All Chapters of ANG TAKAS: Chapter 21 - Chapter 30
118 Chapters
CHAPTER 21 : IPAGHIHIGANTI KITA, TONY
    Nanainga si Ella. “Boses ni Sophie ‘yung naririnig ko.” Nasasabik siyang makita ang kaibigan. Gusto niyang muli itong mayakap at makakuwentuhan. “Miss na miss ko na siya.” Kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya. “She isn’t that important to me.” Sapilitang pagbabale-wala niya sa nararamdaman at sa kaibigan. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pinigil ang hangad na lingunin ang lugar na pinagmulan. Hindi niya gusto na muling marinig ang pamilyar na tinig. Nang mapansin siya ni Sophie. “Si Ella ‘yon, ah!” Kabisadong kabisado ng nars ang bawat galaw ng dating kaibigan. Alam na alam niya ang hugis ng katawan, pati ang imbay ng mga braso nito. “Hindi ako maaaring magkamali, si Ella Caprichosa ‘yun! Ang babaing nagtraydor sa friendship namin.” Sinundan niya ang babae. Habang palihim naman na sinusundan siya ni Victor Madrid. …Na sinubaybayan naman ni D
Read more
CHAPTER 22 : ELLA THE SPIDERWOMAN
  Matagal na katahimikan ang pumagitan sa mag-asawang Byron at Amanda. Nagpapakiramdaman. Waring pareho naghihintay kung sino ang unang babasag sa katahimikan.Na si Amanda ang unang gumawa.“I won’t fire Sophie,” pagbibigay alam ni Amanda sa asawa sa banayad na pangungusap, “hindi ko siya ilalagay sa kapahamakan.”Wala ng iba pang sinabi, iniwan niya si Byron. Mabibigat ang hakbang na pumasok sa kanilang silid tulugan.Sinundan siya ng asawa.“Ayaw mong mapahamak ang nurse na ‘yon, pero okey sa ‘yo na malagay sa malaking kapahamakan ang buong pamilya natin.”“Walang mapapahamak.” Sagot ni Amanda na hindi tumitingin sa asawa.Inalis nito ang mga kurtina sa bintana , ang bedsheet at mga punda ng unan at inilagay ang lahat ng iyon sa hamper. Inilabas ng silid tulugan. Dinala sa washing area.Gusto niyang ipakita sa asawa na marami siyang g
Read more
CHAPTER 23 : CHANGE OF HEART
 Matagal na sa harapan ng salamin si Ella. Paulit-ulit na ngumingiti. Hinahanap ang pinakamagandang ngiting gagamitin niya kapag magkaharap na sila ni Victor Madrid. Ibig niyang matiyak na maipapanalo niya ang inilatag na pakikipaglaban kay Sophie (na hindi naman alam ng ex-friend niya).Mabigat na kakumpetisyon si Sophie. Noon pa man ay lagi na silang ipinagkukumpara sa isa’t isa ng mga kakilala at kaibigan nila, at nalulungkot siyang isipin na lagi na lang nakakaungos sa lahat ng comparison ang kaibigan niya, na ngayon ay itinuturing na niyang kalaban.“Hindi na ako magpapatalo sa ‘yo ngayon, Sophie. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa puso ng boyfriend mo. Titiyakin kong ex-girlfriend ka na lang kay Victor Madrid, bago matapos ang bakasyon ko dito sa Puerto Galera.” Muli niyang nginitian ang sarili.Ang masayang ngiti na nagpapakislap sa kanyang mga mata ang ngiting nagpabagsak sa puso ni Tony Sandoval na n
Read more
CHAPTER 24 : KUTOB
  Agad kumulo ang galit ni Victor nang makita si Sophie na nagpipilit makawala sa pagkakahawak ng isang lalake. Mabilis niyang dinakot ang balikat nito at ubos lakas na iniikot paharap sa kanya. Tulak ng matinding galit at ng adrenaline sa katawan, isang malakas na straight na suntok ang ipinadapo niya sa mukha ng lalake.BULAGTA!Nagkagulo ang mga tao at pumalibot kina Sophie, Victor at sa lalaking sinuntok.“Ikaw na naman!” Ang galit na sigaw ni Victor nang mapagsino ang kanyang sinuntok.“Ikaw rin ulit?” Ganting tanong nito nang siya naman ang makilala.Naguguluhang pinaglipat-lipat ni Sophie ang tingin sa dalawang lalake.“Magkakilala kayo?” Tanong niya sa dalawa.Itinukod ang siko sa buhangin, nagtatawang hinarap ng lalake si Sophie.“Alam mo, Miss beautiful, ‘yang boyfriend mo…”Isang suntok ang muling pinakawalan ni Victor. Muli
Read more
CHAPTER 25 : GOTCHA, SOPHIE!
  Pinanonood ni Angelie ang anak habang namimili ito ng bikini at sarong na isusuot. Kung ilang ulit na itong naghubad-nagsuot ng bikini at sarong, subalit hindi pa rin makapagdesisyon kung ano ang isasaplot.“Mas bagay sa iyo ang kulay red na bikini, anak,” suhestiyon ni Angelie, “at white sarong naman ang isuot mong pang-ibabaw.”“Naisuot ko na ‘yun noong isang araw, Ma. Baka naman sabihin ni Victor na wala akong ibang bikini.”Dinampot ng ina ang kulay royal blue na two piece swimsuit. Inabot iyon kay Ella.“Bagay sa iyo’to,” ang sabi, “and you will look so queenly with a royal blue sarong.”‘Sure ka, Mama?” Tanong ni Ella sa ina, kasabay sa pagkuha ng iniaabot nito.“As sure as I’m standing here.” Ang sagot ng ina.“Hay ang mama ko, humirit pa ng kanta noong panahon n’ya.” Biro ni Ella.
Read more
CHAPTER 26 : ANG ALAS NI ELLA
    Walang imikan ang mag-amang Tony at Senyor Gaspar habang pabalik sa hotel na kanilang tinutuluyan. Nang bigla ay sabay na nagsalita. “Hindi ako naniniwala sa Amandang ‘yon!” Nagkatinginan.  Muli, ilang saglit na katahimikan ang sa kanila ay pumagitan, bago iyon binasag ni Senyor Gaspar. “Pareho pala tayo ng sapantaha.” Ang sabi. “Para kasing nararamdaman ko ang warmth ni Sophie sa bahay na ‘yon. Parang nakakapit sa kapaligiran niyon ang kanyang aura… ang personality niya.” “As I’ve told you, Sophie has a very strong personality. Malakas ang dating niya. At natatabunan ng personalidad niya ang lahat ng personalidad ng sino mang nakapaligid sa kanya. Ibang klase siya talaga!” “Parang inlab na inlab ka kay Sophie, Pa, ah!” Biro ni Tony sa ama. Kumunot ang noo ng ama. Tumingin sa malayo na parang wala namang nakikita. “Hey, Pa… it seems to me that you are really in love with that n
Read more
CHAPTER 27 : LESLIE
    Nalimutan ni Tony si Sophie ng mga sandaling iyon. Tanging ang pag-ibig at paghahangad na makita at makasamang muli si Ella ang nagtutumining sa kanyang isip at damdamin. “I’m so sorry for all pain and heartache that I’ve inflicted on you, Ella. I didn’t mean to hurt you.” Hinintay ni Tony ang sasabihin ng tumawag sa kanya, ngunit nanatiling tahimik ito. “Just tell me where you are and I’ll go there right away.”  Nanatili ang katahimikan. “Please talk to me, Ella. Alam kong nahihirapan ka rin sa paghihiwalay ng ating landas. Alam kong mahal mo pa rin ako. Mahal na mahal pa rin kita at hindi magbabago ‘yon kahit kailan!” “Nandito sa Puerto Galera si Sophie.” Ang biglang sinabi ng kanyang kausap. Maliwanag na nakarating sa pandinig ni Tony ang sinabi ni Ella. Natigilan siya. Ilang sandaling hindi nakakibo. “Narinig mo ba’ng sinabi ko, Tony? Nandito sa Puerto Galera si Sophie Samonte!”
Read more
CHAPTER 28 : LOVE THE SECOND TIME...
  Naghahatid nang hindi masusukat na kaligayahan  sa puso ni Ella ang mga naririnig niyang sinasabi ni Tony. Mga salita ng pag-ibig na may pangako ng magandang bukas.Subalit mas gusto niyang huwag paniwalaan ang mga pangakong iyon. Mas magiging madali ang lahat para sa kanya kung susundin niya ang idinidikta ng kanyang utak.Subalit paano ba pipigilin ang nag-iingay, nagwawalang puso?“Magsimula tayong muli, Ella.”Humugot nang malalim na paghinga si Ella bago nagsalita. Puno ng pait at hinanakit ang bawat pangungusap na kanyang binitiwan.“Saan tayo magsisimula? Sa paghahanap kay Sophie para pakasalan ka? At pagkatapos ay saan mo ako ilalagay? Sa pagiging kabit?”“Ipapa-annul ko ang kasal namin ni Sophie, pagkatapos kong makapaghiganti sa kanya!”“At pagkatapos?”Magpapakasal tayo!”Mapait ang mahinang pagtawang lumabas sa bibig ni Ell
Read more
CHAPTER 29 : KARMA
  “Ano’ng babalik sa Mindoro ang pinagsasasabi mo? Hindi pa naman tayo umaalis ng Mindoro, ah! Nandito pa tayo sa Puerto Galera and Puerto Galera is still a town of Oriental Mindoro, hindi pa naililipat,” pang-aasar ni Victor sa nurse, “wala pala ang babaing ito, e. Naturingan pa namang summa cum laude daw, bobo naman sa Philippine geography.” Dagdag pang pang-iinis.Natataranta na si Sophie. Katarantahang kumakain sa katinuan ng kanyang isip.“I mean sa Palawan. Nandito sa Puerto Galera si Tony Sandoval, meaning, wala siya sa Palawan. Kung wala siya sa Palawan, bumalik na tayo ng Palawan, para hindi tayo makita ni Tony dito sa Mindoro, o kaya itong Mindoro ang ilipat natin sa Palawan.”Nagtawa si Victor.“Grabe, may pagka mali-mali pala itong babaing ito. Hoy,ano ka ba? Timang ka na ba?”“Natatakot ako!” Biglang sigaw ni Sophie.“Akala ko ba ma
Read more
CHAPTER 30 : THE LIE
  Dumating na ang almusal na inorder ni Tony sa Customer service nang magising si Senyor Gaspar.“Nasaan si Sophie?” Ang agad na tanong nito sa anak.“Hindi ko siya inabutan sa Puerto Galera,” sagot ni Tony bago humigop ng kape, “pero alam ko na kung saan siya nakatira.”“Ha? Saan?”“Sa bahay ni Amanda Madrid.”Hindi mapaniwalaan ni Senyor Gaspar ang narinig.“Boyfriend pala ng magaling na babaing ‘yon ang anak ni Amanda na si Victor Madrid.” pagbibigay impormasyon ng anak sa ama, “at ang lalaking ‘yon daw ang dahilan kung bakit tinakasan ni Sophie ang kasal namin.”“Sino’ng nagbigay sa iyo ng mga impormasyong ‘yan?”“Yong Best friend niya, na ngayon ay kaaway na n’ya.” Nag-iisip na kinuha ng senyor ang puswelong may umuusok, mainit na kape.&ldqu
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status