All Chapters of ANG TAKAS: Chapter 111 - Chapter 118
118 Chapters
CHAPTER 111 : COMPASSION
  Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Read more
CHAPTER 112 : LOVE IS FORGIVING
  Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Read more
CHAPTER 113 : WEDDING JITTERS
  Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer. Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal. Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Read more
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET
 CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGET Gumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo. Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Read more
CHAPTER 115 : BLANK DOCUMENT
  Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
Read more
CHAPTER 116 : UNDECIDED
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento. Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Read more
CHAPTER 117 : WHEN IT RAINS, IT POURS
  Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine.  Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Read more
CONCLUSION : THE WEDDING
    Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status