All Chapters of Revenge of the Wife: Chapter 41 - Chapter 50
73 Chapters
Chapter 41
"EXCUSE ME! Huwag ka ngang paharang-harang sa dinadaanan ko! Weirdo na nga, tanga pa!""Ano ba! Mag-iingat ka naman! Nanadya ka ba? Tanga-tanga nito!""Huwag kang tatanga, nakakabunggo ka na ng tao, oh!""Geek na nga, lampa pa!""Nakakadiri ka! Ayusin mo naman kaya iyang pananamit mo, badoy!""Badoy, badoy mo! Anong year ka ba pinanganak at ganyan ang mga sinusuot mo? Old fashoined.""You look like a pulubi in the kalye! Nakakairita kang tingnan, alam no 'yun?"Ilan lamang iyan ang mga naririnig kong reklamo mula sa mga kapwa kong estudyante na aking nakakabunggo sa pagdaan ko sa hallway. Sa tuwing sinisigawan nila ako panay lamang ang aking yuko.Hindi ko na lamang iniintindi ang kanilang mga sinasabi sa akin. Ang ilan sa kanila ay binubunggo ako, kung kaya't hindi ko maiwasang mapadapa sa daan.Inayos k
Read more
Chapter 42
MALAMIG NA TITIG ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa isang mamahaling silid. Hindi ko alintana ang aking mga kasamahan na may kaniya-kaniyang sariling mundo. Inilapag ko ang aking atache case sa aking pribadong lamesa at agad iyong binuksan. May kinuha akong ilang bagay doon na importante saka ko inilagay sa bulsa ng aking polong suot at pantalon. Maging sa sapatos ay naglagay rin ako. Ngising-ngisi ako nang magsimula na akong maglakad patungo sa kinaroronan ng matanda. Agad na sumalubong sa akin ang malalim at malamig niyang mga mata. Suot nito ang makapal na salamin na para lamang sa mga  matandang hindi na nakakakita.Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya akong diretsong umupo sa couch na nasa kaniyang harap. I don't have a time to respect him. Wala ako ngayon sa mood, lalo pa't binulabog niya ang pagtulong ko. Napatingin ako sa taong pumasok at agad na sumalubong sa akin."Akala ko hindi ka na darating," wika nito haban
Read more
Chapter 43
INOSERBAHAN ko ng mabuti ang bangkay ni Mister Caline mula ulo hanggang paa. Walang kakaiba sa kaniyang katawan at maging sa kaniyang balat. Pinagmasdan ko ito ng maigi at pinakatitigang mabuti. Wala nang ibang kapansin-pansin maliban sa nangingitim na nitong balat dahil sa epekto ng lason sa katawan nito.Humakbang ako papalapit sa aking atache case at binuksan ito ng may buong pag-iingat. Mahirap nang mapansin ako ng aking mga kasamahan. Walang ibang ini-utos sa amin si Lolo, maliban lamang sa oobserbahan lamang namin ang bangkay. At ang pina-plano kong gawin ngayon ay taliwas sa utos niyang 'yon.Sorry but not sorry, Lolo Borge Hedalgo. Kinuha ko ang dala kong reserbang syringe sa aking atache case at itinurok ko agad sa malamig nang katawan ni Mister Caline. Umangat ang sulok ng mga labi ko nang may makitang dugo sa loob ng hawak kong syringe.Agad kong inayos ang aking kagamitan nang mapatin
Read more
Chapter 44
"BALITA KO may gagawin ka raw mamayang gabi? Ano na naman ang kagaguhan mong pina-plano, Laird? Hanggang ngayon ba naman hindi ka parin nagbabago? Ano na lamang ang sasabihin nila tita at tito, sa'yo?"I just smirk when I heard again the voice of my long bestfriend. It's irritating lalo pa't nagsisimula na naman siya sa panenermon nito. Hindi na nakakatuwa minsan kung alam niya lang. I sip a coffee from my mug before I stare at her. "Wala akong pina-plano, Miona. Masyado ka talagang advance mag-isip. Kaya tigilan mo na ang kakasermon sa akin, hindi na nakakatuwa."Tinaasan niya ako ng kilay gaya ng mga ginagawa niya simula noon. "Ang sabihin mo ayaw mo na naman tanggapin ang katotohanan, hanggang kailan ka magpapaka-bayani? Hanggang sa ikaw na ba ang malagay sa panganib?""Pwede ba pakihinaan ang boses mo? Baka may makarinig sa sinasabi mo, Miona."Natigilan ito dahil sa aking sinabi at nagpalinga-linga sa paligid. I sigh, like how was before
Read more
Chapter 45
ISANG IGLAP nawala ang lahat. Sa paghahanap ng katotohanan nalalagay ang buhay ng isang tao sa panganib. Isang paghahangad na malaman ang katotohanan, ay may nagbuwis ng buhay para lang sa kaligtasan ng lahat. Isang pinakamagaling na detective sa aming grupo.Bang! Bang!Hindi pa nakontento ang salarin sa pagbaril ng isa kundi tinatlo pa niya. Uminit ang ulo ko saka binunot ang aking baril na nasa tagiliran ng aking bewang. Halos kaming lahat ay nakahanda na sa maaaring mangyari. Napadako ang aking tingin sa duguang bangkay ni 704.Hindi ko alam ang aking gagawin. Nagdadalawang isip ako kung ano ang aking uunahin. Ang duguang katawan ni 704, o, ang hanapin kung sino ang nagpaputok ng baril mula sa labas.Sa huli, napagdesisyunan kong isukbit muli ang aking baril sa bewang at lumapit sa katawan ni 704 na ngayo'y nag-aagaw buhay."Shit! This is not happening," I mumbled.
Read more
Chapter 46
INIHATID NG ISA naming kasama na si 702, si Miss Jennifer sa burol ng Ama nito. Naiwan kaming apat sa mansyon. Hanggang ngayon hindi ko parin maiwasan ang mapa-isip ng malalim dahil sa mabilisang pangyayari ngayong gabi. Halos sasabog na ang ulo ko sa kakaisip ng dahilan at scenario na sasagot sa kasong ito. Kahit kailan hindi kami pumalpak at naisahan, ngayon lang ito nangyari. May mali. May mali sa lahat nang 'to. Iyon ang kailangan naming pag-aralan at pagtuonan ng pansin. Nagsimula na akong humakbang papunta sa aking kotse na nakaparada sa garahe ng magpamilyang Caline. Umismid ako nang sumunod sa 'kin ang aking nga kasamahan. "Nasaan ang kotse niyo?" Tanong ko sa kanila."Nakisabay lang kami kanina kay 701. Pero dahil wala siya ngayon dito, sa'yo na kami sasabay," mabikisang sagot ni 706. Umiling ako saka pumasok na sa kotse ko. Wala na akong magagawa pa kundi hayaan na lamang silang pumasok sa kotse ko. Ta
Read more
Chapter 47
PINAKATITIGAN KO ng mabuti ang litratong ibinigay sa akin ni Miona . “Anong meron dito?” taka kong tanong sa kaniya na siyang ikinataas niya ng tingin sa akin. Inilapag ko sa mesang nasa harapan namin ang litrato.Tumingin-tingin siya sa paligid bago niya sinagot ang aking tanong., “Di ba sinabi mo sa akin na kailangan mo mahanap ang totoong suspect na pumatay kay Mister Caline, iyan na iyon Laird. Makakatulong ang litratong iyan. Ayon sa aking source na nakuha, isa raw iyang matinding kalaban dati ni Mister Caline sa negosyo, at dahil nga  naunang umunlad si Mister Caline. Poot at inggit ang nangibabaw sa puso ng kaibigang iyan ni Mister Caline.”Napahilot ako sa aking sintido dahil sa sinabing iyon ni Miona. Tinitigan ko siya ng masama. “Hindi mo kailangang gawin ito Miona, mapapahamak ka lang. Kung ayaw mong mapa-aga at mapa-bilis ang pagpapaalam mo rito sa mundo. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikap
Read more
Chapter 48
MALAKAS na ihip ng hangin ang bumalot sa buo kong katawan nang bumaba ako ng aking kotse. Sa buong pagkatao ko ngayon lamang ako nakaramdam ng pagkasabik at pagkalinga sa pagmamahal ng isang magulang. Ni minsan hindi ko manlang naramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Mas lumaki kasi ako sa poder ng Lolo at Lola ko na wala sila. Sa mga oras na kailangan lang nila akong makita doon lang nila ako pupuntahan sa Hedalgo Shrine. Bibisitahin at sesermunan sa lahat ng mga kasalanan at kapalpakan kong ginagawa.Sa pagdadala ko ng kahihiyan sa kanilang angkan. Its hurt yet its nice. Iyon ang dahilan kung bakit ako ngayon ganito. Kung bakit ako naging isang agent at bigyan ng hustisya ang mga taong namatay na walang kalaban-laban. Naging ganito ako dahil sa mga magulang kong matagal na akong itinatakwil at isinusuka ng kanilang mga puso at pag-aaruga. Simula bata palang hindi ko na ramdam ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa akin bilang anak. Mas mahal nila ang kanil
Read more
Chapter 49
ILANG ARAW ang lumipas bago ang tagpong nangyari sa Hedalgo Shrine at balik ulit ako sa aking trabaho. Sinalubong agad ako ni Lolo pagkapasok na pagkapasok ko sa aming hide out. “How’s my grandson? Kamusta ang pagkikita niyo ng mga magulang mo?”Napangisi ako nang marinig ang tanong sa akin ni Lolo. “Nothing change, Lo. Pareho pa rin ng dati,” tamad kong sagot rito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gusto ko ngayong lokohin ito.Ganoon na lamang ang halakhak nito na pumuno sa buong silid dahil sa aking sagot rito na siyang aking ikinailing. “Hindi mo ako ulit maloloko, 707. Tinawagan ako kagabi ng mama mo. At hindi niya maipaliwanag ang saya niyang nararamdaman nang ibalita niya sa akin na nagkabati na kayong tatlo.”Napailing-iling ako. “Nauna pa pala si Mama na balitaan ka,” natatawa ko ring litanya.Umupo ito sa swivel chair saka seryoso
Read more
Chapter 50
“SA NGALAN ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo—”“707, 703, 705 at 701 may mga armadong kalalakihan ang dumating sa hindi kalayuan. Sakay sila ng itim at abong kotse malapit sa isang malaking puno sa kaliwa sa inyong harapan.” Umigting ang aking panga nang marinig ang sinabi sa kabilang linya ni 702.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuang lugar at napatigil ang aking mga mata sa malaking puno sa hindi kalayuan. Hinanap ko ang itim at abong kotse na kakarating lang doon.“Humanda kayo, 703, 705 at 701 marami ang kalaban natin,” bulong ko sa aking mga kasamahan na tulad ko ring nakatingin sa aking tinitingnan.Ngumisi ako nang mabilang ko kung ilan ang kalaban namin lahat. Dalawampu’t dalawa sila, napatingin ako kay Lolo nang sikuhin niya ako. Alam kong sinasabi niya rin sa akin na nakita niya na ang nakikita ko. Kahit gaano pa kami kahanda sa ganit
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status