All Chapters of Seven Steps Away (Original Tales of Remorse): Chapter 21 - Chapter 30
59 Chapters
Kabanata 21
Spin-off 3Chapter • TwoDinampot ko ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng side table saka ako lumabas ng kwarto. Palabas na ako ng bahay nang makita ako ni Dad. Nakaupo siya sa sala kasama si Alpha Rayver. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.Muli siyang tumingin kay Alpha Rayver. "I'll just talk to my daughter, Alpha." Untag niya.Tumango si Alpha Rayver habang may matipid na ngiti. Muli akong tinignan ni Dad. Kunot na ang kanyang noo.Humalukipkip ako saka nagtaas ng kilay. Umigting ang panga ni Dad dahil sa ginawa ko. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko saka ako hinila papasok ng office niya.Walang gana akong naupo sa couch at hinintay ang sermong halos araw-araw ko nang naririnig.Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha saka ako matamang tinignan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Meiko. Just because you're nineteen doesn't mean you'll do stupid things more!" Bakas ang pagpip
Read more
Kabanata 22
Spin-off 4Chapter • ThreeHalos gusto ko nang magwalk-out nang marinig ang lecture ng prof namin. How come this school hired someone like him? Wala akong naiintindihan sa kahit na anong itinuturo niya tapos ako pa ang madalas niyang nasisita."Miss Galliver, will you stand up and tell us the disadvantages of using this method?" Untag niya habang matamang nakatitig sa akin. Ang nakarolyo niyang dyaryo ay bahagya niyang ihinahampas sa kanyang palad.Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay. "I don't know, and I have no interest to know. Hindi ko naman magagamit ang formula na 'yan sa future. Wala lang magawa ang mga nagpauso niyan kaya pati kaming mga nananahimik ang buhay nagugulo."Nagtawanan ang mga kaklase ko. Kaagad hinampas ni Prof. Edmer ang mesa sa sobrang galit. "Quiet! Anong nakakatawa?" Nanggagalaiti niyang tanong sa mga kaklase. Bigla silang nanahimik.Bumaling muli ang tingin sa akin ni Prof. Naglakad siya palap
Read more
Kabanata 23
Chapter • FourPinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa loob ng room ng susunod na klase ni Pearce. Kumurba ang gilid ng labi ko nang makita siyang nakaupo sa pinakadulo malapit sa bintana. Nakapikit ang mga mata niya at nakapasak sa magkabila niyang tenga ang kanyang earphones.I stared at him for seconds, noticing his features. He has a natural dark brown hair that matches his fair skin. His brows are intimidating and too manly. Matangos ang kanyang ilong na bumagay sa kanyang manipis na labi. His jaw is well-defined that made him look dangerous even more without those thick glasses of him.Hinawi ko ang buhok ko sa isang side bago ako lumakad papasok. Tumahimik ang lahat nang makita ako. Nagtataka ang karamihan nang dire-diretso akong lumakad patungo sa bakanteng upuang katabi ni Pearce. Nginitian ko ang mga taong nakatingin sa akin bago ako bumaling sa kanya.I run my fingers on his arms. Bigla niyang iminulat ang mga mata niya. B
Read more
Kabanata 25
Chapter • FiveIsang katok mula sa pinto ng kwarto ko ang umagaw sa aking pansin. Pabalang kong ibinaba ang phone ko nang makitang bumukas ang pinto.Matalim kong tinignan si Vera na nakasandal na ngayon sa frame ng pinto habang nakahalukipkip. May makahulugang ngiti sa kanyang mga labi."Dad wants the whole family to be here for dinner. Pinapasabi niyang huwag ka raw aalis dahil darating ang mga bisita." Untag niya.Umirap ako saka muling ibinalik ang tingin sa screen ng phone ko. Hindi ako kumibo at hinintay na lang siyang umalis pero tumaas ang kilay ko nang imbis umalis ay pumasok pa siya sa kwarto ko at lumapit sa shelf ng collections ko ng hour glass.Dinampot niya ang isa at pinagmasdan. "I've heard you crashed at Pearce's class yesterday." Untag niya saka tumingin sa akin. Tila may gustong ipahiwatig ang tinging ipinupukol niya.Humalukipkip ako at nilabanan ang tingin niya. "Ano naman ngayon?" Mataray kong sago
Read more
KAbanata 26
Chapter • SixInayos ko ang ilang libro sa locker ko bago ko dinampot ang mga gagamitin ko para sa susunod na klase. Sinulyapan ko ang relos ko bago isinara ang locker. May isang oras pa akong vacant bago ang klase ko sa science department.Isang hindi pamilyar na lalake ang sumandal sa tabi ng locker ko at humalukipkip. Kunot noo ko siyang nilingon. May matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang labi."You must be Meiko Galliver. I've heard a lot about you." He mumbled.Tinaasan ko siya ng kilay. "So?" Mataray kong sabi saka siya tinalikuran.Mahina siyang humalakhak. Napairap ako sa kawalan nang sumunod siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad."I'm Dalton, by the way. I didn't see you at your home last Saturday. I'm Alpha Rayver's nephew. Kakalipat ko lang dito from Averida." Untag niya."Oh-kay. Done talking?" Sarkastiko kong tanong saka huminto at mataray siyang tinignan. Itinupi ko ang mga braso ko.
Read more
Kabanata 27
Chapter • SevenPinanood ko ang madilim na kalangitan habang nakaupo sa hood ng sasakyan ko. Sa aking kamay ay ang bote ng beer na halos ilang inom na lang ay mauubos na ang laman.Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking umaalong buhok bago ko muling tinungga ang beer ko. Tumama sa namumula ko nang mukha ang malamig na simoy ng hangin.Tumabi sa akin si Hank at muling nag-abot ng panibagong bote ng beer. Nang tanggapin ko ito ay wala na sa akin ang tingin niya kun'di na kay Jomyl at Gia na abalang maghalikan sa loob ng kotse ni Jomyl.Nakangising umiling si Hank. "Lupit din nitong isang 'to. Akalain mong tumagal siya kay Jomyl ng isang linggo?" Ani Hank saka uminom sa kanyang beer.Natawa na lang ako. Saglit akong uminom ng beer bago muling pinagmasdan ang mga bituin sa langit. "Kapatid 'yan ni Pearce." Untag ko."Kaya pala pamilyar. Mukhang nakita ko na nga 'yan last year no'ng sa Astrid ginanap ang Nexus. Isa 'yan sa p
Read more
Kabanata 28
Chapter • EightIlang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan namin dahil sa sinabi ko. Mayamaya'y mahina siyang natawa at napailing. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. Hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi."You really won't stop, will you?" Muli siyang humalakhak.Mayamaya'y humugot siya ng isang malalim na hininga saka ito pinakawalan. Bumaba siya ng kama at hinila ako. Biglang nag-init ang mukha ko nang ipagsalikop niya ang aming mga palad bago siya naglakad palabas. Ilang tao ang napatingin sa aming dalawa."What are you doing, Pearce?" Kunot noo kong tanong habang walang magawa kun'di ang magpatianod sa paglalakad niya.Hindi siya kumibo. Nagpatuloy lang siyang lumakad hanggang sa makarating kami sa labas. Nasulyapan ko si Jomyl. Matamis siyang napangiti nang makita ang magkasalikop naming mga kamay ni Pearce. Siniko niya si Hank at nginuso kami. Sinamaan ko lamang sila ng tingin nang magtaas-bab
Read more
Kabanata 29
Chapter • NineHalos ilang minuto nang nakaparada ang sasakyan ko sa labas ng bahay. Hindi ko magawang kumilos. Nanatiling nakahawak ang mga kamay ko sa manibela habang nakatulala ako sa kawalan. What just happened at the park made me lose my mind. Hindi naman ako ganito noon.Hinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Tuluyan kong kinuha ang susi ng kotse bago ako lumabad ng sasakyan.Tahimik na ang buong bahay dahil halos alas tres na ng madaling araw. Paakyat na ako ng pangalawang palapag nang makita ko si Vera sa tapat ng kanyang kwarto. Masama ang titig niya sa akin at nakatupi sa tapat ng kanyang dibdib ang kanyang mga braso.Inirapan ko lamang siya saka ako dumiretso papunta ng kwarto ko pero bago ko pa man mapihit ang doorknob ay bigla na lamang niyang hinablot ang buhok ko. Inidiin niya ang mukha ko sa pinto at isinangkal niya ang kanyang braso sa aking leeg."You really don't know how to behave well, do you, littl
Read more
KAbanata 30
Chapter • TenPanay ang pagbuga ko ng malalalim na buntong hininga habang mahina kong idinuduyan ang sarili ko sa swing.Naramdaman ko ang pagtayo ni Pearce mula sa swing na kinauupuan niya. Kumunot ang noo ko nang pumwesto siya sa likuran ko. Tiningala ko siya nang hawakan niya ang bakal na tali. Nakayuko naman siya sa akin habang may matipid na kurba sa kanyang labi."Don't worry about it. I got this." He mumbled before giving me a little push.Nabaling ang tingin ko sa mga batang naglalaro di kalayuan sa amin. Nakakainggit ang kainosentehang mayroon sila."We can cancel this race, Pearce. You don't have to do this in the first place."  Untag ko saka ihininto ang duyan at tumayo para harapin siya. Nanatili akong nakahawak sa bakal na tali habang nakatingin sa kanya.Umiling siya. "Trust me, I can win this.""But you've never been on an actual race, right? Paano ka mananalo? Kahit pa si Rosa ang gamit mo, k
Read more
Kabanata 31
Chapter • ElevenGumapang na ang matinding kaba sa dibdib ko nang makalagpas kami ng East gate. Isang kilometro mula roon ay matatanaw na ang napakaraming tao sa tabi ng daan. May mga sasakyan ding nakahanda nang maglagay ng close signs sa dalawang dulo na gagamiting daan para sa karera.Dati-rati, sa tuwing naririnig ko ang hiyawan ng mga tao kapag nakikita nilang parating na ang sasakyan ko, saya ang nararamdaman ko pero sa pagkakataong ito na si Pearce ang may hawak sa manibela, hindi ko na maipaliwanag ang takot ko.Ipinarada ni Pearce ang sasakyan sa tabi ng kotse ni Dalton. Nakaupo siya sa hood ng kanyang Mustang. Ngumisi siya nang lumabas kami ni Pearce ng sabay mula sa pulang audi r8 ko.Biglang tumahimik ang mga taong kanina lang ay masayang naghihiyawan nang makita si Rosa. Ang mga mata nila ay nakatutok kay Pearce.Nagsimula ang mga bulungan. Ilang pamilyar na salita ang narinig ko. Delta. Army. Prison. Rul
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status