All Chapters of Nine Months [Tagalog]: Chapter 81 - Chapter 90
107 Chapters
Chapter 79
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
Read more
Chapter 80
(Dahlia POV)Nang magising ako, may nalaglag na kumot sa aking balikat. Napatitig pa nga ako. Kinuha ko ang kumot, at nais kong tanungin kung sino ang naglagay noon sa akin, pero di ko na ata kailangan magdalawang-isip. Natitiyak kong si Sir Venal ang may gawa noon.Bumukas ang pinto, at nakangiting lumapit ang dalawang assistant na may dalang paperbag.“Miss Dahlia, hetong mga damit ang nahanap namin para makapagpalit kayo. Baka kasi magkasakit kayo kapag hindi pa kayo nakapagpalit ng damit.”“Ah, nag-abala pa kayo. Ako na ang bahalang—.”“Tangapin mo na yan Dahlia.” Sabat ng pumasok, at si Madam Lilith. Kaagad akong napayuko dito. “Magpapalit ka ng damit o gusto mong magkasakit. Anong pipiliin mo? Asa ka namang may damit ka pa sa bahay ninyong nasunog. Magpalit ka na ng damit.”Wala akong nagawa kundi tangapin ang ilang paperbag na ang halos laman mga damit nga. “Maari ko bang tangapin yung pamalit ko lang ngayon?”“Aba, ang arte. Lahat yan branded, at wag kang mag-alala hindi ka na
Read more
Chapter 81
(Secretary Venal POV)Napatango ako sa kanya at tinagap ang pasasalamat nito. Ngunit may mas higit pa siyang kailangan pasalamatan bukod sa akin.“Bukas, kailangan ko na po atang mag-report sa kompanya.” Dagdag niya. “Kailangan ko bumawi.”“Sa tingin ko nga Miss Dahlia. I assure you na magiging maayos lang dito ang iyong Grandma.”Napatango siya. At ako sang-ayon sa sinabi niya, dahil kapag nasa kompanya siya, malayong makasalamuha niya ang mga taong-lobo. Bagay na ayaw na ayaw ni Master Dryzen.“Dahil masyado na akong nahihiya Sir Venal, ngunit kailangan ko ito gawin… Maari po ba akong mag-advance? Alam ko po malaki na ang utang ko sa inyo, ngunit hayaan niyo babayaran ko po kayo. Susuklian ko rin ng maayos na serbisyo ang kabutihan ninyo Sir Venal.”Advance? Pera ang kailangan niya. Para saan?Ngunit hindi ba niya alam na walang limit ang hawak niyang Card?“Walang problema Miss Dahlia. Gamitin niyo lang ang Card na binigay ko sa inyo. Maaring bilhin niyo ang kahit anong ibigin ni
Read more
Chapter 82
(Dahlia POV)Lumabas na ako ng silid ni Grandma. Sinalubong naman ako ng dalawang assistant.“Miss Dahlia?” Parang gusto nilang malaman kung saan ako pupunta. Ngumiti ako sa kanila.“Nais kumain ni Grandma, at itatanong ko sa doktor kung ano ang maari niyang kainin. Ako na ang bahala, wag na kayong mag-abala. Alam kong kailangan din ninyo magpahinga.”Nagkatinginan ang dalawang assistant.“Kung bibili man ako ng pagkain, natitiyak kong malapit lang dito sa hospital.”“Magpapahanda kami ng sasakyan Miss Dahlia.”“Ah wag na. Siguradong may malapit na mabibilhan ng pagkain dito.”“Sa tingin ko maaring mag-order na lang kayo Miss Dahlia. Free hassle at mas mabilis pa.”“May punto kayo. Ngunit hayaan niyo na pagsilbihan ko ng personal si Grandma.”“Kung yun ang nais niyo Miss Dahlia.” Napatango silang dalawa.“Kayo na muna ang bahala kay Grandma. Muli na naman siya nakatulog.”Nahanap ko ang aking sarili papunta sa information desk. Hindi ko kasi alam kung saan hahanapin ang mga doktor ni
Read more
Chapter 83
(Dahlia POV)Ngunit kunti na lang sana at makakarating na ako sa unahan ng biglang may humila ng kamay ko, at kinaladkad ako palayo sa mga tao. Sumisigaw man ako ng tulong, pero maingay ang mga tao. Akala nila sumisigaw ako dahil nakikipagsabayan ako sa tili nila. Saka napakaabala ng mga tao sa aking paligid. Talaga namang mahigpit ang securidad hindi lang para kay Miss Yuki, kundi sa mga sikat na artista na gaganap bilang mga karakter ng kwentong isinulat ko.Sa isang sulok ako dinala ng lalaki. Hindi ko makilala ang lalaki ngunit ang grupo na naghihintay sa sulok ay ang grupo ni Cedrick. Ibig lang sabihin ang lalaking humila sa akin ay tauhan ni Cedrick.Lumapit sa akin si Cedrick at nakangisi. May inis sa kanyang mukha na para bang ako ang may dahilan kung bakit naabala siya.“Miss Dahlia, hindi ko inaasahan na magkikita na naman tayo ulit. Tss. Parang sawa ka na sa buhay mo.” Ipinikit ang mga mata at bahagyang sinabunutan ang kanyang sarili.“Hindi ko rin inaasahan na muling gugul
Read more
Chapter 84
(Dahlia POV)“Sige, parang wala na talaga akong magagawa. Karma na lang ang magsusukli sa ginawang pagnanakaw niya sa akin at panloloko niya sa mga tao. Hindi na ako lalaban. At sana mangako ka na hindi mo gagalawin ang buhay ni Grandma. Aalis na ako.”Bilang sagot naman niya sa akin, tumingin siya sa malayo at napa-iling. “Hindi ka makakaalis ngayon Miss Dahlia. Inaasahan ni Miss Yuki na makausap ka pagkatapos ng ginagawa niya ngayon. Kaya kung maari pumasok ka na muna sa sasakyan, Miss Dahlia.”Umiling man ako pero alam kong hindi sasambahin ni Cedrick ang tugon ko. “Alam mo ang mangyayari kapag muli kaming nagkaharap ng bruhang yun.”“I am aware, Miss Dahlia. Rest assure na walang masamang mangyayari sa’yo habang nasa paligid mo lang ako.” At muling nilahad ni Cedrick ang kamay niya papasok sa sasakyan.Pumasok ako ng sasakyan at sumunod si Cedrick. Lumayo kami ng bahagyang sa gusali at napagdesisyunan na hintayin sa isang lumang gasulinahan si Yuki.Tahimik kaming naghihintay, a
Read more
Chapter 85
(Dahlia POV)Nanahimik nga si Cedrick. Pero ng magtama ang mga mata namin sa rear mirror, muli siyang napangisi.“Alam mo Miss Dahlia, wag na wag mong gagayahin ang boss namin sa ampon niyang kapatid na si Miss Yuki. Malayong-malayo sila sa isa’t-isa. Ginagawa niya ata ito dahil wala siyang mapaglaruan, kaya pinapatulan niya ang kagustuhan ng kanyang ampon na kapatid.” Diin ni Cedrick na isa ngang sampid sa pamilya si Yuki.“Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa nangyayari sa boss namin. Masyado na siyang nalilibang at nakakalimutan kung ano ang kanyang layunin. Kung maari ko lang wasakin ang mga pinagkakaguluhan niyang walang kwenta ginawa ko na. Ngunit ang respeto ko sa kanya ay mataas, kaya siguro medyo naiirita ako kapag sinisira mo ang pangalan ng boss ko dahil lang sa kagagawan ng walang utang na loob niyang ampon na kapatid.”“Kahit anong sabihin mo Cedrick hindi magbabago na manloloko at magnanakaw ang boss mo.”“Kung ang sinasabi mo ay tungkol sa pagkuha niya ng teashop sa gran
Read more
Chapter 86
(Dahlia POV)“Tss. Unang kita ko pa lang talaga sayo Miss Dahlia alam kong hindi kayo magkakasundo ni Miss Yuki, kahit pareho naman kayong mababang nilalang. Nakakatawa, heto ata ang nakikita ni Master Kai. Masyado niyo siyang binibigyan ng magandang palabas. Pero ng dahil sa dramang ito, nawawala din ang kanyang tunay na layunin sa mundong ito. Iniisip ko kung ano ang maari kong gawin, at kailangan ko pag-isipan ng maayos. Pero heto ang sasabihin ko Miss Dahlia, hindi maganda kung patuloy kayong dalawa mananatiling hindi magkasundo. Parehong mababang uring nilalang lang naman kayo. Tsk.”Hindi ko halos maintindihan ang sinasabi ni Cedrick ngunit sa kanyang mga mata walang halong biro ang kanyang mga sinabi.“Maari na ba akong umalis Cedrick?”“Nakabukas ang pinto Miss Dahlia.” Lahad niya ng kanyang kamay ngunit umiling ako sa kanya.“Kaya kong lumabas mag-isa.”Napangisi lamang ito sa akin.Lumabas ako, at tumalikod sa kanya.“Wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko.” Huli niyang sina
Read more
Chapter 87
(Dahlia POV)Nang makabalik ako sa hospital, ang nadatnan ko hindi ko inaasahang balita na ang buhay ni Grandma ay nasa piligro. Sa narinig ko parang mawawalan ako ng malay. Hindi ako pinapasok sa silid nito dahil abala ang mga doktor. Hindi ko nga halos marinig ang sinasabi ng dalawang assistant na pilit kinakalma ako.Ayos lang kanina si Grandma hindi ba? Walang makakapagsabi sa akin kung ano ang nangyari hangang wala pang lumalabas na doktor sa silid.Higit dalawang oras ako nanatili sa labas ng biglang bumukas ang pinto. Kaagad ako nagtanong kung ano ang nangyari, ngunit ang tanging naunawaan ko lamang ay sinabi ng doktor na ligtas na si Grandma.Nang maari na akong pumasok hindi na ako nag-alintana na dumiretso sa kinalalagyan ni Grandma. Walang malay, at ang mukha niya mayroong bakas na parang sinubok na naman siya ng tadhana. Sa aking pisngi namalayan ko na lamang na tumulo ang aking luha. May kung ano sa aking puso na tila ba dinudurog ako. Alam kong hindi ko kakayanin ang sak
Read more
Chapter 88
(Dahlia POV)Sila ang una kong pinagsalita sa harapan ng mga pulis, dahil alam kong hindi naman ako kaagad pakikingan. Hinayaan ko sila magsalita, kahit nga gustong-gusto ko na magsalita.“Wala kang pruweba sa mga ipinaratang mo kay Miss Yuki at dahil sa ginawa mo nailagay mo sa alanganin ang pangalan niya.” Napapatitig ako sa prosecutor na namamagitan sa amin. “At ang nagrereklamong si Miss Yuki may magandang ideya para masulosyunan ang problemang ito.”Nanatili akong tahimik ngunit parang matatawa na ako dahil sa titig pa lang ni Miss Yuki alam ko kung ano ang magandang ideya na sinasabi nila.“Para maging maayos ito, at wala ka namang maibabayad sa paninira mo ng pangalan ni Miss Yuki, mas makakabuting tangapin mo na lang na manilbihan ka sa kanya bilang katulong Ma’am Dahlia.” Napangiti ako. Di nga ako nagkamali.“Pagsisilbihan ko ang isang magnanakaw? Asa siya.” Matigas kong sinabi na ang titig ko kay Yuki.Nawala ang ngiting nagwagi ni Yuki sa sinabi ko, kundi napalitan ito ng
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status