Share

Chapter 6: Hidden Pain

“Nako diskusyon nanaman iyan, kung susubukan kong sumali riyan…” Nalulungkot kong tugon sa dalawang pilit akong kinukulit.

“Sus si ate kunyari pa, gusto rin naman huwag mo kaming lokohin ate, hindi mo kami madadaan sa ganyan.” Pangungulit parin ni Wyn.

“Nako nako, tama ka diyan Wyn nagpapaakag masyado nanaman yang ate mo.”

“Hayss nako sigi na eto na,samahan niyo ko kung saan ang lamesa na pinagrerehistruhan.” Napipilitan kong pagpayag ngunit puso 'y umaayon talaga.

“Ma’am sign na po kayo. Malay niyo isa kayo sa palarin.” Saad ng isang nagbibigay ng form para sa patimpalak.

“Nariyan ang iba lang detalye ma’am.” Dagdag pa nito.

Nang mabasa at maunawaan ang patungkol sa patimpalak agad naman akong nagsagot patungkol rito. Wala mang kasiguraduhan muling susubok para sa mga naniniwala at nakantabay sa hangarin.

“Ayan tapos na, tara na sa Shakespeariana Restaurant baka nagugutom ka na Wyn.” Nakangiting saad ko sa kapatid ko na kanina pa kausap si Christian.

“Mamaya na ate,katatapos lang naman natin kumain sa bahay kanina. Tara ate dun na muna tayo sa aklatan baka may bagong labas ngayon.” Pagtutol ng aking kapatid at aya nito na agad naman kaming sumunod.

Nang makarating kami ay agad naman kaming nakakita ka nga ng mga bagong aklat na siyang aakit ng aming mga puso. Ilan narito ang Ikinubling Damdamin, Joy within trials.

“Ate sana balang araw makita ko naman yaong mga libro mo dito sa paboritong nating aklatan.” Nakangiting hiling ng aking kapatid na tila sabik na sabik sa kaniyang mga iminungkahi.

“Tsaka ate please lang, i know nahihirapan ka sa mga sinasabi nila my at dy dito sa pagsusulat mo at pagsali pero tandaan mo sana narito kaming naniniwala at nakasuporta sayo handang abangan panahong marating muna yaong tuktok ng tagumpay na ninanais mo.” Dagdag pa nito, minsan talaga napapaisip ako paano kung buhay din si Elle ganto rin kaya ang suportang aking matatanggap mula sa kaniya.

“Tama si Wyn, Reign magpatuloy ka lang mas marami kaming naniniwala sayo, kaya please huwag ka parating magfocus sa mga salitang binibitawan nila.” Pagsang ayon ni Chris sa sinabi ng aking kapatid.

“Maraming salamat, hindi niyo alam gaano niyo pinapatatag tong pilit lang lumalaban . Hays ang hirap kasing lumaban kung mismong sakanila pa nanggaling yung mga ganun buti na lamang talaga nariyan yung mga taong handang sumuporta.” Nalulungkot kong saad sa dalawa na bigla naman nila akong inakap pagkatapos nito.

“Nako nako tara na nga baka kung saan pa mapunta tong usapang toh mabuti pa manuod nalang tayo sa ginema base sa nabasa ko kagabi may bagong labas ngayon.” Pagpuputol ni Chris sa napipintong na seryosong usapan.

Sadyang alam na alam talaga ni Christian ano maaring mangyari hays habang patuloy kaming naglalakad patuloy muling bumabagabag sa 'king isipan ang patungkol sa lahat ng aking mga naririnig. Yung tipong ayoko mang isipin sila mismo ang pilit pumapasok sa makulit kong isipan.

*flash back*

Walang imik akong kumakain habang kami ay naghahapunannang biglang nagsalita ang aking kapatid patungkol sa 'king pagsusulat. Ngunit agad namang umentra ang aking Ina na ito raw ay walang mapupuntahan, lahat nang biglang nag-unahan yaong mga luhang pilit ko mang itago ay hindi ko nakayanan, kaya agad-agad akong pumaroon sa aking silid. Habang ako  'y nagmumuni-muni ay bigla akong pinuntahan ng aking ina.

“Bakit gising ka pa?” Tanong ng aking ina pagkatapos nitong pumasok sapagkat naiwanan ko palang hindi nakalock ang aking pinto.

“Wala po my, nagiisip isip lang po.” Nakayuko kong saad.

“Dahil nanaman ba ito sa kanina, sana maunawaan mo kung bakit ganito kami para rin naman sainyo ito. Marami na akong nakitang ganiyan ang madalas ginagawa pero walang napatunguhan kaya gusto lang namin ang alam naming makabubuti sainyo.” Mahabang paliwanag nito.

“My nasa tao naman po yan, tsaka dito ko po talaga nakikita sarili ko ng makahawak ng libro na mismong akin ang laman , at hindi lamang basta libro ng kung sino riyan. Ang hinihingi ko lang naman po my kaunting suporta.” Saad ko ngunit nakatingin parin sa malayo.

“Oo tama ka riyan pero mas maganda naring sigurado ang kalalagyan pagdating ng panahon.” Pagdedepensa parin niya.

“My nauunawaan ko 't naiinintidihan ang mga pinupunto niyo sapagkat mahal niyo kami, pero sana rin maging masaya na lamang kayo kung saan kami masaya sa kabilang banda my kung magdedebate rin tayo patungkol sa pagsusulat ko at sa nais niyo para samin bukas ang pinto para sainyo at magpapahinga na lang po ako.” Pagkasabi ko 'y agad akong pumaroon sa terrace ng aking silid upang mag-isip isip.

Ilang minuto lamang ay biglang nagring ang aking smartphone at pagkakita ko 'y nagmistula akong estatwa matapos makita kung sino ang nasa call card sapagkat tiyak diskusyon nanaman ito. Ngunit wala akong magawa sinagot ko parin ito tanda na lamang ng respeto.

“Hello dy, magandang gabi po.” Ngiting bati ko rito habang inaayos ang kalalagyan ng aking smartphone sa aking lamesa kung saan ko inilalagay kapag katawag ko ito.

“Reign, ano nanaman tong nabalitaan kong nagkasagutan kayo ng mamy mo kanina ? Ano tungkol nanaman ba sa pagsusulat mo?” Agad naman nitong tanong.

“Dy pwede ba isa-isa lang ang tanong, dy kailan niyo po bako maririnig isa lang naman po pakiusap ko lang naman suportahan niyo ko!” Mangatog ngatog kong saad habang nagpipigil ng luha sapagkat kagaya ng dati gusto kong makita nila akong masigla at matatag ano man ang ibinabatong mga salita.

“Reign nakasuporta naman ako pero sana maintindihan mo iniisip lang din namin kung paano kapag wala na kami paano nalang kayo ni Wyn.” Pagpapaliwanag nito.

“Ayan ayan tayo dy eh kapakanan nanaman namin pero paano kung sa kakaganyan niyo hindi na pala kami masaya, na napipilitan na lang pala kami sa mga pinapagawa niyo. Ni minsan ba natanong niyo kami masaya ba kami sa ginagawa namin, hindi naman ata dy eh…” Wala na hindi ko na lubos napigilan napahagulgol na ako sa 'king pwesto. Wala akong kaalam alam nakikinig pala si mamy sa labas ng pintuan.

“Reign pasensya na kung ganto na pala nararamdaman mo gusto lang naman namin maging maayos kayo. Ang dami rin kasi namin halos nakikitang ganyang kinagawian pero nauuwi sa wala nagiging tengga sa kung saan saan. May kilala rin ang mamy mo puro tugtog ayun malaon walang pinatunguhan ” Tugon muli ng aking Ama.

“Dy maayos? Bakit kailan ba kami naging maayos ni minsan naman hindi niyo ako nakitang umiyak o nahirapan bakit? Kase pilit kong tinatagagan sarili ko para hindi niyo makita.” Wala paring hinto aking pag-iyak.

“I’m sorry reign , we’re really sorry…Sigi na magpahinga ka na, i love you” Nakangiting tugon nito ngunit mahahalata mo sa kaniyang mga mata na pinipilit lamang.

“Sige na dad i love you, mag-iingat ka po riyan.” Agad ko namang pinatay ang tawag.

*end of flashback*

“Earth to Reign!!” Pangugulat na wika ni Chris na agad namang nanggising sa akin sa realidad. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa Ginema at nakabili narin sila ng ticket at pagkain.

“So-sorry tara na sa loob?” Paghingi ko ng paumanhin sa dalawa na tila ba kanina pa ako inaantay.

“Ate kung kailangan mo ng kausap, andito lang kami ah.” Biglang entrada ng aking kapatid.

“Oo wyn ,thank you. Okay lang si ate magiging okay din.” Paninigurado ko sa 'king kapatid kahit na kailanman hindi ako naging okay mula pa noon.

“Love you ate.” Pagkasabi niya 'y agad naman akong hinalikan nito.

“Love you too, dito lang si ate for you. Tara na pumasok na tayo baka malate pa tayo.” Aya ko sakanilang dalawa.

“Mabuti pa nga baka, ano nanamang mangyari eh.” Sang ayon ni Christian.

Nang makapasok kami at makaupo sa pwestong nakuha ni Christian ay matatanaw mo ang pananabik ni Wyn sapagkat matagal tagal din ng hindi ko siya nadala rito. Ang napili nilang movie ay yaong bago raw na pinamagatang Ako Ikaw Magkasama. Napuno ng katahimikan ang buong Ginema habang pinapanuod ang palabas hanggang sa naging tanging paghagulgol dala ng eksena nang bigla akong inabutan ni Christian ng panyo.

“Reign eto panyo oh.” Wala sa wisyong saad nito.

“Thank you.” Pasasalamat ko naman at agad naman kami bumalik sa panunuod.

Nang matapos ang palabas ay dahan dahan naman kaming lumabas ng Ginema laking gulat namin na pagabi na pala. Bago kami tuluyang umuwi ay kumain na muna kami sa Shakespeariana Restaurant gaya ng dati ay si Christian ang umorder ng aming kakainin.

“Thank you kuya sa pagsama samin ni ate  dito kung tutuusin kahit ako hindi ko kaya ngayon sa bahay dahil sa ingay nila rex. Hindi nako halos makatulog kaya eto minsan kay ate ako nakikitulog.” Mahabang pasasalamat ng aking kapatid ng dumating ang pagkaing inorder nito.

“Wala yun Wyn kailanman hindi na kayo iba ng ate mo sakin. Isang tawag o chat lang ng ate mo o ikaw mismo andito na agad ang kuya tandaan mo yan.” Agarang sagot naman nito sa 'king kapatid.

“Thank you Chris, hindi mo alam gano kaanong makaalis man lang sa amin kahit papano wala eh wala kaming magawa ni Wyn.” Dagdag na pasasalamat ko rito.

Nang matapos kaming kumain ay agad naman kaming inihatid ni Christian sa 'ming bahay, kay saya ng araw na iyon para sa amin ni Wyn, halos kung puwede nga lang na huminto ang oras ay akin ng ginawa dahil talagang kumikinang sa saya mga mata ni Wyn.

“Thank you Chris, ingat ka sa pag-uwi. Magchat ka nalang kung nakauwi ka na ah.” Paalam ko rito ng makaparoon na kami sa gate ng aming bahay.

“Sige magpahinga narin kayo, ikaw Reign huwag ka na munang mag-isip ng piyesa alam kong kayang kaya mo naman iyan.” Paalam nito na hindi man lang ako hinayaang sumagot sapagkat sumakay na agad ito sakaniyang sasakyan.

Sadyang kahit anong pilit ay babalik at babalik tayo sa reyalidad ng buhay, hirap ay muling susuungin, mga pagtangis ay muling itatago. Tanging mga ngiti at kagalakan pilit ipapatanglaw sa karamihan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status