All Chapters of Sshhh Let's Make a Secret: Chapter 51 - Chapter 60
69 Chapters
Chapter 50
“Leigh, tapos ko nang paliguan si Noah. Bumangon ka na, ikaw naman papaliguan ko,” paggising ko kay Leigh.Gumalaw lamang ito nang kaunti para magtalukbong pa ng kumot at higpitan ang pagkakayakap sa unan ko.I placed my hands at my waist at malalim na bumuntong hininga. “Leigh, papasok pa ako. Gumising ka na, papaliguan pa kita.”Ilang segundo makalipas ay dumilat nga ito. Matamis na ngiti ang agad na gumihit sa labi niya pagkakita sa akin.“Hmm, good morning, my love,” nakangiting pagbati nito. Namumungay pa ang kaniyang mga mata, marahil inaantok pa talaga.Kinuha nito ang buong kaliwanag braso ko at niyakap nang mahigpit.“Good morning too. I love you.” I gently kissed her forehead. “Tumayo ka na.”Bumalik ito sa pagkakapikit.“Leigh,” pagtawag ko rito, mukhang may balak pa itong matulog uli.“Hmm?” she groaned.Hinaplos ko ang
Read more
Special Chapter
Nangunot ang noo ni Eva nang masilaw sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Marahan siyang napakusot ng mata nang tuluyang magising.Matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang bumungad sa kaniya ang napakagandang mukha ng kaniyang kasintahan na nakahilig sa kaniyang dibdib at mahimbing na natutulog. Kusang kumilos ang kaniyang kamay upang hawiin ang nakakalat na hibla ng buhok nito sa mukha. Imbes na iipit ito sa likod ng tenga ni Heloise ay hindi naiwasan ni Eva na laruin ang mahaba at natural na kulay maputlang puti na buhok ni Heloise.Dahil sa ginawa ay naalimpungatan ito ng gising at napangiti na lang rin nang magandang mukha naman ni Eva ang sumalubong sa kaniya. Muling napapikit si Heloise at hinigpitan ang pagkakayakap dito."Good morning," masuyong bati ni Eva."Hmm. Morning," Heloise groaned."What time is your class?""8am," she answered.Dahil sa sinabi ay inabot ni Eva ang phone na nasa bedside table upan
Read more
Chapter 51
Malungkot akong napangiti nang maalala ko ang kinuwento sa akin ni Ms. Boa sa nung nakaraan. We’re step-sister pero iginigiit niyang isa lamang akong mission para sa kaniya.Naalala ko na si Ms.Boa, siya ang gustong-gusto kong kalaro noong bata ako. Dahil nag-iisang anak lang ako nun ay lumaki akong walang gaanong kalaro. Ayaw rin kasi ni papa na lumalabas ako ng bahay.Sa tuwing nakikita ko nun si Ms.Boa sa bahay ay agad ko siyang niyayayang maglaro. Noon pa man ay sinusungitan na niya talaga ako, ngunit nakikipaglaro rin naman siya sa akin sa huli.Naging ‘ate’ talaga ang turing ko sa kaniya. Siya ang naging takbuhan ko nun sa tuwing umiiyak ako. Noon pa man ay pino-protektahan na niya ako kahit sa mga nang-aaway sa akin.Halos mabitawan ko naman ang baso ng iniinom kong tubig nang magitla ako nang may pumulupot na braso sa aking katawan mula sa aking likuran. Nang lingunin ko naman upang silipin ay sumilay ang matamis na ngiti sa akin
Read more
Chapter 52
Lulan ng sasakyan ko, malayo pa lang kami ni Ate Eva ngunit kapansin-pansin na agad ang bahay. Hindi ko alam kung anong meron pero nakakakaba ang kadiliman ng buong bahay. Nang tuluyang makahinto kami ni Ate Eva sa tapat ay binalingan ko siya nang nagtatakang tingin.“Don’t give me that stare? Magkasama tayo, I also don’t know the answer,” she stated.Marahan na lang akong tumango at naunang bumaba ng sasakyan.Hindi ko na hinintay pa ito sumunod sa akin. Pagpasok ko ay walang kaliwa-liwanag. Sinubukan kong buhayin ang ilaw ngunit kuryente talaga ang wala. Nangangapa man sa dilim ay sina Leigh at Noah ang agad na hinahanap ng mata ko.“Leigh? Noah?” tawag ko sa kanila, “Heloise?”Una kong pinasok ang mga kwarto. Maging sa banyo ay hinagilap ko sila. Inikot ko rin pati ang kusina at basement, but there’s no any single sign of them.Ayoko man ngunit nagsisimula na akong akyatan ng kaba. Hindi ko gu
Read more
Chapter 53
Arkesha’s POVs:Halos mapahilot na ako sa sintido ko sa sobrang pananakit ng ulo ko. Binabalot ng samu’t-sari at kaliwaang reklamo ang apat na sulok ng conference room ngayon. Waring lahat ay may kaniya-kaniyang mundo.Fucking 50 million pesos have lost based on the financial statement and report na ni-release ng Accounting and Budget department kaninang umaga. Nabigla ang buong kompanya, hindi alam kung saan napunta ang malaking halaga. Nang makarating sa kaalaman ng shareholder members ay isa-isa nila kaming piniste ni Mr. Alastair ng sunod-sunod na tawag at reklamo.Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa pagsagot sa mga tanong nila sa telepono hanggang sa nagdesisyon kami ni Mr.Alastair na magpatawag ng emergency board meeting ngayong hapon ngunit ganito ang kinalabasan. Maingay at magulo, Ni hindi nila magawang patapusin kami sa pagsasalita.  Napalingon ako sa katabi kong si Mr.Alastair nang marinig ko ang marahas nitong pagbuntong-h
Read more
Chapter 54
“I’ll go.”“No!” pigil sa akin ni Leigh.“I’ll save my son from my pathetic husband,” walang emosyon na wika ko.Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko. “I’ll go with you.”“I’m sorry, Leigh, but I don’t want you to come with me,” ani ko.“Arkesha,” she pleaded.“Wala tayong ideya sa kung anong tumatakbo sa utak ngayon ni Lyle. I don’t want to risk your life and our baby.”“Noah is my son too, I want to save him also,” determinadong saad ni Leigh.“Leigh, please? Ayokong may mangyari pang masama sa inyo ni Lightley. Pakiusap, dito ka na lang. Pangako, iuuwi ko si Noah nang ligtas.”“I’ll call the police,” pagsingit ni Heloise.“No, please. Don’t do that.” Pigil ko kay Heloise nang akma nitong kukunin ang kaniyang phone.“But
Read more
Chapter 55
Third Person’s POVs:*Leigh’s dream*Tambak si Leigh ng mga gawain sa kaniyang office nang istorbohin siya ng pagkatok at pagpasok ni Secretary Alastair sa kaniyang opisina, sa sobrang pagka-busy ay hindi ito nag-abalang mag-angat ng ulo upang salubungin ito ng tingin.“Yes, Secretary Alastair?” tanging tugon ni Leigh pagpasok ni Secretary Alastair.Magalang na yumukod sa kaniya ang kaniyang secretary at tahimik na lumapit sa kaniyang harap.Ilang segundo ang lumipas na walang naging imik si Secretary Alastair at doon lang tuluyang nakuha ng secretary ang atensyon ng kaniyang presidente. Mula sa tambak na mga dokumento na kaniyang binabasa ay inangat na ni Leigh ang kaniyang mga mata upang tignan ito, unang napukaw ng black folder na hawak ni Secretary Alastair ang kaniyang pansin.“What’s with that folder?” Leigh ask.Imbes na sagutin ay marahang lumakad si Secretary Alastair hanggang makarat
Read more
Chapter 56
Naalimpungatan ako ng gising na wala na si Arkesha sa tabi ko. Bahagya akong nag-panic ngunit nang agad kong mapansin ang sticky note na iniwan nito sa may bedside table ko ay kumalma ako. Nakasaad na uuwi muna siya saglit upang i-check si Noah pagkatapos kukuha nang ilang mga gamit at damit ko na kakailanganin ko pa dito. Nasilip na daw niya si baby Lightley at maganda ang nagiging improvement daw nito.Napangiti ako.Matapos nun ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa bintana. Nagkakagatan na ang dilim at liwanag sa labas, halos gabi na pala. Maulap ang kalangitan—ahh hindi, makulimlim ang ulap, nagbabadya ang pag-ulan. Sana makabalik na siya agad, nami-miss ko na siya. Hmm.Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako nang mahinang pagkatok sa may pintuan. Ngiti ang agad kong sinalubong dahil inaasahan ko nang dumating na si Arkesha. Ang bil
Read more
Chapter 57
Kumunot ang aking noo nang masilaw mula sa isang matinding liwanag. Marahan kong binuksan ang aking mga mata at puting kisame ang sumalubong sa akin. I mentally cursed nang rumehistro sa akin ang amoy ng gamot at nakumpirma kong nasa hospital uli ako. I groaned in frustration.Fuck it! Ang paghihirap ko na makalabas ng hospital ay nabalewala lahat. Napapikit ako nang mariin upang pigilan ang nagbabadyang luha ngunit ayokong panghinaan ng loob.‘Kung kinakailangan kong tumakas muli kahit na sampung beses pa ay gagawin ko mapuntahan lamang siya kung nasaang lupalop man siya ng mundo,' determinado kong bulong sa aking sarili.Sa pagdilat ng aking mata ay natigilan ako nang makilala kung sino ang taong nakatayo sa aking harapan. Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay tuluyan nang bumuhos. Halos hindi ko malaman kung anong dapat kong maramdaman habang nakating
Read more
Chapter 58
Almost a month have passed before I totally recovered. It feels like, I waited for forever in hell. Matigas si Ms. Boa, anumang impormasyon tungkol kay Arkesha ay wala siyang ibinibigay. Mas lalo akong na-frustrate at nabaliw sa loob nang isang buwan. Wari akong bilanggo sa apat na sulok ng kama na iyon dahil sa leather strap na anumang pagmamaka-awa kong tanggalin ay hindi hinuhubad sa akin.And today is the day. Tahimik ako ngayon na naka-upo sa passenger seat, pinapanuod ang mga nadadaanan namin. Katulad nang dati ay walang imik si Ms. Boa, focus na focus ito sa pagda-drive. Isang kanta mula sa stereo ng sasakyan lamang ang bumabalot sa kabuuan ng sasakyan, hindi ako familiar sa kanta more like 80's song pa ng isang hindi masyadong sikat na singer. I hugged myself, may suot naman akong jacket ngunit ramdam ko pa rin ang nanunuot na lamig sa katawan ko, mula sa malakas na buga ng aircon. Hindi na ako nag-abalang mag
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status