Share

Chapter 3 : Thy Support

Kinabukasan ay parang nabaliwala ang sayang nadarama ni Reign sapagkat umagang umaga pa lamang ay naririnig niya na ang kaliwa’t kanang batuhan ng mga kubyertos sakanilang bahay. Hindi niya lubos maisip kung ano pa nga ba ang rason kung bakit siya nabuhay matapos ang ilang aksidente sakaniyang buhay. Nang bigla namang nagring  ang kaniyang smartphone.

*ring ring*

“Hello,My lady could you please hurry up!! It seems like you forgot something?” Saad ng nasa kabilang linya.

“Hello? Who’s this?” Pagtatakhang tanong ko.

“Ms.Reign Stevans bumangon bangon ka na riyan at anong oras na ngayon ang patimpalak para sa sinalihan mo nung nakaraan,naku ka talaga oo… Bilisan mo diyan antayin kita sa puwesto natin sa school.” Pagpapaalala naman ni Christian.

“Ay halah ngayon nga pala yon sigi na kita nalang tayo maya maya mag-aasikaso na muna ako.” Agad kong tugon ng maalala ang magaganap ngayong araw.

“Si-siya mag-iingat ka talisudin ka pa naman, baka mapulot nanaman kita kung saan hays…” Nang-aasar na wika ni Christian na mararamdaman mo ang halakhak na kaniyang itinatago.

“Siya papatayin ko na to bye…” Pagkasabi 'y pinatay ko na ang tawag, hindi ko na inantay pa ang kaniyang tugon sapagkat agad akong nag ayos at namili ng gagamitin para sa araw na iyon.

Agad naman akong tumungo sa aking silid damitan upang kumuha ng maisusuot ng makapamili ay agad kong sinuot ang aking Polo na checkered sinamahan ng Sandong Itim at Pantalon binagayan pa ng paborito kong Converse. Pagkatapos ay agad naman akong kumuha ng aking bag  na kung saan nakalagay aking ibibigkas sa patimpalak na aking sinalihan.Agad naman akong lumabas sa'king silid upang magpaalam na sa 'king mga magulang.

“My una na po ako, sa school nalang po ako kakain may gagawin pa po kami ni Christian.”

“Si-siya mag-iingat.” Pagkasabi ay agad ko itong hinalikan at dire-diretso nang lumabas ng bahay upang mag antay ng sasakyan papuntang paaralan. Nang biglang tumawag si Christian habang ako 'y naglalalakad.

*ring ring*

Chris:Ano na Reign saan ka na?

Reign: Andito nako sa biyahe, medyo natrapik lang.

Chris: Bilisan mo diyan, pero mag dahan-dahan ka parin huh…

Reign: Opo,opo sigi na bye.

*end of call*

Pagkarating ko 'y saktong naroon nga si Christian sa'ming tambayan sa school. Nakasuot ito ng kulay itim na Polong Checkered sinamahan ng Pantalon at Converse at ang relong aking binigay.

“Buti naman dumating ka na,akala ko sasayangin mo lang itong mga pag-eensayo natin.” Agad na bungad nito pagkarating ko sa tambayan.

“Huh? Paki Spell ang A S A!! Medyo magulo lang nanaman sa bahay kaya nawala sa isip ko nuh…” Agad kong tugon at agad naman akong inakap nito.

“Baka kung saan pa mapunta ang usapang ito, tara na sa room para malapit na sa AVR .” Pag-aaya nito sa akin na agad naman akong sumunod.

Habang kami 'y naglalakad patungo sa isang silid ay nakasalubong namin si Bb. Brooksky  na siyang aming guro sa Wika na kung saan patungkol ang patimpalak na aking sinalihan.

“Magandang tanghali sainyong dalawa, Ms.Stevans galingan mo mamaya ah.” Pagbati 't paalala nito para sa gaganapin patimpalak.

“Opo bb, maraming salamat sa suporta.” Agad kong tugon.

“Wala iyon Ms.Stevans, alam kong may mararating ka base sa mga ipinapasa mo kaya naniniwala kami sayo, diba Chris?” Wika ng aking guro na ramdam mo talaga ang suporta.

“Opo Bb. , tama kayo riyan talaga namang kamangha-mangha ang talento ni Reign sa pag-iispoken.” Sagot naman nito na mababakas mo sa kanyang ngiti ang suporta na kahit anong mangyari 'y mananatili.

“Oh siya basta galingan mo,manunuod ako mamaya. Mauuna narin muna ako para makapag ensayo kayo riyan.” Paalam ng aming guro.

Nang makarating sa silid ay agad naman kaming nagpasimula sa 'ming pag-eensayo para mamaya sa patimpalak. Kabado man ay buong loob akong susubok, sapagkat alam kong nariyan ang mga taong andiyan para sumuporta at maging lakas.

“Ayan tapos na, Thank you sa lahat Chris.” Pasasalamat ko sa 'kin kaibigan.

“Wala yun ,ikaw pa ba. Basta lagi mong tatandaan kalimutan ka man nila nandito kaming mga naniniwala sayo.” Nakangiting sambit nito.

Pagkatapos naming mag-ensayo ay dumating narin ang itinakdang oras para sa patimpalak. Agad akong inakap ni Chris “I know you can do it.” Pagpapalakas loob nito.

“Magandang araw sa lahat ng mga mag-aaral ating binubuksan ang Speak Thy Feelings 2025 ang lahat ng nagrehistro ay maari ng pumila rito sa tabi ng entablado para maayos ang pagkasunod-sunod.” Paunang bati ni Bb. Fallridge.

“And now let’s call on Bb.Stevans for Her Spoken Entitled “Ika 'y May Halaga.”  Pagtawag sa akin ng kasamahan ni Bb.Fallridge na si Bb. Risedawn.

"Ika 'y May Halaga"

Ikaw oo ikaw na nakikinig!

Damdamin mo ma 'y parating may hinanaing,

Huwag ka sanang magpatalo sa mga ito,

Huwag mo sanang piliing huminto.

Sapagkat ika 'y may halaga.

Sapagkat ika 'y Kanyang itinalaga.

Ikaw oo ,ikaw na nakikinig!

Makinig ka sanang mabuti sa 'king mga ituturan,

Mga nararanasan mo sa 'yong nilalakaran ay may katapusan,

Mga pighating nararamdaman ay balang araw magiging kaligayahan,

Sapagkat ika 'y may halaga,

Sapagkat ika 'y Kanyang itinalaga.

Ikaw oo ,ikaw na nakikinig!

Buksan mo sana ang iyong mga mata,

Sa bawat hakbang na iyong isinasagawa,

Madalas ka man nilang itatwa,

Tandaan mo Ika 'y may halaga,

Sapagkat ika 'y Kanyang itinalaga.

Ikaw oo ,ikaw na nakikinig!

Pakatandaan mo sanang kailanman hindi ka mag-iisa,

Sapagkat ikaw ay parating may kaalyansa,

Sa gitna ng magulo 't lubhang mapagbalisa,

Tandaan mo ika 'y may halaga,

Sapagkat ika 'y Kanyang itinalaga.

Pagkatapos kong isatinig aking latha na aking pinagpuyatan ng ilang buwan mula ng aking malaman ang tungkol sa patimpalak ay tila nabunutan ako ng tinik sa 'king damdamin.

“Finally… natapos rin Oh, Father let your Will be done…” Saad ko sa 'king sarili.

Nang biglang nagring ang aking smartphone na kasalukuyang nasa bulsa ng aking Pantalon. Pagkabasa ko ng mensahe ay agad akong napangiti sa kawalan at hinanap kung saan nagmula ang mensahe.

Matapos maibigkas ng bawat partisipante ang kani-kanilang akda ay pinarangalan din kaagad ang nagwagi. Mahirap man ngunit alam kong hindi pa ito ang huling pagkakataon upang sumubok sa larangang aking lubos na minamahal.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status