Share

Chapter 1 : Unheard

Panibagong araw na naman upang sumuong sa magulong lakbayin ng buhay subalit heto pa rin ako, wala pang sipilyo, gulo pa ang buhok at nakahiga pa rin sa aking higaan na para bang ayaw ko ng umalis pa rito. Nang biglang magtawag na ang aking Ina ay nakalimutan ko ang dating maingay at madaldal na ako, unti-unting naglaho ang ngiti sa 'king mga labi at dali-daling bumangon at bumababa ng hagdan dahilan para dumausdos ako roon.

“Reign!! Bilisan mo riyan anong oras na!” Pagmamadali ng aking Ina na sa kasalukuyang nag-aayos ng umagahan.

“A-aray!!” Pasigaw kong wika habang unti-unti muling tumatayo upang sa ikalawang pagkakataon ay dahan-dahang bumaba.

“Ano’t wala ka nanaman sa sarili kaya dumausdos ka nanaman riyan, kala mo namang hindi ka taga rito.” Pagalit na wika ng aking Ina.

“Wala ito my, nga pala mie may pupuntahan kami nila Christian bukas.” Paalam ko sa’king ina ngunit tila hindi nito narinig patuloy lamang sa pag-aayos sa ibaba.

“My, may sinalihan akong patimpalak.” Muli kong saad sa Ina ngunit sa ikalawang pagkakataon tila wala itong narinig mula sa akin.

Agad namang nagring ang aking smartphone hudyat na tumatawag na ang aking Ama na siyang nasa malayong lugar para saming kapakanan,mahirap man ay pilit niyang kinakaya para sa aming kinabukasan.

“Goodmorning po” Nakangiti kong bati sa aking Ama.

“Goodmorning, nagalmusal na ba kayo?” Pagbati naman ng aking Ama.

“Kakain palang po,Dy sumali nga po pala ako sa isang patimpalak ng pagsulat.” Nakangiti kong wika na punong-puno ng galak.

“Sus, kinokopya mo lang naman ata yan.” Pangungutya sa’kin ng aking Ama.

“Naku hindi po dy,pinagpupuyatan ko po mga nirerelease ko na mga tula at kwento.” Pangungumbinsi ko naman sa’king Ama.

“Magfocus ka nga sa pag-aaral mo,wala ka namang makukuha riyan.” Sabat ng aking Ina sa’ming pag-uusap ng aking Ama na sa kasalukuyang naghahain ng kaniyang inihandang Sinangag at Itlog sinamahan pa ng Tapa at Juice para sa 'ming almusal sa araw na iyon.

“My naipagsasabay ko naman po,ang pag-aaral at pagsusulat ko.” Pamimilit ko parin sa 'king mga magulang patungkol sa’king minamahal na pagsusulat.

“Basta unahin mo ang priorities mo bago ang kung anu-ano.” Sagot muli ng aking Ina.

“Opo my, alam ko naman po iyon hindi niyo na po kailangang ulit-ulitin pa.”

“Para rin sa 'yo ang sinasabi namin, sana maunawaan mo.” Paalala muli ng aking Ama .

Matapos ang aming usapan ay agad naming nagpasimula kumain ngunit sa kabilang banda sa bawat araw na nagdaan parati na lamang nagiging sagutan ang patungkol sa 'king minamahal na pagsusulat at aking pag-aaral sapagkat iba ang ninanais nila para sa amin sa hinahanap at nagpapasaya nitong aking puso.

Nang matapos ako sa 'king pagliligpit ay agad akong tumungo muli sa aking silid upang mag-isip ng ilalathang tula para sa araw na iyon. Ang paglalatha ang siyang naging aking pangunahing sandigan sa t’wing hindi ko mahanap ang taong makikinig sa’kin , ito ang aking naging karamay sa tuwing ako’y hirap sa bawat araw mahirap man ngunit dito ko nararamdaman ang pagiging malaya.

Agad kong binuksan aking account at itinipa ang “I miss you Jay…” alam kong kailanman hindi mo na ito mababasa pa pero parati kang nasa puso 't isipan ni ate.

Parati kong iniisip paano kung hindi nangyari ang lahat, ganito parin kaya ang sitwasayon sa 'kin. Oo hindi ako ang dahilan ngunit hindi ko mawaglit sa 'king isipan ang mga tanong na paano at bakit pa at nasaan ang kasagutan.

“Unheard”

Hindi ka man madinig ng karamihan,

humayo ka kung saan ‘yong kalayaan,

higit ang iyong makakamit sa digmaan,

magpatuloy ka lamang mararating din ang katagumpayan.

Maramdaman mang ika’y mag-isa,

darating din ang sayo’y makiki-isa,

huwag ka lamang huminto sa lakbayin,

danak man ang hadlang sa adhikain.

Kumapit ka ng mahigpit sa gitna ng mga pait,

puno man ng kapighatian at pagtangis mga sinapit,

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status