All Chapters of Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog): Chapter 21 - Chapter 30
41 Chapters
Chapter Twenty: Turn of the Tide
“I-is she having a heart attack or something?” tanong ni Richard. Halos magkandabuhol-buhol ang dila nang makita ang paghahabol ni Elaine ng hininga.Kung si Tan ang tatanungin, gusto niyang patayin si Richard right then and there. Pero hinayaan niya itong kumaripas ng takbo dahil natakot matapos makita ang nag-aapoy niyang tingin.He knew better. Elaine wasn’t having a heart attack, she just felt like she was having one. Her eyes were out of focus, she looked like she was separated from her surroundings habang nakaguhit ang matinding takot sa mga mata nitong bahagyang nanlalaki.Naninikip ang dibdib na naupo si Tan sa tabi ni Elaine. Kinuha niya ang kamay nitong nakahawak sa dibdib. Her hand was cold to the touch. Para siyang paulit-ulit na dinidibdiban nang kumapit ito sa kamay niya, mahigpit.Pinahid niya gamit ang hinlalaki ang luhang namalisbis sa mga mata nito. Nakita niyang kumurap si Elaine. Tumitig sa kanya bagaman halos wala pa
Read more
Chapter Twenty One: Jealous
It was four o’clock in the afternoon nang marating nila ang Ranger’s Station. Kagaya ng una, ang Vizcaya trail ang daang pinili nina Danielle. Pagkatapos magbigay ng tip para sa tour guide, nilapitan siya ni Tan.“Malapit lang ang presinto dito. Sasamahan kitang magpa-blotter at mag-file ng complaint laban kay Richard bago tayo umuwi.”“W-wala akong planong magsampa ng reklamo,” sagot niya.Kumunot ang noo ni Tan. “Pagkatapos ng ginawa ng lalaking iyon sa ‘yo… Muntik ka nang…”Natigilan si Elaine. She raised her eyes at him, studied him nervously. Nakita ba nito nang atakehin siya ng panic kagabi? Hindi niya maalala. At kagabi pa siya hindi mapakali. Disoriented siya. Ni hindi niya alam kung ilang minuto tumagal ang episode bago tumigil.“There were witnesses…” sabi ni Tan. Parang nababasa ang tanong sa isip niya. “That asshole assaulted and harassed you. H
Read more
Chapter Twenty Two: His Heart
Pinuwersa ni Elaine na bawiin ang tingin kay Tan. Ayaw niya, pero kusang lumanding ang kanyang mga mata kay Janine na nanatili sa kinauupuan. Kinuha nito ang water goblet sa mesa at dahan-dahang uminom doon.Elaine flinched nang maramdaman ang pagpisil ni Marco sa kanyang balikat. She raised her eyes at him. Nagbaba ito ng tingin. Tumiim ang mga bagang nang makitang nagkikislapan sa luha ang mga mata niya.She swallowed the imaginary lump in her throat. Bago pa tumulo ang mga luha, mabilis siyang iginiya ni Marco palabas ng pinto.Sa huling pagkakataon, nilingon niya si Tan. Nakatingin ito sa kanila, ang emosyon sa mga mata nito, dahil nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha—hindi niya mabasa.Mariing kagat ang labi, nanginginig ang baba niya sa pagpipigil ng emosyon. Gusto niyang umiyak pero parang napipigil iyon ng mahigpit na hawak ni Marco.Habang naglalakad palabas ng restaurant, hiniling ni Elaine na sana humabol si Tan. Sana kunin nito
Read more
Chapter Twenty Three: Beautiful Stranger
Bumungad sa harap ni Marco ang tiyuhin na si Tito Ralph pagkabukas na pagkabukas niya sa front door. Nakahalukipkip ang may-edad nang lalaki habang nakatingin sa kanya na parang inaasahan na nitong siya nga ang iluluwa ng pinto.“Napapadalas ang pag-uwi mo nang late, Marco. Dumaan ako sa presinto, ang sabi, kanina ka pang alas-singko umalis. Alas-dose na, ngayon ka pa lang nakauwi.”Hinubad niya ang suot na sapatos at inilagay iyon sa shoe rack malapit sa pinto.“Nakipagkita ka na naman sa kanya?”Kahit hindi itanong, alam niyang si Elaine ang tinutukoy nito. Tumuwid siya sa pagkakatayo. “Kumain lang kami sa labas, ‘To.”“Hindi ka naman umaasang…”Ngumiti siya. “Maliligo lang ako, ‘To. Nangangamoy na ‘ko.”Napailing na sinundan ni Tito Ralph ang paghakbang niya papunta sa kuwarto.Nang makapasok sa kuwarto, naupo si Marco sa gilid ng kama.
Read more
Chapter Twenty Four: Fragmented
Elaine’s head was spinning. Her eyes were begging him to spare her but the man didn’t even flinch a little.Then the elevator door opened.Awtomatikong napahawak siya sa leeg nang pakawalan ng lalaki. She gasped for air. Walang lakas ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Dinadalahit ng ubo.Tumalungko ang lalaki sa tabi niya. “This is the price you need to pay for being alive, Elaine.”She was slowly drifting off pero narinig niya ang sinabi nito. In a blink of an eye, she saw flashes of images and noises burst through.“This is the price you need to pay for turning your back on your father, Elaine!”“Mamatay ka na! Mamatay ka na!”Elaine went still. Her whole body trembled in fear. Ang takot na gumagapang sa dibdib niya, hindi niya alam kung saan nanggagaling. O kung kailan titigil.  August 18, 2017Quezon City, Philippin
Read more
Chapter Twenty Five: Tan's Distress
Mabilis na iniharang ni Tan ang kanang kamay sa pagitan ng pinto ng elevator para pigilin iyon sa pagsasara. Nang muli iyong bumukas, tumambad sa kanya si Elaine na nakasalampak ng upo sa loob—naghahabol ng hininga.“Elaine…”Kahit tila trapped sa sariling mundo, tumingin ito sa kanya. Her troubled and alert gaze darted at him. Bagaman tila tagos-tagusan ang alertong tingin, nakaguhit sa mga mata ni Elaine ang emosyong kapareho ng nakita niya sa mga mata nito sa Benguet.Takot.Na para bang may isang taong aatake o umatake rito. His throat tightened.“Stay with me, Elaine. Those flashbacks weren’t real. You can get through it,” he said. His voice calm and soothing.Tumulo ang luha sa mga mata ni Elaine. Napasunod ang tingin niya sa kamay nito nang humawak ito sa leeg. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mga daliring nag-iwan ng marka sa makinis at maputi nitong balat. As if s
Read more
Chapter Twenty Six: Broken Hearts
Bago pa lumakad si Elaine papasok sa loob ng private room, titig na titig na si Tan dito. Pinigil niya pero kusang sumusunod ang tingin niya sa bawat hakbang nito palapit sa kanya.Gusto niyang kumilos, salubungin ito, abutin. Pero alam niyang imposible at hindi na puwede kaya wala siyang magawa kundi manatili sa pagkakaupo pasandal sa headboard ng kama at hintaying tuluyan itong makalapit sa kanya.His eyes were fixed on her. Ni hindi na niya napansin kung kailan tumayo si Janine. O kung nagpaalam man lang ba ito bago lumabas para tuluyan silang iwan.Elaine was staring back at him. Nang tumigil ito sa gitna ng kuwarto—isang dipa ang layo sa kanya, sinuyod siya nito ng mabilis na tingin. Bumaba ang tingin nito sa mga paa niyang nababalutan pa ng cast.Hindi ito nagulat sa nakita. Siguradong nabalitaan na nito ang tungkol sa bone fracture niya. Mas may rason na ngayon ang babaeng pinakamamahal na iwan siya.
Read more
Chapter Twenty Seven: Triggered, Desperate
Present  Itinulos si Marco sa kinatatayuan habang nakamata sa pares na nasa loob ng elevator. Narinig niya ang lahat. He was present few seconds mula nang pasukin ni Tan ang asawa sa loob ng elevator.Ilang araw nang nakapatay ang cell phone ni Elaine kaya sinubukan niya itong kontakin sa tulong ni Anne. It was him who thought of pranking her para lumabas ito mula sa pinagtataguan. Successful siya, ang fail lang ay iyong hindi niya nagawang iligtas ito sa kung sinumang nanakit dito kanina.But whoever that son-of-a-bitch was, sisiguruhin niyang magbabayad.Kumurap si Marco nang makitang bumuka ang nangangatal na mga labi ni Elaine.“K-kailangan ko ng pera…” sabi nito sa mahina at puno ng takot na boses. “Para hindi niya ‘ko saktan. Para hindi niya kami saktan. Kasalanan ko. Ang baby namin ni Tan, hindi niya puwedeng saktan…”Naikuyom ni Marco ang mga kamay. Naninikip ang
Read more
Chapter Twenty Eight: Abducted
Nagsasalansan ng files sa drawer si Sandra nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina.“Maaga akong uuwi, Heiddie. Please cancel all my meetings at i-reschedule mo sa susunod na araw.”Pinagpag niya ang kamay. Kumuha uli ng files na isasama sa mga naka-pile na dokumento sa desk.“Doc…”“Why?” she asked.Natigilan si Sandra nang mag-angat ng tingin at makitang bukod sa nurse, isang lalaking ngayon lang nakita nang personal pero kilalang-kilala ang nakatayo sa bungad ng pinto.  Wala panglakas ng loob si Elaine na bumalik at humarap uli kay Tan pero natagpuan niya ang sariling ipina-park ang kotse sa tapat ng inuupahan nilang bahay sa Makati.Wala siya sa sarili. Hindi mawala sa isip niya ang huling sinabi ni Janine kanina. Sigurado siyang may alam ito tungkol sa nakaraan niya. At hindi pa nito iyon sinasabi kay Tan.Sa dami ng inililihim sa
Read more
Chapter Twenty Nine: Wretched
Matapos tanggapin ng doktor ang pakikipagkamay niya, naupo si Tan sa silyang iminuwestra nito. Base sa reaksiyon nito kanina pagkakita sa kanya, mas naniniwala siya na kilala na siya nito hindi pa man siya nagpapakilala. Ang katotohanang iyon ang higit na nagpapakaba sa kanya.Hindi napigilan ni Tan ang sarili kahit gusto niyang pagbigyan ang hiling ni Elaine na layuan muna ito at iwang mag-isa. Sinundan pa rin niya ito. Pinapatay siya ng pag-aalala, lalo at nakita niyang nangangatal pa rin ito nang talikuran siya kanina.Habang nakabuntot sa kotse nito, he saw with his own eyes how she recklessly drove her car na parang wala nang bukas.Nag-alis siya ng bara sa lalamunan nang maupo sa swivel chair ang doktor. Marami siyang tanong pero hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang uunahin. May pakiramdam siya na kahit alin ang mapili, masakit pa rin ang isasagot nito.Bukod sa anxiety, may iba pa bang sakit ang asawa na hindi niya alam? Kung wala, pagkatapos
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status