All Chapters of ANG TAKAS: Chapter 71 - Chapter 80
118 Chapters
CHAPTER 71 : THE KISS
  Lumingon sa nagmamartsang bride ang lahat ng nasa simbahan. Nasa mga upuang malapit sa altar ang mga bisitang kabilang sa mga elite sa lipunan, ang mga sikat na naghahangad na sumikat pa, kaya hindi pinalampas ang pagkakataong makita sa kasal ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas, bukod sa gusto rin nilang sukatin ang babaing piniling pakasalan ni Tony Sandoval.Naroon ang designer ng wedding gown na suot ng bride, at ang assistant nito. Nasasabik  silang makita ang wedding gown na creation nila, habang ito ay suot ng babaing ikakasal.“Ang ganda talaga ang creation mong wedding gown, Madam,” pagpuri ng assistant sa designer na pinagmamasdan ang bride na suot ng wedding gown, “parang Egyptian Princess ‘yong ikakasal sa suot niyang veil. Very mysterious. Nakakasuspens.”Taas ang noong ipinakita ng designer ang kanyang mukha sa mga naroon, na hindi naman siya pinansin.Ah, hindi lamang ang p
Read more
CHAPTER 72 : BROKEN PROMISES
  Ang designer ng wedding gown ang nagmamaneho ng sasakyan, katabi niya si Chevy, ang kaibigan niyang may kaalaman sa hipnotismo.“Bakit mo naman naisip na hinipnotismo ng Ella Caprichosa ang multii billionaire na si Tony Sandoval?” tanong ni Chevy sa babae.“E, hindii naman sa Ella na ‘yon supposedly ikakasal si Tony kungdi kay Sophie Samonte,” sagot ng designer, “bakit hindii man lang nagulat si Tony ng angatin niya ang wedding veil ng bride at nalantad ang mukha ni Ella Caprichosa?”“Ang mga kamag-anak ng groom, wala rin bang reaksiyon?”“Hiindi ko kilala ang mga kamag-anak ni Tony. Pero nakapagtatakang wala doon ang kanyang papa na si Senyor Gaspar Sandoval. Noon pa ay alam ko na, na si Senyor Gaspar ang totoong may gusto na maging asawa ni Tony ang Sophie Samonte na ‘yon.”Hindi naitago ni Chevy ang labis na paghanga nang makarating sila sa sila s
Read more
CHAPTER 73 : HONEYMOON NIGHT
  Humakbang papalayo kay Victor si Sophie. Agad namang sumunod sa kanya ang nobyo.“Saan ka pupunta?” Tanong nito.“Gusto ko lang maglakad-lakad, hanggang sa mapagod.”“Sasamahan kita.”Nang matanaw ni Sophie ang kamalig, kung saan nakatigil ang mga kabayong inaalagaan ni Jose.“Expert ka ba sa horse riding?” Tanong niya sa kasama.“Marunong lang, hindi eksperto.”Nagtatakbo si Sophie patungong kamalig, kasunod si Victor na walang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.Nilapitan ni Sophie ang mga kabayong naroon at hinimas ang bawat isa.“Garnet ang pangalan niyang kabayong hinahaplos mo,” pagbibigay alam ni Victor sa nobya, “kay Ate Amelia ang kabayong ‘yan. Pinangalanan niyang Garnet ang kabayong ‘yan, dahil ipinanganak ‘yan ng January. Garnet kasi ang birthstone ng mga ipinanganak ng January.&rdqu
Read more
CHAPTER 74 : TRAUMA
  “Kumusta siya, dok?” Tanong ni Amanda sa kanilang family doktor na sumuri kay Sophie.“She’s still under observation,” saad ng doktor na ang tingin ay hindi iniaalis sa mukha ni Sophie, “bantayan n’yo siyang mabuti. Tawagan n’yo ako agad kapag nagsuka siya, sumakit ang kanyang ulo o nagkaroon ng pamamanhid sa kanyang katawan, lalo na sa braso.”“Malala ba ang naging pinsala sa kanya ng pagkakahulog niya sa kabayo?”“Neck sprain pa lang ang nakikita kong pinsala niya sa ngayon,” sagot ng manggagamot, “bigyan n’yo siya ng pain reliever kapag idinaing niyang masakit ang leeg or batok niya.”“Miss Amanda, Doktor, excuse me,” hinging paumanhin ni Senyor Gaspar na sumingit sa pag-uusap ng dalawa, “gusto ko sanang i-suggest na dalhin na natin ngayon sa ospital si Sophie,” suhestiyon niya, “at doon n’yo na
Read more
CHAPTER 75 : JUSTICE FOR SOPHIE
  Matagal nang nakatingin sa wala si Ella. Ibinabalik niya sa kanyang imahinasyon ang nakapikit na mukha ni Sophie ng ito ay dalawin niya. Ang sama ng loob ay hindi niya naiwasan ng ang nakakunot na noo nito ay naging simangot nang marinig ang boses niya, at ni hindi pinagkaabalahang dumilat upang makita siya.“Galit siya sa akin,” pagkokonklusiyon niya, “Pero bakit? Ano ang nangyari sa pagtakas niya sa mansiyon? Ang ayos ng usapan namin ng maghiwalay kami…”Naputol ang kanyang pag-iisip ng hawakan siya sa magkabilang balikat ng asawa.“Ano ang iniisip mo, My dear sweet baby Ella?” Paglalambing nito.“Si Sophie.”“What about?”Malalim na buntunghininga si Ella. Tumindig mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Humakbang patungo sa balcony ng hotel room na kanilang kinaroroonan.Sumunod sa kanya ang asawa.Huminga siya nang malalim. Pinuno a
Read more
CHAPTER 76 : THE VOICE
  Matangkad, makinis ang balat na hindi naman kaputian, matikas kung tumindig at buo ang  kumpiyansa sa sarili ng lalaking nakatayo sa harapan ni Amanda. Ngumiti ito, ngiti na Lalong nagpatingkad sa angking kaguwapuhan ng lalake.Napatingin siya sa basket ng prutas na iniaabot nito sa kanya.“Para po kay Nurse Sophie.” Saad nito.“Kanino galing?” Tanong niya, kasabay sa pagkuha ng basket ng prutas na hawak ng lalake.Tatlong ulit na kumurap ang mga mata ng kanyang kausap, bago nakasagot sa kanyang tanong.“Kay Ella Caprichosa po.” Ang wika.“Ah! Halika pumasok ka sa loob.” Pagpapatuloy ni Amanda sa lalake sa kuwartong kinaroroonan ni Sophie, “Nasaan si Ella,” tanong niya,“ habang inilalapag sa mesang nasa tabi ng kama, ang iniabot ng kanyang kausap.Gising ang nakapikit na si Sophie. Pinakikinggan niya ang pakikipag-usap ni Amanda sa dumat
Read more
CHAPTER 77 : BURNED BRIDGE
  Palabas na ang lalaking nakasuot ng doctor's uniform sa ward na kinaroroonan ni Sophie, nang dumating si Victor. Mabilis na sinalubong at hinarang niya ito.“Dok, kumusta ho si Sophie Samonte,” tanong niya, “is she okay?”Tiningnan ng doktor ang binata, “kamag-anak ka ba niya,” tanong nito.“Girlfriend ko po siya.”Nakakunot ang noong matagal na tumingin sa kanya ang inaakala niyang manggagamot. Dikawasa’y umiling ito.“Dok, bakit? Ano’ng nangyari kay Sophie?” Pagpa-panic ng binata.“Kaya mo bang mahalin ang babaing hindi na nakakatayo? ‘Yung forever invalid at parang lantang gulay na lamang na walang silbi?”“God, No! Bakit naman ganoon?” Paghihimutok agad ni Victor.Tatakbo sanang papunta kay Sophie si Victor, ngunit mahigpit siyang pinigilan ng manggagamot sa balikat.“Saan ka pupunta
Read more
CHAPTER 78 : TRUTH HURTS
  Umaga pa lamang ay hinahanap na ni Victor ang kanyang mama. Hindi niya ito nakasabay sa almusal at hindi rin nakasabay sa pamamasyal sa bukid na nakagawian na nilang gawing mag-ina.Tanghali na. Nakaluto at nakapaghain na ng pananghalian si Denang ay hindi pa rin nila malaman kung nasaan si Amanda.“Nasaan ba si mama?” tanong ni Victor kay Denang, “wala na siya nang magising ako. Hanggang ngayon, wala pa rin,” mula sa kabahayan ay nagtungo ang binata sa komedor, “nagugutom na ‘ko.” nasambit niya nang maamoy ang masarap na pagkaing inihain ng kanilang kasambahay.“Sumubo na lang po muna kayo nang kaunti, Sir Victor,” payo ni Denang, “kumain na lang po ulit kayo mamaya ‘pag dating ni mama n’yo.”“Nasaan ba kasi si mama?” pangungulit ng anak ni Amanda, “hindi dadaan sa lalamunan ko ang pagkain hangga’t hindi ko alam kung nasaan si
Read more
CHAPTER 79 : BAKAL NA PUSO
  Walang tigil sa paghagulgol si Sophie. Hindi niya matanggap ang katotohanang ipinagtapat ng ama.“Hindi totoo ang sinabi mo, Pa,” pagtutumanggi niya, “ikaw ang papa ko! Ikaw lang!”Hindi napigil ni Gener ang mapaiyak. Maingat na niyakap ang anak. Hinaplos ang buhok nito. Hinagkan.“Ikaw lang ang nag-iisa kong anak.” Saad niya.“Ikaw lang ang kikilalanin kong ama, Papa,” pahayag ni Sophie, “buburahin ko sa isip ko ang lahat ng sinabi mo. Kakalimutan ko ang mga sandaling ito. Manantiling ikaw ang nag-iisang papa ko, forever,” pahayag pa rin nito sa pagitan ng mga sigok at hikbi.Nagpatuloy sa pagduduweto sa kanilang pag-iyak si Gener at Sophie, nang pumasok ang orthopedic surgeon na nangangalaga kay Sophie.“Eherm…” pagpaparamdam nito sa mag-amang nag-iiyakan.Sabay na napatingin sa manggagamot ang mag-ama. Mabilis na umalis sa kam
Read more
CHAPTER 80 : LIFE IS HARSH
  Tumatakbong dumating si  Gener, matapos itong ipahanap ni Amanda sa buong bahay. Sinugod ang anak at  mabilis itong niyakap. Patuloy sa pag-iyak si Sophie na halos ay magsara na ang namumugtong mga mata. Mahigpit na yumakap sa kanya ang dalaga“Ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak?” Tanong niya, na puno ng pag-aalala.Matagal bago nakasagot ang dalaga.“Hindi ko alam,” sagot nito, “basta parang bigla lang akong nalungkot tapos…” muli itong humagulgol ng iyak na hindi nagawang tapusin ang gustong sabihin.“Mabuti pa’y magpahinga ka na.” Wika ni Gener na walang tigil sa paghaplos sa likod ng anak, pilit na pinakakalma ito.“Mas mabuti po sigurong dalhin n’yo na siya sa kanyang silid na tutulugan,” suhestiyon ni Victor kay Gener, “baka nai-stress siya sa gulo ng kapaligiran.”Agad binuhat ng ama ang an
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status