All Chapters of Aurora and The Heart of Magic (Tagalog): Chapter 31 - Chapter 40
48 Chapters
CHAPTER 31
ASLAN’S POV “Zarina, tapatin moa ko. Ano ang alam mo sa nangyaring pag-atake noong kalian kay Tiara?” tanong ko at hinawakan siya ng mahigpit sa kanyang mga balikat. “Nagsisimula ka na bang mag-alala sa maliit na batang iyon, kapatid? Nakatatak na sa akin na tadhana niya ang mamatay. Kailangan lang ng tamang oras.” Ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili ko sa salitang nais kong bitawan. Alam kong sinusubukan lamang ako ni Zarina sa mga nais kong gawin at hinding-hindi ko hahayaang mawala ang tiwala niya, “Limang buwan na tayong nagpapanggap na may pakialam tayo kay Aurora. Ngayon, if namantay si Tiara bago pa natin makuha ang Heart of Magic, hindi ba’t mapupunta lamang sa wala ang mga pinaghirapan natin?” “Huwag kang mag-alala, Aslan. Binalaan ko na si Logan na huwag nang subukang atakihin pa si Tiara.” Pakiramdam ko ay may sumusuntok sa akin ng napakalakas. “What the F***! Tama ba ang narinig ko… si Logan?” “Mad
Read more
CHAPTER 32
AURORA’S POV Hindi ako mapagpahinga sa kakaisip sa pagsabak ng aking munting anak sa delikadong paghahanap. Pero wala akong iba pang mapagpipilian. Tumayo si Caleb at saka inilabas ang isang scroll paper mula sa kanyang bulsa. Ang paper ay napakanipis at halos mapunit na ito sa sandaling buksan naming ito. Inilapag naman iyon ni Caleb sa may lamesa at saka ito nagsimulang magpaliwanag, “Ibinigay ito sa akin ng isang makapangyarihang manghuhula dahil may utang na loob siya sa akin. Isa itong sinaunang mapa na magtuturo sa atin upang mahanap ang portal. Nasa gitna ito ng isang kagubatan. Ang gubat na ito napapaligiran ng mga napakalawak na dagat, mga desyerto at matataas na bundok.” “Dang it! Caleb, imposibleng madadala natin ang bagong silang na sanggol sa ganyang lugar! Paano naman kakayanin ni Tiara ang walang katapusang paglalakbay at iba-ibang klima na haharapin natin….” sabi ko. “Sino bang nagsabi na kailangan nating magl
Read more
CHAPTER 33
TYSON’S POV Halos matapakan ang pride ko nang mapanuod ko kung paano gumawa ng isang hex si Aurora at ng spell checker. Ang tumira na kasama ang isang witch kong kapatid ay natutunan kong aralin kung ano ang mga mahikang mga iyon. Ang pagkakahawak ko kay Tiara ay humigpit, kamuntikan ko nang ipagsapalaran ang buhay ng munti kong anghel kanina. Kaya naman ipinapangako kong mag-iingat na ako sa susunod. “Ayos na ang lahat ngayon,” bulong ni Aurora saka namn kinuha sa akin si Tiara. Bumungisngis naman si Tiara at ngumiti ng napakatamis na nasa isipan kong para talaga iyon sa kanyang ina. Para bang tinamaan ng mainit na sikat na araw ang kinaroroonan naming matapos makulong sa tila isang malamig na lugar. At nang ilapit ni Aurora si Tiara sa puno, bigla na lamang inangat ni Tiara ang kanyang kamay ng may pagkukusa saka hinawakan ang puno. Lahat kami ay sabik na sabik habang hinihintay ang oras na magbukas ang portal; pwed
Read more
CHAPTER 34
TYSON’S POV Patuloy kami sa pagsunod kay Aurora pero wala na atang katapusan ang paglalakad naming, natutukso na akong iwanan siya pero hindi ko hahayaang magkaroon iyon ng dahilan para magkaroon ng pagkakataon na mapunta siya sa panganib. “Alam niya ba talaga ang ginagawa niya?” bulong ko at naglakad kami papunta sa isang sulok. Nagbuntong-hininga naman si Caleb at sinabing, “So, ang isang dakilang hari ay hindi at nagugustuhang may mas magaling pa sa kanya…” Bigla naman akong nainis nang isipin ko ang sinabi niya. Nagseselos baa ko sa kakayahan ni Aurora? Pero hindi sa tingin ko. Kung kaya niya kaming ilabas sa maze na ito, matutuwa at proud pa ako; kayulad lamang kung gaano ako kaproud kay Aslan sa mga nagawa niya noong mga bata pa kami. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga, at agad kong sinundan si Aurora patungo sa masikip na daan. Ang mukha niya any bigla nagningning nang makita niya ako, “Minamarkahan ko kani
Read more
CHAPTER 35
CALEB’S POV Namamangha ako na pinapanuod si Aurora kung paano niya lakas-loob na pinapaalis ang leon. Pero bakas din sa mukha niya ang takot gayunpaman sinubukan niya pa rin kaming protektahan. Ngayon, mas naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng tunay na katapangan. Hindi ibig-sabihin no’n na wala kang takot, ang ibig sabihin ng katapangan ay ang kaya mong lumaban para sa mga taong pinahahalagahan mo kahit pa halos mamatay ka na sa takot. Kami ni Tyson ay nagpakain lamang sa takot na matapakan ang ego naming. At si Aurora ang siyang nagpakita ng tapang ngayong araw. Sa sandaling umalis na ang leon bigla namang nawalan ng malay si Aurora. Agad naman akong lumapit para sana saluhin siya pero naunahan ako ni Tyson. Nanlaki naman sa takot ang mga mata ko nang makita ko na halos kulay asul na ang balat ni Aurora.  Naupo si Tyson sa isang malaking bato at saka naman niya pinahiga si Aurora sa kanyang kandungan, saka ito sinubu
Read more
CHAPTER 36
TYSON’S POV “May bagay kaming hinahanap… Baka matutulungan mo kami sa bagay na ito,” sabi ko habang lumalapit paharap. “Paranoid at hindi makapaghintay kagaya ka parin ng dati… Hindi mo man lang kinamusta ang isang matandang tulad ko… napakawalang respeto mo…” Biglang nanigas ang aking kamao at saka sinabing, “Kamusta ka po, lola?” Tumawa naman siya at sinagot ako, “Ngayong tinawag ako ng isang dakilang hari ng mga dragon na ‘lola’ wala akong dapat ikabahala, hindi ba?” Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat na malaman kong alam niya ang pagkatao ko. Mukhang hindi siya ordinaryong tao lamang kumpara sa hitsura niya. “Huwag mo na lamang siyang pansinin, lola, sadyang ganyan na lamang talaga po siya,” sabi naman ni Aurora at binigyan niya ito ng isang malaking ngiti. Ah! Ang mga ngiting iyon… kaya niyang alisin lahat ng galit at sakit na nararamdaman mo. “Bakit naman ako makakaramdam ng hindi pagkakumportable sa
Read more
CHAPTER 37
CALEB’S POV “Ibig sabihin ba nito wala na nga ng tuluyan ang Heart of Magic?” tanong ko sa nanginginig na boses. “Hindi ko man ninanais, pero tama ka, aking nak…” Halos mahulog ang puso ko. Ano na ang sasabihin ko sa Dark Lord, ngayon? Pinangako niyang hahayaan niyang mabuhay ang mga kasama ko kapalit ng batong iyon. Nagpasya kami na manatili muna sa bahay na ito hanggang sa sumapit ang araw. Pag-aalala at pangamba ang siyang nagpapanatiling gising sa akin ng buong gabi. Sa sandaling makabalik na ako, malalaman ng Dark Lord ang katotohan at alam ng Diyos kung gaano karaming werewolves ang kanyang papatayin…”   Niyakap ni Aurora ang matanda bago kami umalis, ipinagako niya din na dadalhin niya si Tiara dito sa araw na lumaki na ito. Nakakalambot ng puso na makita kung gaano kasaya si Aurora sa naging samahan naming ng boung magdamag. Pero ramdam ko pa din ang panlalamig ng puso ko. Gusto kong makaramdam ng
Read more
CHAPTER 38
TYSON’S POV Naupo lamang ako doon na walang kibo ng napakatagal. Ano bang problema sa babaeng ito? Halos kinuha ko na lahat ng lakas ng loob ko para sabihin at aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero sa huli, tumakbo lamang siya na hindi man lang ako pinakinggan. Huminga ako ng malalim saka hinanap sina Caleb at Tyson. Ang araw malapit ng lumubog. Kailangan kong mahanap ang dalawang iyon bago pa man dumilim. Hindi magandang ideya ang maging mag-isa sa gubat na ito lalo na sa gabi. At matapos ang isang oras na paghahanap, Natagpuan ko si Caleb na nakatayo sa gilid ng isang matarik na lambak. “Anong ginagawa mo dito?” sabi ko habang papalapit sa kanya. Sa gulat niya ay agad naman itong lumingon sa akin at halos kamuntikan nang malaglag sa may lambak. “Damn it! Tyson… Hindi ka ba nag-iisip? Tignan mo naman ang lambak… kapag nahulog ako dito… siguradong basag na ako…” sabi ni Caleb habang inaayos ang balance niya at nagmadaling u
Read more
CHAPTER 39
TYSON’S POV  Napakalakas ng tibok ng puso ko nang malapit na kami sa Pearl Palace. Nakaramdam ako ng pagod at pagkabahala… na tila ba may mangyayaring hindi maganda. At bumilis naman ang paglalakad ko sa sandaling maisip ko iyon… Hindi na rin mapigilan ni Aurora ang sarili at tumakbo na papasok ng palasyo. Matapos ang ilang sandali, agad naman akong lumapit sa kanya at maglalagpasan ko n asana siya pero bigla itong nagteleport. Napatawa naman siya dahil natalo niya ako, “Ano ang nararamdaman mo na natalo kita, aking kamahalan?” Sinubukan kong pigilan ang pagngiti ng mga labi ko pero hindi ko nagawa. Ngumiti ako na parang ewan at sinabing, “Masaya ako na matalo ako mula sayo, aking mahal…” Namula ang mukha niya at agad na tumingin palayo. Napapaisip ako kung tatanggapin niya kaya ang pagmamahal ko sa kanya… mukha namang may malasakit siya sa akin, at mukhang naaakit din siya sa akin… pero hindi ko alam kung mahal niya ba
Read more
CHAPTER 40
ASLAN’S POV   Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”  
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status