All Chapters of Bidang Kontrabida: Chapter 21 - Chapter 30
49 Chapters
JEALOUS
Chapter twenty"So, guys, malapit na ang bakasyon. Anong plano niyo?!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin. Napa-iwas ako ng tingin sa mga kaklase kong sinisigaw na kung saan sila pupunta ngayong bakasyon. Talagang nawala sa isip ko ang bagay na 'yan kaya wala pa akong plano. Wala rin naman akong balak puntahan pero alam kung kakaladkarin na naman ako ni Farrah kung saan siya pupunta.Naalala ko si Cin. Parati kaming magkasama pero hindi namin napag-usapan ang tungkol doon. Pareho ata kaming nakalimot dahil sa mga pinaggagagawa namin kapag may oras kami. Puro lang kami labas, pasyal, gala, kain. Kung saan-saan na nga kami napapadpad kapag weekends. Kahapon nga sinama niya ako sa barber shop at ako ang pinapili niya kung anong babagay na gupit sakanya. Pagkatapos no'n, nag grocery din kami, kuha ako nang kuha habang siya, balik nang balik. Pinagsasabihan niya ako na hindi raw 'yon healthy. Nakanguso lang ako hanggang sa matapos kami. Dumiretso ri
Read more
MAD
Chapter twenty-oneMabilis na lumipas ang araw. Naging busy kami bago dumating ang bakasyon. Halos hindi na kami magkita ni Cin dahil sa practice niya at mga projects ko.Nang dumating ang laro nila, syempre nandoon ako at hindi ko inaasahang naroon din si Vicky na walang ibang ginawa kundi magpa-cute pero ang lalaking nilalandi niya, sa akin naman nagpapalandi. Kaya ngiting-ngiti lang ako at todo sigaw sa pangalan ni Cin hanggang sa manalo sila.Napapansin ko ang mga ginagawa ni Vicky para mabaling ang atensyon ni Cin sakanya pero hindi naman ako nangangamba. Naniniwala ako sa sinabi ni Cin sa akin. Naniniwala ako sakanya.Isa-isa kong tinignan ang mga gamit na nasa loob ng bag ko at baka may nakalimutan pa akong dalhin. Nang makitang maayos nang nakalagay sa loob ang mga swimsuit ko, nakangiti ko na 'yong sinara at hinanda ang sarili. Nakangiti akong humarap sa salamin. Ngayon lang ulit ako magbabakasyon na hindi naiinis o napipilitan. Parati akong badm
Read more
CONFUSED
Chapter twenty-two"Ano 'yon, Amber? Nagseselos ka?" Nakangising tanong ni Farrah."Hindi. Pagod lang talaga ako kaya 'wag mo na nga akong kausapin. Kailangan kong magpahinga."Mabilis akong naligo at inayos ang sarili para matulog. Hindi niya pa ako tinigilan sa pang-aasar kaya sinamaan ko siya ng tingin at umaktong ihahampas sakanya ang unan pero tumawa lang siya.Nasa iisang kwarto lang kami ni Farrah habang magkasama naman ang tatlong lalaki sa kabilang kwarto. Mag-isa naman ang bruha sa kwarto niya.Pinikit ko ang mata pero nakakainis na mukha ni Vicky ang nakikita ko. Dumapa, tumagilid, tumihaya na'ko pero talagang hindi ako mapakali. Sinabunutan ko na ang buhok at paulit-ulit na sinuntok ang unan.Papunta na sana sa banyo si Farrah nang matigil siya at gulat na napatingin sa akin dahil bigla na lang akong napa-upo."Nakakainis! Bakit ba kasi nandito ang babaeng 'yon, Farrah?!" Sigaw ko at sinabunutan ang buhok. "Pumasok ka na n
Read more
KID
Twenty-threeNang lumabas ako ng banyo, hinahanda na ni Cin ang pagkain sa mesa. Tumabi agad ako sa kanya at tahimik siyang pinagmasdan habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Pagkatapos niya akong asikasuhin, kumain na rin siya. Bumaba ang tingin ko sa mga hipon. Hindi marunong magbalat si Vicky ng mga 'to. Kailangan niya pa ng tulong ni Cin."Cin." "Hmm?""Si V-Vicky.. m-maayos na ba siya?" Masyadong mahina ang boses ko kaya para na akong bumubulong.Nilunok niya muna ang kinakain bago tumango. "Oo. Okay na siya. Sila Kajik ang naghatid sa kanya sa kwarto kasi hinanap agad kita kanina. Akala ko, naiwan ka sa dagat." Nguso niya. Pinitik niya ng mahina ang noo ko. "'Di ka nagpaalam sa akin."Nakangusong hinimas ko ang noo at sumubo. Tumikhim siya. "Alam ko, hindi kayo magkasundo. Hindi ko man lang sinabi sa'yo na sasama siya. Hindi ako nagpaalam. I'm sorry."Uminom ako ng tubig."
Read more
ALEXANDRIA
Chapter twenty-four"Anong pangalan mo?" Mahinahong tanong ni Cin sa bata. May ngiti siya sa labi habang nakatitig dito."I'm Alexandria po! I'm six." Pinakita niya pa sa amin ang kamay niya.Pagkatapos niyang uminom ng tubig, ginamot ni Cin ang sugat niya sa tuhod. Iyak siya nang iyak sa braso ko kaya kahit nandidiri ako sa sipon niyang dumidikit saakin, 'di ko na lang tinulak palayo. Magkatabi pa rin kami sa duyan habang marahan niyang ginagalaw ang paa. Nasa tapat naman namin si Cin at naka-upo sa buhangin."Please po, gusto kong mag pasyal. Ayoko pa mag go home." Nguso niya sa amin habang umiiling-iling.Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Cin bago ko tinuon ang pansin ko kay Alexandria na pinagdikit pa ang mga palad. Nakikita ko ang takot sakanya. "Bakit? Pwede mo namang isama ang mommy mo." Sabat ko.Umiling siya at malungkot na ngumuso. "No po. Wala akong mommy. Wala rin akong daddy..."Napasi
Read more
CARE
Chapter twenty-five"Putangin—" Agad ko siyang siniko nang akma siyang magmumura. Pinanlakihan ko siya ng mata at nginuso si Alexandria na pumapalakpak na nanonood sa Kuya Pogi niyang galit na galit na sa kakabaril sa mga laruang nasa estante.Marahas na bumuntong-hininga si Cin at mas ginulo ang buhok niya. Kanina pa kami naghihintay dito na matapos siya. Noong una, hindi siya nakatama kaya pinagbigyan namin sa pangalawang pagkakataon pero umabot na ata kami ng dalawang oras kakaantay, wala pa ring nangyayari kaya kating-kati na akong umalis. Ako lang, kasi nag-eenjoy naman ang Alexandria kaka-cheer sa frustrated na niyang Kuya."May daya ata 'to, eh?!" Inis na turo niya sa lalaking nagbabantay na umiling-iling lang.Hinampas ko nga sa balikat. "Tumahimik ka nga. May daya? Baka ikaw 'tong hindi marunong. Akina nga 'yan!" Maarte kong inagaw sa kanya ang baril at hinawi muna ang buhok.Napatigil naman ang lalaking nagbabantay at n
Read more
FEELINGS
Chapter twenty-six"Magiging maayos lang siya. Ano ka ba, 'wag ka ngang masyadong mag-isip." Nakakapit ako sa braso ni Cin at nakasandal naman ang ulo sa braso niya habang nag-lalakad pabalik sa hotel namin. Iniisip ko pa rin kung anong mangyayari kay Alexandria. Kung anong klaseng disiplina ang gagawin sakanya ng babaeng may masamang ugali. "Paano ako hindi mag-iisip? Nakita mo ba kanina, galit na galit ang babae, Cin! Pwede niyang saktan si Alexandria!" Singhal ko.Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako sakanya."Nag-aalala ang mommy? Edi, gagawa ng paraan ang Daddy para hindi masaktan ang Baby." Ngisi niya at hinagkan ako sa pisnge. "Gagawa ako ng paraan. Hindi siya masasaktan, baby. 'Wag ka nang mag-alala."Nakauwi kami ng hotel gabi na. Pareho kami ni Cin na walang cellphone na dala kaya hindi namin ma-contact ang mga kaibigan. Halos dumugin kami ng mga ito nang makarating kami. "Hoy! Saan kayo galing, a
Read more
FAVOR
Chapter twenty-sevenWala na. Wala na ang plano. Kakalimutan ko na ang planong 'yon. Napagtanto kong lumagpas na ako sa harang na ginawa ko. Hindi na ako pwedeng magpanggap na may gusto ako kay Cin dahil nagkatotoo na. Kinain ko lang lahat ng pangako ko sa sarili. Mahal ko si Cin.Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya? Kahit isip-bata, nakakakilig pa rin. 'Di ko nga na-imagine noon na kikiligin ako, eh. Jusko, ang puso ko!Habang nag-eempake, may ngiti ako sa labi kaya kung makatitig sa akin si Farrah para akong baliw. Baliw na ata talaga ako. Ngumingiti ako kahit wala namang nakakatuwa. Kahit pilitin kong sumimangot, talagang lalabas 'yong ngisi ko! Kainis na, ah?!"Girls, ready na kayo?" Katok sa amin ni Ram sa labas.Nagkatinginan kami ni Farrah. Bahagya pa siyang napatalon sa tingin ko at pasimpleng humawak sa dibdib."Problema mo?" Tanong ko."Ikaw? Problema mo?! Na-engkanto ka ba?! Ngisi ka na
Read more
PROBLEMS
Chapter twenty-eight"O, kamusta naman ang bakasyon niyo, Amber?" Biglang tanong ni Verna pagpasok ko ng kusina. Nakasunod sa likod ko si Odette na parang ayaw akong iwan. Kahit anong pagkain o tubig ang hawakan ko, tinatapon niya at hindi naman ako nagtatanong. Tahimik niya lang ang mga itong pinapalitan ng bago.Ngumisi ako. "Medyo hindi maganda. Amoy plastik minsan at maraming higad sa paligid." Pagpaparinig ko sa tahimik na si Vicky. Ewan ko kung nasaan na ang ibang anak ni Verna. 'Di na ang mga ito nagpapakita sa akin. Siguro, iniwan na siya dahil sa pagiging bruha.Sinulyapan ko si Odette at sumenyas na lalabas na. May pasok na kami ngayon kaya maaga akong nagising. Akmang tatalikod na ako nang matigil dahil sa pagsasalita ni Vicky."Bakit hindi ka muna umupo? Kumain ka. Maraming niluto ang cook ngayon. Masarap." Pinakita niya pa sa akin kung paano niya sinubo ang bacon na nginisihan ko."No, thanks. Diet ako. Try mo
Read more
LEAVE
Chapter twenty-nineNagising ako kinabukasan na bangag. Ang dami kong tanong kagabi na hanggang ngayon, walang sagot. 'Yong pag-alis ng dalawang anak ni Verna, ang lipstick sa collar ni Cin, kung sino ang babae nito! Nababaliw na'ko kakaisip sa dami ng tumatakbo sa isip ko! 'Buti na lang walang klase ngayon dahil weekend. Siguro uubusin ko na lang ang oras ko kakahanap ng sagot. Bago dumiretso ng banyo, binuksan ko muna ang cellphone at sunod-sunod na messages galing kay Cin ang natanggap ko. Nagmamakaawa pa ito, akala ata galit ako. Galit naman talaga ako kaya ayaw ko muna siyang replyan. Naku! 'Di pa nga kami nagtatagal, may gano'n na. Ang sakit sa puso, ah.Ang huling message ang galing kay Tito Ninong. Naisip ko kaagad ang pabor na hinihingi ko. Napatayo ako sa kama at binaba ang cellphone sa bedside table. Humingi ako ng pabor sakanya. Nagpaalam ako kung pwede ko bang makita ang CCTV footage sa parking lot noong araw na naaksidente si Mam
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status