Share

Prologue

Pag-gising palang ni Reign at bago matapos ang araw ay hawak niya ang kaniyang minamahal na kwaderno’t lapis upang mag-isip ng kaniyang ilalatha sa kabilang banda minu-minuto rin niya naririnig ang mga katagang,

“Wala kang mapapala sa pagsusulat mo!”

“Itigil mo na iyan, wala kang kikitain diyan!”

“Maghanap ka nalang ng iba ,tignan mo ang iba diyan nakatengga lang dahil sa kagaganiyan!”

“Kinokopya mo lang naman ata iyang nilalabas mo!”

“Ang galing galing mo sa iba, pero hindi ka naman mapakinabangan ng ayos.”

Ilan lamang sa parating naririnig ng dalagitang si Reign sa kaniyang mga nakapaligid na halos nagpapababa ng kaniyang tiwala sa sarili. Kahit anong pilit niyang di magpakaapekto ay tila kay hirap sapagkat madalas ang mga ito’y nanggagaling pa sa mga taong malapit sa kaniya.

Hirap man sa bawat araw sapagkat pakiramdam niya 'y wala na siyang kakapitan pa patungo sa matagal na niyang inaasam sadyang may mga taong darating para tayo ay iligtas muli sa pagkakabaon sa mga lamat at tulungan sa bawat araw na magdaraan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status