Share

Chapter 4: Secrets

Nang matapos ang programa agad namang tumungo si Chris patungo kung saan kami ng mga kapwa ko partisipante ay nakapuwesto upang ako 'y hagkan at sabihing Alam kong ginawa mo best mo ,narito lang ako parati para sa 'yo. Matapos sabihin ni Christian ay unti-unting naglaho ang lahat ng hindi ko namamalayan.

“Reign! Reign gising!!” Sigaw ng kung sino ngunit hindi ko maramdaman aking katawan.

Pilitin ko mang idilat aking mga mata at igalaw aking katawan ay tila kay hirap sa mga oras na iyon na para bang wala ng magaganap pa. Nagising na lamang akong nagugulumuhinan kung nasaan ako…

“Nasaan ako?” Wala sa ulirat kong tanong habang nililingat ang paligid.

“Sa wakas nagkaroon ka na ng malay,pinakaba mo ako ng lubos.” Nakangiting tugon ni Christian.

“Anong nangyari? Nasaan ako?” Muli kong tanong sa kaniya.

“Narito tayo sa malapit na ospital sa school, hinimatay ka matapos ang patimpalak kanina hindi malaman ng lahat ang gagawin buti na lamang ay malapit ako sa 'yo kaya dinala kita agad rito at huwag kang mag-alala hindi ko pa sinasabi kina tuta abg nangyari,alam kong yun sasabihin mo.

“Thank you Chris, alam mo rin naman sadyang ayoko malaman nila my ang nangyayari sakin sapagkat panigurado sakin nanaman ang sisi ganun pa man mahabang diskusyunan nanaman at mauuwing ako parin ang mali. Sensya na rin kung baka nagiging pabigat na ako sa 'yo.” Pagpapasalamat ko sa kaniyang pag-aaruga.

“Ano ka ba wala yun at please lang reign kailanman hindi ka naging o magiging pabigat sa akin kaya huwag mong iisipin ang ganiyang mga bagay.” Pagkasabi ay agad naman nitong ibingay ang isang sobre, nang aking mabuksan ay agad akong nagulat sa laman nito.

“Kanino galing ito Chris?” Naguguluhan kong tanong na hindi malaman ang ireresponde mula rito.

“Galing iyan kina Bb. Fallridge bilang bahagi ng patimpalak at sa ganda ng mensahe na iyong ipinarating sa iyong latha at nais din nilang ipabatid na sana gumaling ka na at sana magpatuloy ka sa pagsusulat mo, kailanman hindi naging lingid sa kanila ang mga akda mo 't dinadala sapagkat nagbabasa sila sa iyong pahina. Oo tama ang iyong narinig nagbabasa sila sapagkat aking ibinatid sakanila ang ukol dito dahil alam kong may kahihinatnan ang iyong pagsusulat at kung mangyari iyon ako ang unang taong magiging masaya para sa iyo.” Mahabang litanya nito.

Wala akong masabi matapos ang kaniyang nga itinuran, wala akong kaalam alam ganun na pala ang lahat at katindi kaniyang suporta kahit na madalas ay pinagdududahan ko aking sarili kailanman hindi niya ako nagawang iwan bagkos nariyan siya upang ipaalala na ako 'y higit pa sa mga salitang binibitawan ng iba na madalas nagbibigay ng luha sa akin.

Makalipas ang ilang oras ng pananatili sa ospital na pinagdalhan sa akin ni Christian ay agad kaming umuwi sapagkat baka makahalata ang aking pamilya sa naganap.Nang maihatid ako ni Christian ay agad ko siyang pinasalamatan at inakap.

“Thank you Chris for being there always whenever i need or I don’t need the most.” Ngiting pasasalamat ko rito.

“Basta mag-iingat ah at please huwag mong kalilimutan inumin sa tamang oras yaong mga ibinigay sa 'yo para hindi na maulit ang kanina, itetext o ichachat din kita para sa oras ng gamot mo pinicturan ko lahat kanina habang nasa cr ka.” Pagpapaalala nito bago pa umalis sa 'ming bahay.

Nang makapasok ako sa 'ming bahay ay agad kong nakita ang akong Ina sa 'ming bakuran ay agad ko itong hinalikan simbolismo ng paggalang at ako 'y nakauwi na.

“Narito ka na pala, nga pala sa susunod na mga araw darating ang mga pinsan mo, dito muna sila pansamantala hanggang maging okay ang lahat.” Pagpapaalam nito sa magaganap sa 'ming bahay.

“Bakit my? Anong nangyari?” Naguguluhang tanong ko rito.

“May kaunting problema lamang ngunit kailangan munang ilayo sila. Siya pumasok ka na sa loob, inaantay ka na tiyak ng kapatid mo may pagkain narin diyan magsabay na kayo kumain.” Pagkasabi ng aking Ina ay agad akong tumungo sa loob ng aming bahay at agad ko rin namang nakita aking kapatid na tila sabik na sabik na ako 'y muling masilayan.

“Ate andito ka na pala.” Pagkasabi ng aking kapatid ay agad akong inakap.

“Tara, dun tayo sa silid ko may ibabahagi ako sa 'yo.” Aya ko sa aking kapatid na agad namang sumunod.

“Ano yun ate?” Tanong nito ng kami ay makaparoon sa aking silid.

“Alam mo kanina sumali si ate sa isang contest sa school, huwag kang maingay kina mami secret lang natin ah tapos may nagbigay ng prize kay ate kaya sa weekend alis tayo.” Pag-aaya ko sa 'king kapatid.

“Kasama ba si kuya Christian ate?” Bigla naman nitong tanong.

“Hindi ko pa nakakausap ang kuya mo…” Sagot ko naman sa kaniyang tanong.

“Ay ganun ba ate?” Nalulungkot na tugon ng aking kapatid. “ Bakit gusto mo ba isama nating ang kuya Christian?” Muli kong tanong. “Opo ate kung puwede hehez namimiss ko na kasi kasama si kuya.” Nagagalak na tugon ng aking kapatid.

“Sige kakausapin ko ang kuya huh. Tara na sa baba baka hinahanap na tayo ni mami.” Pagkasabi ko ay agad naman kaming bumaba saktong nakahanda na ang aming meryenda.

Nang bigla na lamang akong may narinig na mga ingay mula sa bakuran. “Akala ko sa mga susunod na araw pa kayo paparito?”  Wika ng aking Ina habang ako 'y palihim na nakikinig sa loob ng aming bahay sa tapat ng aming pinto.

“Sensya na Kit, hindi na kami nakapagbigay permiso kinailangan kasi bigla kasama ko narin ang mga bata ,sana maintindihan mo.” Sagot naman ng aking tiya sa 'king ina.

“Oo naman ate, hindi naman kayo bago rito tamang-tama nagmemeryenda ang magkapatid sa loob.” Pagkasabi ng aking Ina ay agad namang kumaway ang aking tiya sa kanilang sasakyan kaya dali-daling bumaba aking mga pinsan.

“Hi tita Kit!!” Sabay sabay na bati ng aking mga pinsan.

“Pumasok na kayo sa loob andon ang ate Reign ninyo.” Nang aking marinig ay dali-dali akong pumunta sa kinaroonan ni Wyn upang hindi mahalatang ako 'y nakikinig sa bakuran.

“Secrets”

Nasa paligid man madalas ay naglilihim,

inaakalang ito 'y para sa adhikain,

para lamang maibsan iring mga isipin,

lahat ay makakayang gawin.

Pagmamahal ang siyang pinaiibabaw,

kahit pa karimlan ang matatanglaw,

Darating rin ang panahon lahat ay mabubunyag,

kahit pa piliing hindi lubos maihayag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status