All Chapters of The Desirable Impostor: Chapter 61 - Chapter 70
115 Chapters
The Unexpected Lover - Chapter 9
The Unexpected Lover - Chapter 9KUMBAGA sa telebisyon, tapos na ang mga patalastas kaya tuloy na naman ang telenobela.Nasa bahay pa ang kambal nang dumating siya. Hindi pa nag-a-almusal. Wala pa raw ang kanilang ina."H-hindi umuwi?" paniniguro niya."Hindi, ate. E, ikaw, ngayon lang umuwi?" usisa ng mga ito."Er, nag-overtime kasi ako," pagdadahilan niya."E, ba't sabi ni Joanna, isinama ka raw ni Inay sa pinagtatrabahuhan niya?" sabad ni Junior. Marami na itong nalalaman--at hindi nagugustuhan sa buhay nila kaya marahil malimit magluko at magrebelde."Hindi, Junior." Pinagmatigasan niya ang pagsisinungaling. Bata pa ang kapatid para makaintindi nang lubos."Uh, puwede bang ikaw na ang bumili ng tinapay? Joanna, nakapag-init ka na ba ng tubig?" Inabala niya ang mga kapatid para mawala ang atensiyon sa kanya.Ginising niya sina Bebot at Remi para maisabay sa pagkain. Salu-salo silang lima. Napagtanto ni Laurie na palag
Read more
The Unexpected Lover - Chapter 10
The Unexpected Lover - Chapter 10TUMINDIG si Marco nang makitang papalapit na si Laurie at ang weyter sa lamesa niya.Titig na titig siya sa babae. Napakalaki ng kaibahan nito sa nilalang na nakapiling niya sa nagdaang malamig na magdamag."Salamat," wika niya sa weyter habang inaabutan ng tip. Ipinaghila niya ng silya si Laurie.Naupo ito. Walang imik."Ano po'ng order n'yo, sir?" Hindi pa pala sila napapag-isa.Huminga muna nang malalim si Marco bago sumagot. Sinusupil uli ang pagkasabik na maghapong ginatungan ni Uncle Joe para manatili sa pagliliyab."Ladies drink at scotch on the rocks.""Pulutan po, sir?"Bumuntonghininga uli si Marco. "Tatawagin na lang kita kung gusto namin. Okay?"Naintindihan ng weyter na itinataboy na niya ito nang panlisikan ng kanyang mga mata. Halos kumaripas ito ng takbo palayo sa kanila."Sori, ser. Ihahatid ko po agad ang order n'yo, ser."Ibinalik niya kay Laurie a
Read more
The Unexpected Lover - Chapter 11
The Unexpected Lover - Chapter 11TULUYANG nasira ang gabing iyon nang hilingin ni Marco na magpunta sila sa tinitirhan nina Laurie, matapos ang tamilmil na pagsasalo nila sa masarap na hapunan.Hinayang na hinayang siya sa masasayang na mga pagkain kaya kahit na nahihiya ay hiniling niyang ipabalot na lang ang mga natira. Mas importante ang mga kapatid niya kaysa sa kanyang kahihiyan.Mabilis ang pagpayag ng lalaki pero may kondisyon pala."Ihahatid na natin ang mga 'yan sa inyo ngayon," wika nito.Mabilis rin ang naging pagtanggi niya. Walang gatol ang pagtutol na lumabas sa bibig."Hindi," tutol ni Laurie, sabay iling.Ano'ng iisipin ni Junior? Paano niya ipapaliwanag ang presensiya ni Marco? Magdududa na naman ang kapatid niya. Mawawalan na ito ng pagtitiwala sa kanya. Pati paggalang na siguro. Kapag nagkagayon, maliligaw na ito ng landas."I'm sorry, Marco," pahayag niya, halos pabulong. Gusto niyang palis
Read more
The Unexpected Lover - Chapter 12
The Unexpected Lover - Chapter 12 "HATINGGABI na naman, Laurie," bulong ni Marco sa gawi ng teynga ni Laurie. Nilinga niya ito para ngitian ng buong pagsuyo. "Nagiging paboritong oras ko na ito," dugtong pa niya. "Ako rin." Ngumiti rin sa kanya ang babae. "Hindi kaya naiinip na si Mang Nestor?" Bumadha ang pag-aalala sa maamong mukha. Bumangon siya, isinabay ang yapos na katawan ng dalawa. "Uuwi na talaga tayo ngayon," aniya, habang dinudukwang sa silya ang nakatumpok na mga damit nila. "Magbihis na tayo." Ayaw mang ipakita, halatang nahihiya si Laurie kapag nakatingin siya sa kahubdan nito. "You're a sweet woman," papuri niya habang kinukuha ang isang kamay nito para hagkan. Tinangka nitong bawiin ang kamay. "H-huwag--" pigil ni Laurie. Hindi bumitaw si Marco. Inilahad pa muna niya ang palad atsaka hinagod ng bibig ang mga kalyong naruroon. "Iniisip mong pangit ang mga kamay mo?" panghuhula niya. "Ang mga ito ang pinak
Read more
The Substitute Bride - Chapter 1
The Substitute Bride SYNOPSIS Will you let a man marry you under false pretenses? What if the bridegroom discovered your fraudulent behavior and punished you for life? Will you let your heart fall in love with your husband by mistake? Pagkakataon nang magbago ng kapalaran ni Zoe nang pilitin siyang dumalo sa kasal ng pinsang si Zilla bilang fake bride. Ngunit hindi ang suwerteng makakamtan ang naging dahilan kung bakit pumayag siya. Duwag kasi siya. Lumaking sunud-sunuran at takot sa kanyang maganda at dominanteng pinsan si Zoe. Kaya naman kahit mali, napasunod pa rin siya sa utos na magpanggap siyang si Zilla sa araw ng kasal nito kay Jamiro. Ngunit tila mas nakakatakot magalit si Jamiro. Paano na kapag natuklasan ang panloloko ni Zoe? Makayanan kaya niya ang mabigat na parusang ipapataw sa kanya? *     *     * The Substitute Bride - Chapter 1 Itinutok ni Jamiro ang largabista sa
Read more
The Substitute Bride - Chapter 2
The Substitute Bride - Chapter 2 Nagkamali ang ekspektasyon ni Zoe. Umuwi pa rin si Zilla sa kinamumuhiang kubo tuwing hapon. Kaya gayon na lang ang pagmamaktol ng pinsan. Kapag ganito ang lagay ng 'panahon', sa loob ng pamamahay, naglalagi si Zoe sa bukal o kaya ay sa kapilya. Nagpapaturo siya at ang ilang kabataan ng pagbabasa at pagsusulat sa butihing kura paroko. Libre ang serbisyong ito ng matandang pari ngunit nakalulungkot pa rin dahil kaunti lamang ang nais matuto ng kaunting edukasyon. Kusang-loob ang pagpunta niya sa pagamutang nasa likod ng kapilya para kumandili sa mga maysakit na nanduroon. Kumbaga, ipinapalit niya ang ilang oras niya sa panahong inaamot nila sa paring guro. Lumipas pa ang mga araw. Napansin niyang may ipinagbabago na ang pag-uugali ng kanyang pinsan. Palagi na itong napapangiti kapag inaakalang nag-iisa at walang nakakakita. Hindi na pati siya malimit singhalan. Minsan nga, kinakau
Read more
The Substitute Bride - Chapter 3
The Substitute Bride - Chapter 3 Magmula nang masaksihan ni Zoe ang eksena ni Zilla at ng makisig na lalaki, lihim na niyang minamanmanan ang pinsan. Hindi dahil ibig niyang mag-usyoso. Kuryosa siya pero hindi para makialam. Nag-aalala rin siya. Naging malulungkutin na naman kasi ang pinsan kapag nasa bahay. Palagi na namang malalim ang iniisip. Si Tiya Pura naman ay palaging wala sa bahay. Nalululong na nang husto sa pagsusugal. Kaya naiwan kay Zoe ang responsibilidad na dapat ay sa ina ni Zilla. Napuna na niya ang pangangayayat at pangangalumata ng dalagang kasambahay. Nagdaan ang isang linggo. Walang naging pagbabago. Natagpuan na lang niya ang sarili na hindi na makakatiis. Naglakas-loob siyang lapitan si Zilla para kausapin. Ngunit nang nasa harapan na siya nito, nawalan naman ng laman ang kanyang utak. Tumalikod na lang uli siya bago mahalata ng pinsan ang pag-aalala sa anyo niya. Mabuti na lang pala, nagh
Read more
The Substitute Bride - Chapter 4
The Substitute Bride - Chapter 4Magdamag na nagpa-asikaso ang lasing. Ilang ulit siyang naglabas-masok sa kani-kanilang silid upang tugunin ang mga hiyaw at daing ng tiyahin.Bandang huli, nanatili na lang siya sa tabi ng kama nito. Doon na siya nagtukatok hanggang sa mag-umaga.Nang magising siya, hindi kataka-takang nanlalambot at nananakit ang buong katawan niya.Napaungol siya nang may yumugyog sa kanya. S Tiya Pura pala. "Pahingi nga ng kape," utos nito. "Atsaka, gamot. An'sakit ng ulo ko!"Pinilit niyang kumilos nang maliksi kahit na nangingimi ang mga paa. Paika siyang lumabas sa kusina.Groge pa siya. Nang madaanan ang pinto ng pinsan, awtomatikong hinawi ng isang kamay niya ang kurtinang tabing niyon.Umuwi kaya si Zilla kag--Biglang napalis ang antok ni Zoe. Natutop niya ang bibig. Sumulyap siya sa orasang nasa dingding ng sala. Malapit na ang takdang oras ng pagpunta niya sa mansiyon!Nataranta siya
Read more
The Substitute Bride - Chapter 5
The Substitute Bride - Chapter 5Napalis ang iba pang alalahanin sa utak ni Zoe nang mapag-isa na sila ni Jamiro. Dinala siya nito sa isang malaking silid-tulugan na napakarangya ng mga kagamitan at dekorasyon sa palibot nito.Gusto na niyang malula. Gusto na niyang isipin na isang panaginip lamang ang lahat ng mga nangyayari sa kanya.Pinigil ni Zoe ang matinding antok na nararamdaman. Puyat siya kagabi sa pagbabantay sa Tiya Pura niya.Kaya parang liyo ang utak niya. Hindi siya makapag-isip ng malinaw. Hindi niya alam kung paano ang gagawin para makaiwas sa nalalapit na kulminasyon ng kasal nila ng lalaking napangasawa.Nakatanaw siya sa malawak na tanawin ng mangasul-ngasul na langit at dagat habang nakatayo sa harap ng bintanang salamin na animo higanteng kuwadro sa disenyo.Makapigil-hininga ang nasaksihan niya.Isa pang dibersyon para maligaw ang mga isiping dapat ukilkilin habang may kaunti pang panahon na natitira bago sumapit
Read more
The Substitute Bride - Chapter 6
The Substitute Bride - Chapter 6Agad na bumalikwas ng bangon ang lalaki, matapos gumulong palayo sa kanya.Hindi naman makakilos sa Zoe. Nanlalata siya. Nananakit ang katawan niya.Wala siyang nagawa kundi ang mamaluktot, pagkatapos hilahin ang kumot na pantakip sa kahubdan.Maliksing nagpantalon ang lalaki. Nang humarap ay enigmatiko na ang ekspresyon. Isa na namang estranghero."Magbihis ka, Zoe," utos nito. Blangko ang tono. "Mag-uusap tayo."Parang gustong maiyak ni Zoe ngunit tuyung-tuyo ang mga mata niya. Pinilit niyang ibangon ang sarili. Hinanap ng kanyang mga mata ang bestida. Ni hindi na niya natandaan kung paano nahubad sa kanya iyon.Si Jamiro ang dumampot ng puting kasuotan sa sahig. Iniitsa iyon sa kanyang tabi."Kailangan mo ng tulong?" Tila pauyam ang tono nito.Yumuko siya bago umiling. Itinago sa gulu-gulong buhok ang namumulang mukha.Nanginginig
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status