Lahat ng Kabanata ng If We Love Again: Kabanata 11 - Kabanata 20
28 Kabanata
Chapter 9: Boyfriend
“Mahal na prinsesa, gising na!” Ilang beses na niyugyog ni Jessica ang kaniyang balikat subalit ayaw pa niyang imulat ang mga mata. Hinila niya pataas ang kumot upang takpan ang kaniyang mukha. “Gusto mo bang si Tisoy ang gumising sa ‘yo?”   Bumalikwas siya ng bangon nang banggitin nito si Erhart. Tinulugan siya nito nang nagdaang gabi at pagkatapos noon ay mag-isa siyang nanood. Pagkatapos… “Huwag kang tumulala riyan!” “Paano ako nakarating dito?” takang tanong niya. Mahimbing ang tulog ng binata habang nakasandal ito sa kaniyang balikat. Nahiya siyang gisingin ito kaya pinabayaan niya na lang itong matulog at pagktapos noon… Nakatulog din ba siya? Nagkibit-balikat ito sabay ngiti. “Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.” Tinalikuran siya nito at pakendeng-kendeng na naglakad. Niligpit niya ang pinaghigaan habang pilit na ina-analyse kung paano siyang nakarating sa kama. Hindi kaya… “Hindi ka niya binuhat! Huwag ka
Magbasa pa
Chapter 10: Lunch
Clueless pa rin si Sarah sa kakaibang ngiti ni Jessica sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya. Malapit na siyang mabaliw sa kaiisip kung anong alam nito na hindi niya alam. Tiyak na may kinalaman ‘yon sa kaniya dahil nag-iiba ito ng topic kapag inuungkat niya ang tungkol doon.“TM?” untag ni Tere. “Kanina ka pa tinatanong ni Ate kung anong order mo.”Kasalukuyan silang nasa pantry para mag-lunch. Hindi nakapagluto si Jessica kaya wala siyang baon. “Ay, sorry.” Tiningnan niya ang ulam pero wala siyang nagustuhan. “Mommy, mauna ka nang um-order. Mag-iikot-ikot muna ako. Hahanapin ko na lang ang table n’yo.”“Sige.”Malawak ang pantry sa 6th floor at maraming food stalls, mistula ‘yong food court sa isang malaking mall. Halos nalibot na niya ang buong pantry pero wala siyang nagustuhang pagkain.“Nahihilo na ako sa kabubuntot sa ‘yo,&r
Magbasa pa
Chapter 11: Kiss
True to his words, Erhart stopped pestering her. Magkasabay pa rin silang pumasok at umuwi sa trabaho, pinapansin pa rin nito ang mga kasamahan niya pero kapag silang dalawa na lang ang magkasama ay wala itong kibo. Nalipat na ang locker nito sa 19th floor kaya nabawasan ang pagpunta nito sa 18th floor. Pabor ‘yon sa kaniya pero may parte sa pagkatao niyang tutol do’n. Hindi niya maunawaan kung bakit. “Sarah, friendly pala ‘yong boyfriend mo?” Pinihit niya pasara ang faucet at saka itinapat sa hand dryer ang basang kamay. Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Hindi naman sila close ng current fling ni Viggo kaya wala siyang panahong makipag-plastikan dito. “Balita ko, maraming nagkakagusto sa kaniya,” patuloy nito sa kabila ng pande-deadma niya. “Maliban doon, nakita ko rin na iba-iba ang babaeng kasama niya.”   Hindi niya inaasahan na mino-monitor pala nito ang bawat galaw ng hilaw niyang boyfriend. “Stop beating around the bu
Magbasa pa
Chapter 12: No Label
Ngali-ngali nang ihagis ni Jessica ang phone pagkatapos niyang makausap ang mga mgaulang. Insulto lang ang natanggap niya sa mga ito imbes na kumustahin siya. Tutol ang mga ito sa propesyong kaniyang tinahak pero wala siyang balak na basta na lang sumuko at sundin ang nais ng mga magulang niya. Hindi siya papayag. Ang pagkainis na nadarama ay ibinuhos na lang niya sa paglilinis ng bahay at dinamay niya pati ang bakuran. Katatapos niya lang magwalis sa labas kaya bumalik na siya sa loob nang matanaw niya si Harry. Bihis na bihis ito. Itatanong niya sana kung saan ito pupunta pero natilihan siya. Baka isipin pa nito na mino-monitor niya ang bawat kilos nito. Napakislot siya nang mag-ring ang cell phone sa kaniyang bulsa. Hindi niya ‘yon sinagot pero makulit ang caller kaya tiningnan niya ang kung sino ‘yon. Kasamahan niya pala sa trabaho ang tumatawag. “Hello, Lily.” “Jess, s
Magbasa pa
Chapter 13: Caught
Sarah did everything just to avoid Erhart. Maaga siyang pumapasok sa trabaho at nagpapa-late ng uwi. Umuwi siya sa Rizal nang sumapit ang kaniyang rest day at pagbalik niya ay hindi siya lumalabas ng bahay. Nagkukunwari siyang abala o tulog kapag naisipan nila Erhart na mag-breakfast o mag-dinner nang sabay-sabay. Mabuti na lang at hindi nag-usisa si Jessica. Busy ito sa bagong dine-date kaya wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya iiwasan ang binata. Gaya ngayon, rest day niya ulit at mag-isa lang siya sa bahay dahil gumala si Jessica. Gusto niyang magpahangin sa labas pero hindi niya magawa dahil nakatambay sa labas si Erhart. Paano niya nalaman? Simple lang. Bahagya niyang hinawi ang kurtina at sumilip sa bintana. Bakit kasi napakaliit ng mundo para sa kanilang dalawa? Humilata siya sa sofa at pinagkasya ang sarili doon. Bagot na bagot na s
Magbasa pa
Chapter 14: Coffee
He wanted to kiss her badly. No woman made him feel that way. Baka nahalikan na niya ito kung nagtagal pa siya roon. Marami itong napukaw na emosyon sa kaloob-looban niya na hindi niya kayang pangalanan ang iba.Nahihirapan siyang kontrolin ang sarili kapag nasa paligid ito kaya naman sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa tuwing kasama ito. May kung anong puwersa ang nanggagaling sa dalaga na tila nae-engganyo siyang mapalapit dito.Malinaw na ngayon kung anong nais niya—ayaw niyang mapunta ito sa iba lalo na sa Viggo na ‘yon. Hindi kasama sa plano niya ang umibig pero hindi niya inaasahang darating si Sarah sa buhay niya.“Mukhang malalim ang iniisip mo,” pukaw ni Harry sa kaniya pagpasok nito sa bahay. “Kumusta kayo ni Sarah?” “Kumusta kayo ni Jessica?” balik-tanong niya. Wala siyang inililihim dito pero nagawa nitong maglihim sa kaniya. Although, napapansin niyang m
Magbasa pa
Chapter 15.1: Admitted
Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Pauwi na si Jessica samantalang lunch break pa lang niya. Na-adjust ang pasok ng babae dahil may nakipagpalit ng schedule dito kaya napaaga ng isang oras ang pasok nito. “Gusto ko nang umuwi,” naghihikab niyang wika.Umangkla sa kaniyang braso si Jessica. “Sasamahan kitang kumain. Nami-miss ko na ‘yong pandesal na binebenta sa pantry.”“Sige.”“Can I join? Gusto kong magkape bago umuwi,” singit ni Viggo.“Sure,” Jessica responded.She nodded and gave a half smile. Nasa hallway sila at kasalukuyang nag-aabang ng elevator. Nanatiling nakakapit sa kaniyang braso si Jessica hanggang sa maksakay sila sa elevator. Humiwalay lang ito sa kaniya pagdating nila sa 6th floor. Tinatamad siyang maghagilap kung anong masarap na kainin kaya pandesal din ang binili niya.“Coffee?” alok ni Viggo nang mapansing hin
Magbasa pa
Chapter 15.2: Admitted
Napatayo si Sarah at nilapitan si Erhart. “Anong ginagawa mo?”“I want to clean the mess that I made,” he said in a firm tone, his eyes not leaving hers. “Gusto kong malaman nila ang totoo para sa kapayapaan ng loob mo. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila.”Marahan nitong pinisil ang kaniyang kamay. Nangungusap ang mga mata nito na pagkatiwalaan niya. Wala sa loob na tumango siya. Gusto na rin naman niyang matapos na ang issue tungkol sa kanila.Hinarap nito ang mga kasamahan niya. “Hindi kami nag-break ni Sarah dahil wala naman kaming relasyon,” pag-amin nito na ikinabigla ng lahat, maliban kay Jessica. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila.Unang nakabawi si Cynthia sa pagkagulat. “So, niloko n’yo lang pala kami.”“It was my fault. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang isang araw na pagkukunwari kong boyfriend ako ni Sarah. I&rsqu
Magbasa pa
Chapter 16: News
Pinilig ni Sarah ang ulo sa glass wall ng pantry. Tanaw na tanaw niya mula sa puwesto ang nagkikislapang ilaw mula sa mga matatayog na gusali at maging sa kahabaan ng kalsada ng EDSA. Ber-months na kaya napakakulay ng paligid.“Ang aga mo namang pumasok.”Binaling niya ang tingin sa bagong dating. Umupo ito sa kabilang side ng table at inilapag nito ang cup ng kape sa mesa, sa tapat niya. “Dahil baka sunduin mo ako.” T-in-ext niya ito na nasa pantry siya dahil baka pumunta pa ito sa kanila.Lagpas kalahating taon na rin silang magkakakilala pero hindi pa rin ito sumusuko sa kaniya. Pinanindigan nito ang panliligaw kahit hindi siya pumayag. Basta ginagawa na lang nito kung anong dapat na gawin ng isang manliligaw. In all fairness, impressive ito. Nanatili ang kaniyang schedule na 12:00 hanggang 9:00 am samantalang naging 8:00 pm hanggang 5:00 am naman ang pasok nito. Minsan, ito na ang nagluluto ng al
Magbasa pa
Chapter 17: Confused
She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status