All Chapters of The Desirable Impostor: Chapter 71 - Chapter 80
115 Chapters
The Substitute Bride - Chapter 7
The Substitute Bride - Chapter 7"I-iyan ba ang parusa?" Iyon ang unang pumasok sa isip niya para sabihin.Kumunot ang noo ni Jamiro. Tila nag-isip muna bago tumugon. "Hindi ka na makakaranas ng hirap dito, Zoe. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat."Naniniwala siya sa pahayag na iyon. Napakayaman ng lalaking ito. Ngunit--Ngunit ano?Sigurado bang magiging masaya siya? Hindi siya mahilig sa materyal na bagay. Pinalaki siya ng mga magulang sa paniniwalang ang pagmamahal lamang ang pinakamahalagang sangkap upang maging maligaya..."M-mahal mo ba si Zilla?" Bigla na lang numulas sa bibig niya ang katanungang iyon."Hindi."Napamaang si Zoe. "Bakit mo siya ginustong maging asawa?""Gusto ko na kasing magkaroon ng mga anak. At inakala kong siya ang babaeng--" Napahinto ang lalaki. Tila may naalala. "Pero hindi na siya mahalaga ngayon. Ikaw na ang babaeng gusto ko."Napakurap si
Read more
The Substitute Bride - Chapter 8
The Substitute Bride - Chapter 8Natutop ni Zoe ang tapat ng dibdib. Parang sasabog na kasi sa sobrang tensiyon. Wala siyang maisip para sabihin."A-ano'ng gagawin mo sa kanila?""Wala."Hindi siya makapaniwala."H-hindi ka nagagalit sa kanila?""Bakit ako magagalit sa kanila? E, nandito ka naman?" Tila hindi nga nagagalit si Jamiro dahil masuyo pa ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya.Napamaang si Zoe. "P-pero si Zilla ang gusto mo, hindi ba? Magkaiba kami, Hindi ko puwedeng palitan ang puwesto niya.""Maniwala ka, Zoe, puwedeng-puwede dahil--" Napahinto si Jamiro. Tumikhim ito bago nagpatuloy. "Huwag na nga natin silang pag-usapan. Ano na ang pakiramdam mo? May hangover ka ba? Hindi na kita ginising kagabi para maghapunan dahil mahimbing ang tulog mo."Namula ang mga pisngi ni Zoe dahil naalala niya rin kung bakit napagod siya nang husto.Paulit-ulit siya
Read more
The Substitute Bride - Chapter 9
The Substitute Bride - Chapter 9Nagsimula ang pagbabago sa kanilang relasyon ni Jamiro, matapos ang pag-uusap na iyon.Inukilkil siya ng paniniwalang panakip-butas lang siya. Na si Zilla ay mahal pa rin ni Jamiro, kahit na ayaw aminin.Paano'y naging kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng asawa. Maghapon itong nakakulong sa pribadong silid nito.At bihira na itong sumiping sa kanya sa gabi...Naging mabagal at kabagut-bagot ang pagdaan ng mga araw. Para siyang nakabitin sa isang limbo. Natatakot sa paglipas ng dalawang linggong taning.Isang umaga, sinaluhan siya ni Jamiro sa almusal. Imbis na matuwa, nanlumo siya.Dumating na ang sandaling kinatatakutan niya!"Magandang umaga, Zoe," bati nito habang hinahagkan ang noo niya. "Magsisimula ka pa lang ba?""M-magandang umaga rin, Jamiro." Pinilit niyang maging magaan ang tono. "Er, oo. Uh, pasensiya ka na. Para sa isa lang a
Read more
The Substitute Bride - Chapter 10
The Substitute Bride - Chapter 10 Natakot siyang sagutin ang tanong na iyon kaya nagdumali na lang na lumabas ng silid. Narinig agad ni Zoe ang mga tinig na masayang nag-uusap sa sala. Nag-alangan siyang tumuloy sa paglabas, ngunit hindi siya maaaring magtago na lang sa kuwarto. Nagpakatatag siya at nagpatuloy sa paghakbang palabas. Habang pilit na sinisino ang mga nag-uusap. Nakilala agad niya ang boses ng asawa. Iyon ang nagdagdag sa lakas ng loob niya. May mga boses-matanda, kaya nahulaan niyang dumating na ang mga magulang ni Jamiro. Inaasahan niyang tatlo lamang ang madadatnan sa maluwang na sala. Kaya napapatda siya nang mamataan sina Zilla at Larry. Nakapagitna ang pinsan sa magkapatid. Pero kapansin-pansin na mas malapit ito kay Jamiro dahil nakapahingalay sa pagkakaupo sa mahabang sopa. Nakita rin siya agad ni Zilla. Ngunit sa halip na ipaalam sa iba na dumating n
Read more
The Substitute Bride - Chapter 11
The Substitute Bride - Chapter 11Mataas na ang araw nang magising siya kinabukasan. Hindi na siya nagulat nang makitang wala si Jamiro sa tabi niya.At hindi rin siya nanamlay na katulad ng ibang mga naunang umaga. Parang napalis ang lahat ng mga agam-agam niya kagabi.Masaya ang pakiramdam niya hanggang sa lumabas ng silid. Bagong ligo siya at naka-casual attire. Dilaw at pula ang shorts and blouse niya bilang ekspresyon ng nadarama.Nabawasan nang kaunti ang kasiyahan niya nang madatnan si Zilla sa kumedor. Maasim ang mukha nito, pero mas maasim ang kay Aling Tikang. Bahagya na lang nitong natitimpi ang pagdadabog habang pinagsisilbihan ang aroganteng bisita.Pasikreto siyang ngumiti sa matandang katiwala. Inihihingi ng paumanhin ang pinsan.Tumango ng isa si Aling Tikang. Tila naalo naman. "Magandang umaga, Ma'am Zoe." Magiliw at magalang ang tono nito. Pati ang ngiti."Er, magandang
Read more
The Blind Heart - Chapter 1
The Blind HeartSYNOPSISAmpon lang si Fabienne, at alam iyon ng pinsan niyang si Desiree. Kapag hindi siya sumunod sa utos nito, itatakwil siya. Ang utos ay linlangin ang nobyo nito na nabulag sa isang aksidente, si Rhys.Sumunod sa utos si Fabienne kahit na mababa ang porsiyento na magtatagumpay siya!*     *     *The Blind Heart - Chapter 1"Fabienne, tawag ka na ni Desiree!" Ang pabulyaw na wika ni Aling Martha sa kanya. Kumakaway pa ang hawak na sandok nito sa kisame habang nandidilat ang mga mata. Walang kangiti-ngiti ang kusinera na sadyang masungit. "Magdala ka rin daw ng orange juice!"Gayunpaman, nakangiting tumugon si Fabienne. "Opo, Aling Martha. Susunod na po ako doon," ang malumanay na tugon niya. Pagod pa siya dahil kagagaling lang sa school, pero wala siyang magagawa dahil ka-ranggo na siya ng mga katulong kahit na kanya ang bahay at lupang kinaroroonan nilang lahat. 
Read more
The Blind Heart - Chapter 2
The Blind Heart - Chapter 2Nawalan ng saysay ang mga protesta at mga pakiusap ni Fabienne nang makabawi siya ng kaunting wisyo. Her mind was still reeling from utter shock, when she found herself standing outside an expensive-looking hospital.Muntik pa nga siyang mabuwal nung una dahil halos ipinagtulakan siya ni Desiree pababa ng sasakyan na ito mismo ang nagmaneho."Wala kang gagawin kundi ang lumapit sa pasyente. Manatili ka ng ilang minuto sa tabi ng hospital bed. Pagkatapos, puwede ka ng umalis. Ano ba ang mahirap d'on?" ang mataras na pahayag nito habang patungo sila doon.She was still feeling numb. Wala siyang maapuhap na lakas ng loob na sumalungat. Nagmistulang blangkong papel ang kalooban at isipan niya."Chances are, baka unconscious pa rin siya hanggang ngayon," her cousin continued nonchalantly. "Tinawagan ko ang ospital kagabi. Gan'on pa rin ang condition niya. Walang pagbabago. Poor
Read more
The Blind Heart - Chapter 3
The Blind Heart - Chapter 3Maituturing na isang suicide ang pasiya ni Fabienne na lisanin ang dati ay masayang tahanan niya at ng yumaong mga magulang. Alam niyang mawawalan na siya ng puwang sa bahay na iyon sa sandaling umalis siya.Ngunit wala na naman siyang ibang opsyon dahil isa nga lang siyang ampon. Wala siyang karapatan doon.Ang pag-aaral naman niya ay wala nang pag-asang matapos pa niya. She was literally a penniless orphan now. Ang savings niya na kanyang tinitipid-tipid ay papaubos na.At ang insurance money naman na inaasahan niyang magiging pantustos ay nakubra na pala ng kanyang mga tiyahin.That fact was revealed to her yesterday when she made a follow-up call to the insurance office.Nanlumo siya nung malaman niya na wala na pala siyang magiging panggastos dahil siguradong hindi siya tatanggap ng sahod na katulad ng mga katulong nila sa bahay.Kaya ang isubo ang sarili
Read more
The Blind Heart - Chapter 4
The Blind Heart - Chapter 4"KUU, tigilan mo nga 'yang pagdududang 'yan, Iska. Mamaya mo n'yan, marinig ka ni Sir Rhys. Hala ka, mapapagalitan ka lang n'on. Kung may dapat na magduda, siya 'yon. Ab'e, sila ang magnobyo, a? Malalaman agad ni Sir kung peke ang nobya niya. Disinsana, hindi na isinama 'yung babae dito?" ang mahabang pahayag ni Mang Dolfo."Ab'e, bulag si Sir Rhys, a? P'ano niya malalaman na hindi si Ma'am Desiree 'yung babae?" bawi ni Aling Iska."Naku, pairalin mo nga sa tama 'yang dumi ng utak mo, Iska. Kapag ba humahalik, e, nakamulat ka? Hindi ba't nakapikit? O, e, di parang bulag ka na rin," pamimilosopo ng matandang lalaki, pagalit na. "Naku, tigilan mo na nga 'yang kadududang 'yan. Baka marinig pa tayo ni Sir Rhys. Kawawa naman 'yung tao kung mabibinat pa sa kunsumisyon sa atin.""Naku, tama ka nga siguro, Dolfo. Marumi nga lang siguro ang utak ko," wika ni Aling Iska. Tila nakumbinsi na.
Read more
The Blind Heart - Chapter 5
The Blind Heart - Chapter 5Fabienne spent the next few but long hours in suspense. Hindi na nga uli lumabas ng silid-tulugan si Rhys, matapos itong magpahatid kay Mang Dolfo.Magtatakipsilim na nang magkalakas-loob siyang hanapin si Aling Iska para kausapin. Ngunit nabigo siya dahil marami itong mga kasama habang abala sa pagluluto sa kusina.Minabuti niyang magtungo na lang sa kanyang kuwarto upang doon magpalipas ng pagkabalisa.Naligo siya sa primitibo ngunit kumpletong banyo. Bagama't pulos sawali at sementado lang ang dingding at sahig niyon, mayroon namang shower at gripo sa munting lavatory sink.Fully-stocked din ang bathroom cabinet sa mga bagong sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush. May linen cabinet rin na kumpleto sa mga tuwalya, bimpo at mga roba.May kaya ang kinagisnang pamilya ni Fabienne pero alam niyang wala sila sa kalingkingan ni Rhys. Sa kotse pa lamang nito ay talagan
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status