Share

Chapter 2 : His Comfort

Nang sumapit ang araw ng aming pagkikita nila Christian. Ako’y nagsuot ng simpleng Shorts at isa sa aking paboritong  Sando na sinamahan ng Blazer at sapatos na Converse. Nang masilayan ng aking mga mata ang papalapit na si Christian na sa kasalukuyang naka Polo at Shorts na binagayan ng kaniyang paboritong sapatos na Nike at relo na aking iniregalo noong kaniyang kaarawan, ay agad ko siyang inakap sapagkat sa kaniyang mga bisig ay naroon ang isang kapahingahan, sapagkat mula pa noon ay talaga namang nakasubaybay na sa bawat aking nanaisin.

“Reign ano’t ang higpit naman ng yakap na iyon?” Nagugulumihanang tanong sa akin nito.

“Wala naman Chris.” Naiilang kong sagot sa kaniyang tanong.

“Kilala kita Reign, hindi mo man sabihin alam kong may dahilan at base sa itsura mo’y tila may bumabagabag sayo, kaya sabihin mo na.” Pangungulit naman nito.

“Hays oo na oo na, wala talaga akong maitatago sayo kilala mo talaga ako kahit sa maikling panahon na pagsasama natin.” Pagkasabi’y agad namang nilaro nito ang aking buhok.

“Ano ba kasi yon Reign , hindi kita kukulitin ng ganito kung alam kong wala lang ang yakap na iyon.” Pangungulit parin ni Christian habang kami ay naglalakad patungo sa aming paboritong lugar sa Mall na Shakespeariana Restaurant.

Pagdating sa kanilang paboritong Restaurant ay agad umorder si Chris ng kanilang kakaining pananghalian isang Cheesy Carbonara at slice ng Pizza at Mango Shake ang kay Reign at isang Steak with Fries at Coffee Shake. Pagkaupo nama’y agad inilahad ni Reign ang kaniyang saloobing dinadala.

“Ganito kasi Chris sila my hindi ko maintindihan,kapag nagkukwento ako para bang hindi sila nakikinig pero pag hindi naman ako nagkukwento at nalaman nila sa iba magagalit hindi ko na alam. Ang hirap Chris na sakanila ko pa hindi maramdaman yaong suportang ninanais ko.” Pagkasabi’y agad akong inakap muli nito at sinabing “Hindi ka man nila masuportahan sapagkat iba ang kanilang pananaw sa atin, pakatandaan mo sana , andito lang ako sa tabi mo parati kung kailangan mo ng makakausap.

“Salamat Chris, mula noong naging close tayo nariyan ka talaga para samahan ako’t suportahan kahit na alam kong may dinadala ka rin ay pilit mong pinapagaan lahat ng bigat na talaga namang ang hirap bitbitin.”

“Well that’s what are friends for ika nga diba, tsaka puwede ba Reign huwag mo sila ganong indahin please lang kase People are just hindrance in pursuing your dreams, kadalasan kaya kung saan ka masaya pumaroon ka anu man ang sabihin nila. Ikaw at ikaw ang nakakakilala sayo at ang drayber ng buhay mo.” Tugon naman nito na talaga namang nagbigay ngiti sa akin.

“Pagkatapos nating kumain puntahan natin yung paborito nating kantahan dito sa Mall.” Pag-aaya naman nito sa akin.

“Sigi ba!” Agad kong sang-ayon sakaniya, hindi ko na namalayang napasigaw sa pananabik.

Nang matapos nga ang magkaibigan ay agad silang nagtungo sa Aristoroke na siyang paborito nilang puntahan kada wala silang magawang magkaibigan.

“Kantahin mo na.”  Kaagarang pang-uudyok nito sa akin sapagkat alam na alam nito ang aking paboritong kantahin rito.

“Ti-tigilan mo ako Chris…” Habang pilit akong kinikiliti upang kantahin na ang aking paborito.

“Si-siya eto na.” Saad ko kaya’t tumigil na ito sa pangingiliti.

And I’ll find my peace,

I’ll surely treasure everything,

Despite of all thy pain,

Thy moments will all remain.

“Sabayan mo naman ako Chris…” Pag-aaya ko rito para naman sabay naming ibsan mga dalahin na aming dinadala dulot ng nakaraang lubhang nagbigay ng lamat sa bawat araw na aming sinusuong.

“Opo, eto na.” Pagkasabi niya ay agad naman niyang kinanta ang Chorus nito mararamdaman mo talaga ang pait ng nakaraan  na ninanais niyang limutin ngunit pilit niyang ikinukubli sa lahat ng nakapaligid.

Nang matapos naming kantahin ang kanta ay napuno naman ng tawanan ang silid kung paanong napuno ng pagbabaliktanaw ang araw na iyon. Halu-halong emosyon ang sa 'min ay bumalot ngunit sa kabilang banda 'y iniisip paano kung nakilala namin ang isa 't isa ng mas maaga, ang mga pait kaya ay aming dinadala o hindi sapagkat kami ay magkasama sa bawat panahong nahihirapan dala ng lahat ng nagaganap.

“Thanks for your efforts Chris, i do appreciate everything.” Pasasalamat ko

“Parati mo sanang tandaan na kailanman hindi ka mag-iisa sa lakbayin ng buhay, andito lamang ako para sayo,siya mag-gagabi na ihahatid na kita sainyo baka nag-aalala na sila.” Paalala nito ng may kasiguraduhan sa mga mata 't labi.

Sa sobrang halo ang mga emosyon ng araw na iyon, hindi namin lubos napansin ang oras magdidilim na noong ako 'y maihatid ni Chris, kung maaari nga lamang ay aming pahihintuin ang oras ng panahong iyon.

“Mauuna narin ako,pakisabi na lang kina tita na dumaan ako at pasensya kung di nako makakasaglit.” Paalam nito.

“Thank you for today Chris. Magtext ka kung makauwi ka na.” Pagkasabi ay agad ko siyang hinalikan sa pisngi na siya niya namang ikinagulat.

“Opo,hindi pa nga nakakalayo namimiss na agad ako ay.” Pabirong batid nito upang hindi maging ilang sa isa 't isa.

Nang makasakay na ito sa kaniyang sasakyan ay agad naman akong tumungo sa 'ming bahay, pagbukas ko ng pinto ng aming bahay ay agad naman akong tumungo sa aking silid. Pagkahiga ay kinuha ko ang aking smartphone sa aking bag na kasalukuyang nakasabit pa sa akin.

To Chris:

Thanks again Chris, you really know how to ease what’s inside.

                                                                               Sent✔️

Pagkasent ng aking text ay agad akong natulog akap-akap ang paborito kong unan na may bakas ng ngiti sa mga labi, dala ng sayang nadarama sa nagdaang araw. Hindi pa ako gaano nakakatulog ay biglang nagring aking smartphone hudyat na nakauwi na si Christian sakanilang bahay. Sapagkat aking hinabilin na magtext kung siya ay makauwi na sakanilang bahay.

“His Comfort”

He light up thy darkness,

no matter what hindrances,

within each experiences,

still he look within thy goodness.

There will always someone,

who will wait you won,

even you feel thy doubt,

so let yourself be out.

May you never be afraid,

No matter how will fade.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status