila sa akin ang mga paper bags ng mga pinamili nila. Agad naman akong tumalima sa utos niya habang silang lahat ay nagpahinga.

“Hoy! Gumising ka nga diyan at doon ka matulog sa kwarto,” sigaw ng tita ko sa asawa niyang natutulog. Wala silang anak kaya pumayag siyang ampunin ang tatlo kong kapatid. Hindi man nila ako inampon, okay na sakin na pinatuloy at pinapakain nila ako. Atsaka, gusto ko parin namang dalhin ang apelyido ni tatay. 

Nanonood sila ng TV nang inutusan ako ng bunso namin na timplahan sila ng juice at dalhin sa sala ang hapunan nila. Sinunod ko nalang siya kahit mas matanda ako dahil ayoko ko na ng sigawan. 

Nang matapos kong ayusin yung pinamili nila, babalik na sana ako sa paglalaba pero tinawag na naman ako ng pinakamatanda samin para ligpitin ang pinagkainan nila. Hindi na ako nagreklamo kahit inubos na nila ang ulam na niluto ko at hindi ako tinirhan. Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan nila, babalik na sana ulit ako sa paglalaba nang tinawag na naman ako ng pangalawang ate ko. 

“Bakit ate?” tanong ko sa kanya.

“Sagutan mo tong mga assignments namin. Atsaka yung project ni bunso, gawin mo na din. Bukas na ang deadline non,” sagot niya sa akin at binigay ang mga notebooks nila. 

I sighed. “Sige po ate, pero tatapusin ko muna yung labahan ko,” sagot ko naman sa kanya. Aalis na sana ako nang bigla niyang hablutin yung buhok ko. Hindi pa nga naaalis 'yong sakit noong ginawa sakin kanina, ito na naman ulit. Napa-aray ako sa sakit.

“Aba, aba. Hindi mo ko susundin?” tanong niya sakin na may nanlilisik na mata.

“Susundin naman ate, tatapusin ko lang 'yong labahan ko,” sagot ko na may bahid ng nararamdamang sakit. 

“Ayoko!” sigaw niya mismo sa tenga ko. “Gusto ko, unahin mo 'yong assignment namin!”

“Ano ba yan, bakit ang ingay?” tanong ng tita ko na lumabas mula sa kwarto.

“Eto kasi, Ma, ayaw akong sundin,” sumbong naman ng ate ko sabay bitaw sa buhok ko kaya napaupo ako sa sahig. Ramdam ko yung sakit ng pwetan ko.

“Tita, kasi tatapusin ko po sana muna 'yong laba–” hindi natapos ang sasabihin ko dahil may naramdaman akong hapdi sa kaliwang pisngi ko. Sinampal ako ng tita ko.

“Sinabi ko bang magsalita ka, ha? Uunahin mo 'yong pinapagawa sayo o malilintikan ka sakin?” sabi ng tita ko.

Nakayuko lang ako at parang tutulo na 'yong luha ko pero tumango nalang ako at kinuha ang mga notebooks nila at pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay tumulo na ang luha ko.

Napakasakit. Iyong ginagawa sakin sa school matatanggap ko pa eh. Pero 'yong pagmamaltrato sakin ng tita at mga kapatid ko, iyon 'yong pinakamasakit. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko pero mula ng mamatay sina nanay at tatay ganito na palagi ang nararanasan ko sa mga kamay nila. 

Wala naman akong pakialam kung gawin nila akong katulong sa bahay eh, pero 'yong pagbuhatan ng kamay? Iyong sigawan na parang aso? 'Yong iparamdamdam sayong sana hindi ka nalang nabuhay? Iyon 'yong pumapatay sakin araw-araw. Pero wala akong magawa, mahal ko sila eh.

Pinunasan ko 'yong luha ko at pinilit na sagutan ang mga assigments nila at gawin ang project ni bunso. Mag-aalas dose na ng matapos ako at maingat ko itong nilagay sa mga kwarto nila. Pagkatapos non ay pinagpatuloy ko ang paglalaba.

Pagkatapos kong maglaba ay napatingala ako sa madilim na kalangitan. Walang bituin at hindi gaanong maliwanag ang buwan. Mukhang ramdam din nila ang nararamdaman ko. Mabuti pa sila nakikiramay. Napangiti ako sa naisip. 

Pumasok ako sa loob at nagtimpla ng gatas. Ito nalang ang gagawin kong hapunan dahil hindi pa ako nakakain. Pumunta ako sa canopy sa labas ng bahay malapit sa gate namin. Madaling araw na kaya hindi na ako makatulog. Gigising din naman ako ng alas kwatro kaya hindi nalang ako matutulog.

Umupo ako at nilapag sa mesa ang baso. Ramdam ko ang lamig na dala ng hangin kaya napayakap ako sa sarili. Napakatahimik ng gabi. Ang tanging maririnig mo lamang ay huni ng ibon, crickets, ang paghampas ng hangin, at paminsan-minsang pagtahol ng aso ng kapitbahay.

Kung ganito lang sana katahimik ang buhay ko, kontento na ako. Ramdam ko parin hanggang ngayon ang hapdi sa aking pisngi at init sa aking anit. Naiiyak na naman ako sa tuwing naaalala kong kaya kang saktan ng mga tao kahit wala ka namang ginagawang kasalanan. Hindi ko naman ginustong mabuhay. 

Nakakaawang isipin na mismong pamilya mo, hindi ka nirerespeto. Minsan iniisip ko na sana hindi nalang ako pinanganak ng nanay ko. Siguro hindi ko mararanasan lahat ‘to. Pero wala na akong magawa eh. Andito na ko, nabubuhay at kinagagalitan ng lahat. 

I sighed. The saying is really true. You may be the nicest person in the world but you can’t please the people living in it. There are, have been, and will always be people that will hate no matter what you do. I wiped my tears as I looked at the rising sun with melancholy. Another day began, another battle to face. I heaved a deep sigh and went inside to prepare for it.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status