Share

Chapter 5 : Careless

Walang oras na hindi nagkaroon ng ingay sa 'ming bahay mula ng sila ay dumating. Hindi ko malaman paano ako makakapag-isip ng matiwasay. Sapagkat halos ilang beses narin silang pumarito sa aking silid na kung saan mahigpit kong pinagbabawal dito. Nang bigla namang kumatok sa 'king pintuan ang aking kapatid.

*knock knock*

“Ate? Ate Reign?” Wika ng aking kapatid sa labas ng silid.

“Bakit ka naparito wyn?” Naguguluhang tanong ko rito.

“Ate pwede bang dito na muna ako sa kwarto mo? Ang ingay kasi nila ate ang yugyog sa tabing kwarto ko. Hindi ako makatulog ng ayos.” Mahabang pagpapaliwanag ng aking kapatid.

“Sige ba, hayaan mo wyn lilipas din ang lahat tsaka parati mong tandaan andito lang si ate para sa 'yo.” Pagkasabi ko ay agad ko itong inakap.

“I love you ate, doon ako sa paborito kong pwesto ah.” Sabay halik nito sa 'king pisngi.

Matapos ng aming pag-uusap ng aking kapatid ay agad ko ring binuksan aking account para ichat si Christian at para ipabatid ang mga kaganapan rito. Mula noong kami ay naging malapit ni Christian halos siya na ang aking naging human diary at laking pasasalamat ko na kahit magkaiba man kami ng seksyon sa paaralan ay hindi ito naging hadlang sa 'ming pagkakaibigan.

To Christian;

Chris hindi ko alam gagawin dito samin. Hindi na nga nila ako pinapakinggan madalas para pa silang may mga tinatago. Hindi ko na alam ang gampanin ko talaga dito kung para saan pa bang humihinga ako. Ang gulo-gulo, ang hirap pero alam kong malalampasan ko to kasi andiyan kayo na nakaalalay parati.

                                                                              Sent✔️

Pagkasent ko ng aking mensahe ay agad namang tumunog ang aking smartphone. Agad naman akong tumungo sa terrace ng aking silid. Kaya minsan ang hirap hindi isipin kung ano na nga ba kaming dalawa. Pero okay narin ito atleast may nakakaramay ako.

*ring ring*

Reign: Hello? Chris?

Chris : Ano nanaman ba yan reign, ang gamot mo nainom mo na ba?

Reign: Dumating dito mga pinsan ko, hindi ko alam anong irereaksyon, hindi man lang ako nasabihan ng maaga alam mo namang ayoko masyado magulo tapos ayaw pa nilang pumirmi pag pinagsabihan ko naman sakin pa sisi hays… Pero opo nainom ko na yaong mga gamot.

Chris: Reign huwag kang magpatalo sa mga iyan tsaka please lang don’t bother yourself with such thoughts. Ganito diba nabanggit mo na gusto mong umalis sa weekend, kababasa ko lang sa page ng school wala daw pasok bukas , kaya bukas nalang tayo umalis.

Reign: Thanks Chris matutuwa niyan si wyn, namimiss ka na daw kasi niya.

Chris: I miss her also pakisabi tsaka pakihalik ako sa pisngi ng makulit na batang iyan.

Reign: Sige, makakarating.

Pagkatapos ng aming tawag ay agad akong pumasok sa 'king silid agad ng matanaw kaagaran ng aking mga mata ang aking kapatid na mahimbing ng natutulog.

“I love you always, I won’t let that happen even to you my wyn.” Saad ko kay Wyn na kasalukuyang natutulog sabay halik sakanyang pisngi.

Kinabukasan ay aking ginawa muna ang aking morning ritwals saka dahan-dahang bumaba sa 'king silid sapagkat aking hindi na natanaw si Wyn sa kaniyang puwesto. Habang pababa ay tamang bilang nanaman ng mga pantigan sa bawat salitang pumapasok sa 'king isipan para madali na lamang ilapat ang bawat salita hanggang sa nabangga ako ng isa sa 'king mga pinsang kasalukuyang nakikitira sa 'ming bahay.

“Sorry ate, hindi ko namalayang nandiyan na pala.” Pag-papaumanhin ni Triz.

“Sa susunod mag-iingat ah” Pagkasabi ko 'y saktong nabalintataw ng aking mga mata si mami na nakatingin sa 'ming gawi kaya agad kong pinuntahan.

“My, hindi po kami maglalunch dito ni Wyn tsaka my sama ko po siya diyan lang naman po kami kasama din si Christian.” Pagpapaalam ko sa’king Ina.

“Basta mag-iingat kayo,alam mo naman ang sitwasayon ngayon.” Tugong pagpayag naman ng aking Ina.

“Ate? Ate talaga kasama si kuya chris?” Biglang sabat ng aking kapatid na nakikinig pala sa amin  sapagkat umabot na kami ng aking Ina sa kusina kung saan ay naroon.

“Oo, wyn kaya pagkatapos kumain ay mag-asikaso ka na agad baka biglang dumating ang kuya mo.” Sagot ko sa'king kapatid at agad rin namang kumain ng umagahang nakahain.

“Yeyyy kasama si kuya,kasama si kuya!!” Malakas na hiyaw nito na talaga mamang sabik na sabik makitang muli si Christian.

Pagkatapos naming kumain ay agad kong nasilayan si Wyn sakaniyang suot na dress at kaniyang paboritong sapatos na binili ko noong siya ay kaniyang nagdaang kaarawan , binagayan pa ng kaniyang straight na buhok. Habang ako naman simpleng Blouse at Shorts at doll shoes lamang aking sinuot sapagkat itong pamamasyal na ito ay para sakanya.

Sapagkat nitong mga nagdaang araw ay madalas hindi ko na siya nakukumusta sa sobrang kabisihan sa mga patimpalak at pag-aaral. Saktong bigla namang may kumatok sa pintuan ng bahay.

*knock knock*

“Tita mano po, si Reign po at Wyn?” Tanong ni Chris matapos siyang pagbuksan ng pinto ni my.

“Sandali lang Chris patatawag ko. Pumasok at maupo ka muna.” Tugon naman nito.

“Triz pakitawag mo nga mga pinsan mo sa taas, nasa kwarto sila ng ate Reign mo.” Utos nito sa 'king pinsang si Triza May.

“Sigi po tita. By the way ang gwapo niya tita ah hehez.” Malanding saad nito na may pagkindat pa kay Christian.

“My hindi na po kailangan tapos na po kami ni Wyn.” Saad ko na kanilang ikinagulat sapagkat hindi namalayan paglabas namin ni Wyn sa aking kwarto.

“Siya sige mag-iingat kayo, Chris ikaw ng bahala sa dalawang ito.” Pagkasabi ni my ay agad naman kaming humalik ni Wyn dito.

“Opo tita.” Kaagad naman kaming umalis.

Nang kami ay makasakay sa kaniyang kotse ay halos kulitin ito ng kulitin ni Wyn, wala itong pakialam sapagkat sobra rin niyang namiss ang aking kapatid. Nang makarating kami sa mall ay agad  natanaw ni Christian ang isang board na may nakalagay na anunsyo patungkol sa isang patimpalak ng pagsasalita.

"Reign oh sali ka, wyn diba magandang sumali ang ate diyan?" Pag-aaya nito at talaga namang kinuntsaba pa ang makulit na si Wyn.

"Opo ate, sali ka diyan sayang oh maganda naman at alam naming kayang kaya mo iyan." Pagsang-ayon naman ng aking kapatid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status