Share

Why Can't We?
Why Can't We?
Author: Aestherpo

Chapter 1

         I was awakened by the continuous ringing of my alarm clock at my bedside table. I opened my right eye to look for the time. Its short hand points at four and the longer one at exactly twelve.

        Agad akong tumayo, tumungo sa banyo upang mag-toothbrush at maligo. Pagkatapos ay isinuot ang white sando, ang aking black pants at nagtungo sa kusina. Nagsaing ako ng bigas, nagluto ng bacon at hotdogs para sa almusal. Hinanda ko na rin ang mga ito sa mesa at tinakpan.

         I went back inside my room and changed my sando with the white polo shirt na may logo ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Nagsuot na din ako ng white shoes na bigay pa ng namayapa kong ina since sira na ang black shoes ko. 

         I get my things ready, combed my elbow-length straight hair, put a little lip and cheek tint, and I’m off to school. When I look at my wristwatch, it’s five thirty in the morning.

         When a tricycle stopped right in front of me, I instantly went inside and fared to the coffee shop named Morning Dew na nasa harap lang ng eskwelahang pinapasukan ko. Nang bumaba ay nagbayad ako ng pamasahe at dumiretso sa loob para maghanda sa pagbubukas nito. I work here as a part-timer para may baon ako sa school. We usually open at 6:30 am and my shift ends at 8:00 am since may klase pa ako. Hindi man kalakihan ang sweldo, sapat na pambaon at miscellaneous fee. Wala rin naman kasing tuition fee yong high school na pinapasukan ko. 

           “Good day Kae!” kuya Ian, the bartender, greeted me.

          “Hello po Kuya, good morning!” I answered with a smile. 

          “Here’s your macchiato and two egg sandwiches.” He lends me my usual order and I ate it quickly after paying. Yes, dito na ako nag-aalmusal sa trabaho. 

          Time passed by quickly and I went inside the school campus. I walked through the corridors to the senior high building. I am in my eleventh year and currently taking the Science, Technology, Engineering and Mathematics strand here in my hometown, Negros Occidental.

          Nang marating ang classroom ay wala pa masyadong tao kaya dumiretso ako sa upuan at umidlip. First day of school ngayon kaya most probably, late ang mga students at teachers. Magigising naman ako kapag may narinig na ingay, so I took my time sleeping on my desk. 

          Di nagtagal ay may naramdaman akong daliri na tumutusok ng mahina sa braso ko kasabay ng mahinang pagtawag sa pangalan ko. Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang babaeng nakasalamin na suot din ang unipormeng katulad ng suot ko. Mahaba ang buhok niya na may headband at mayroong braces ang ngipin. She’s smiling at me sabay sabing “Hi! I miss you!”

          It’s Aesther Arlos, my childhood friend, my ride or die, the kind of friend that will last forever. Kasi wala naman na akong kaibigan maliban sa kanya. 

          “Hey! May class na?” tanong ko sa kanya na kinukusot-kusot ang mata.

          “Grabe, wala man lang ‘I miss you, too’ dyan?” sabi niya na may tonong nagtatampo. I laughed and tousled her hair na ikinagalit niya. “Ano ba! Maayos na buhok ko eh, ginulo mo pa.”

          She’s such a baby. Siya ang isa sa mga dahilan ko para magpatuloy sa pag-aaral. She’s the only person who treated me as family kaya noong nagmakaawa siyang huwag akong tumigil sa pag-aaral, I obliged. 

          Hindi biro ang pinagdaanan ko sa buhay na umabot sa puntong ayoko nang mag-aral para maghanap nalang ng makakain. I was hopeless back then lalo na’t wala na akong nanay at tatay. That’s why because of Aesther, I opted to just work part-time to sustain my studies. 

          “Siyempre na miss din kita,” sabi ko sa kanya sabay tawa.

          The teacher came in and the class started. But its more on introducing ourselves and reciting our expectations on every subjects. Mayroon ding subjects na nagpapa-require na kaagad ng mga envelopes and folders. Di talaga nawawala ang mga ito sa public schools. 

         Naging mabilis ang oras at dumating ang lunch time. My most hated time of the day. I planned on just staying inside the classroom or going to the coffee shop to eat lunch, just not in the cafeteria.

         “Kae, let’s eat!” aya sakin ni Aesther. Kumunot ang noo ko.

         “Di ka uuwi?” tanong ko dahil palagi naman syang umuuwi tuwing lunch dahil ayaw ng mommy niya na kung saan-saan siya kakain. Health conscious kasi, which is okay lang din naman, huwag lang sumobra. 

         “Hindi, umalis si mommy ng province, pumunta siya ng Manila eh,” sagot naman niya.

         “Ah, okay. Pero dito nalang siguro ako, busog pa naman ako eh. Ikaw nalang kumain don.” A lie. I told her a lie because she doesn’t know anything. 

        “Huh? Why would I leave you here? C’mon, let’s go,” sagot niya sabay hila ng kamay ko. Wala na akong nagawa.

         Hila-hila niya ako habang naglalakad kami sa corridor. Maraming nakatingin samin, more like sakin. Kasi naman, ang anak ng sikat na reporter at politician ay kasama ang isang hampas-lupa. Judgmental people are widespread in school. Public school ito, pero financial status is still an issue. 

         Nakayuko lang ako hanggang sa nakarating kami sa cafeteria. Maraming kumakausap kay Aesther pero di niya pinapansin. I don’t know why, but I’m sure hindi dahil sakin yon. Siguro dahil ayaw niya lang sa plastic na tao. Yong kakaibiganin ka lang dahil sikat o mayaman ka, pero pag hindi, kukutyain ka. 

        Naghanap ng upuan sa Aesther at umupo kami.

         “Dito ka lang ha, oorder lang ako. What do you want?” tanong niya sakin. I want to buy pero mahal kasi yung mga pakain kaya hindi ako nakasagot. “Don’t worry, it’s on me. Minsan lang naman akong kumain dito,” dugtong niya.

         “Uhm, yung isang lunch meal nalang, atsaka tubig. Thank you ha, babayaran kita,” sagot ko sa kanya.

         “Ano ka ba, sabi ko nga libre ko diba? Atsaka minsan lang tayo kumain ng sabay no. Busy ka kaya lagi,” sagot naman niya na ikinatahimik ko. 

         Totoo nga naman. Minsan lang kami magkita dahil may trabaho ako at busy din sa bahay. Nagtatampo nga siya minsan sakin dahil palagi nalang akong ‘pass’ sa mga gala naming gusto niya. Nagi-guilty din ako minsan pero I don’t have much of a choice. I’m stuck with my responsibilities. 

         Pumunta na siya sa pila at umorder. Pagkabalik niya ay kumain kami ng tahimik. Nakikita ko sa peripheral na maraming nakatingin samin at pinag-uusapan kami. Ito lagi ang issue. Hindi nila matanggap na ako ang naging kaibigan ng taong ito imbes na sila. They’re envious. Di ko naman kinaibigan si Aesther dahil sa sikat siya, kinaibigan ko siya dahil mabuti siyang tao. And I think that’s the reason kung bakit nagtiwala siya sakin. 

         After eating, nagpaalam si Aesther na mag CR sandali.

        “Samahan na kita,” alok ko sa kanya.

        “No, it’s okay. Finish your food. Sandali lang ako,” sabi niya sabay tumalikod paalis. 

         Heto na. Heto lang naman ang hinihintay nilang mangyari. Ang umalis si Aesther para makanti nila ako. Pinilit kong tapusin ang pagkain ko para masundan si Aesther at makaalis dito. I was about to walk away nang biglang may humarang sa daan ko. Tumalikod ulit ako pero meron ding humarang. They’re around me and I’ve got nowhere to go. 

         “Not so fast, bitch” sabi ng leader nila. Maganda sila, magagandang babae pero ang iitim ng mga budhi.

         “Ano na naman ba ang kailangan mo sakin?” tanong ko kay… ni hindi ko nga kilala kung sino to.

        “Hahaha, tinatanong pa ba yan?” tanong niya sabay tawa. Para siyang witch kung tumawa. “Of course, we want to play, dumb-bitch,” dugtong niya.

       Public school ‘to pero kung makaasta sila parang may tuition silang binabayaran. Sila yung klase ng mga taong kulang sa pansin eh. 

        “Well, then play. Huwag niyo kong idamay,” sagot ko at akmang aalis pero hinawakan niya ang braso ko.

        I grimaced because of the pain from her nails. Magpupumiglas na sana ako pero dali-dali niyang hinawakan ang buhok ko at inumpog ang ulo ko sa mesa. Naramdaman ko ang sakit sa kanang pisngi ko. Idiniin niya ang ulo ko at may naramdaman akong pumigil sa paa ko nang sinubukan kong sumipa.

          Mas dumiin ang hawak niya sa kamay ko at bumakat ang kuko niya. Her nails wounded my arms and I can see blood. I can’t even move. She leaned in and whispered in my left ear. 

          “Welcome back, our toy.” She released me afterwards. Napaupo ako dahil sa sakit ng paa at braso ko. When I looked at her, she grinned and walked away kasama ng mga alipores niya. I sighed. They started it again. The never-ending bullying. 

          “Aesth, you okay?” Nagulat ako sa pagsulpot ni Aesther. “Bakit ang gulo ng buhok mo?” tanong niya.

          “Ah, wala, wala. Tara?” tanong ko sabay ligpit ng gamit ko at inayos ko na din itsura ko.

         Inakbayan ko siya para hindi niya makita ang sugat ko sa braso. I sighed. She doesn’t seem convinced pero wala na siyang sinabi. Napailing nalang ako dahil wala naman akong magawa. Aesther never knew that I’ve been bullied since last year. At ayoko ko din namang malaman niya. I don’t want her to be worried, at ayoko ring madamay pa siya.

          Mas mabuti ng masaktan ako, huwag lang ang babaeng ‘to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status