Lahat ng Kabanata ng ANG TAKAS: Kabanata 61 - Kabanata 70
118 Kabanata
CHAPTER 61 : LOVE HURTS
  Nanginginig ang mga kamay na isinuksok ni Angelie ang susi sa seradura ng pintuan.“Buwisit kasi ang pulis na ‘yon, e,” reklamo niya sa wala, “kung hindi niya ako hinabol at hinuli, ‘di sana ay kanina pa ako nakauwi ng bahay.”Hindi niya napigil ang pagbalabag ng pinto sa biglang pagtulak niya sa pagbubukas noon. At ang muling pagkalabog nang nagmamadali niyang itinulak iyon pasara.“Ella!” Pagtawag niya nang malakas, pagkapasok ng bahay.Pasipang hinubad ang suot na sapatos na mataas ang takong, upang mapabilis pa ang nagdudumaling paghahanap kung saan naroon si Ella.Wala ito sa kabahayan maging sa sarili nitong silid tulugan.“Siguradong naglalasing na naman ang babaing ‘yon.”Sugod niyang pinuntahan ang kanilang munting bar room.“Ella!” Sumisigaw na siya. Nagpa-panic.Pumasok sa sub conscious ni Ella ang boses n
Magbasa pa
CHPTER 62 : CHILD-WOMAN
  Paano ba sinusupil ang pag-ibig? Bakit kailangang umibig? Para ano?Sa iilang panahon ng kaligayahan ang kapalit ay malawak na disyerto ng kalungkutan.“Walang forever!” pagkokondisyon ni Sophie sa sariling isip.Ilang oras na niyang pinipilit ang kanyang damdamin na sumunod sa inuutos ng kanyang utak. Ngunit nagmamatigas itong ipinipilit sa kanyang isipin si Victor at ang damdamin nito. Na walang kasalanan ang lalaking iniibig niya upang kanyang pagdusahin, para lamang saktan si Ella.“Siguro nga ay wala siyang kasalanan,” pakikipag-usap niya sa puso niyang nangungulit, “pero sa lahat ng labanan ay may collateral damage, at si Victor ang collateral damage sa labanan namin ni Ella.”Naiinis siya kay Ella. Nagagalit.“Napaka-impakta kasi niya. Ang dami niyang hidden agenda! Walang black and white sa kanya,  lahat shades of gray. Ang hirap n’yang paniwalaan. Hindi
Magbasa pa
CHAPTER 63 : PLATONIC LOVE
  Kahapon pa pumasok sa inbox ng kanyang email ang liham na nagmula sa email address ni Ella. Ayaw niyang pagkaabalahan muna ang kung ano man na nilalaman ng ng email na iyon, dahil hindi niya gustong magulo ang kanyang isip.“Napakarami kong backlog na kailangang asikasuhin. Mamaya ko na lang babasahin ‘yan.”Higit na mahalaga para sa kanya ang mga email na nagmula sa mga kliyente, business associates at iba pang liham na may kaugnayan sa negosyo ng kanilang pamilya.“Puro reklamo lang ang mababasa ko sa email na ‘yan.”Ah, pagud na pagod na siya sa maraming complain ng yaya-bantay ni Sophie. Kinukulili na ang kanyang tainga ng mga reklamo nito, mula pa noong unang araw na bumalik siya mula Korea.Ngunit hindi rin niya natiis na hindi buksan ang email.“Alamin ko na nga kung ano man ang reklamo ng babaing ‘to, para matapos na ang lahat, once and for all.”
Magbasa pa
CHAPTER 64 : GHOSTS
  Hindi madali ang yumuko at humingi ng kapatawaran, ngunit isinagawa iyon ni Sophie bilang pag-amin ng kanyang pagkakamali kay Ella.“Kilala kita, Sophie,” saad ni Ella, “impulsive ka. Pabigla-bigla sa iyong desisyon lalo pa at nababangga ang iyong pride. A child-woman. A rebel with undetermined cause,” pagpapatuloy ni Ella, “but you are so intelligent and have a very photographic memory. Kaya nga idol kita, e!”“Maryosep, nagso-sorry lang ako sa ‘yo ang dami mo nang sinabi!” Angal ni Sophie.“Alam ko kung gaano kahirap ang humingi ng sorry. Hindi madali ang lumunok ng pride. Pero ginawa mo.”“E, mali nga kasi ako. Alangan namang magmataas pa ako, e, alam ko namang ako ang may pagkakamali,” paliwanag ni Sophie, “kayabangan na ‘yon kapag ganoon. Walang kuwentang tao ang mayayabang na tao, noh!”“Kaya nga idol na idol kita,
Magbasa pa
CHAPTER 65 : KASALANANG PINAHINTULUTAN
  “Napanaginipan ko si mama kagabi,” pagbabalita ni Sophie sa kanyang papa, “binigyan niya ako ng white rose, tapos pumunta siya sa liwanag na hindi ko alam kung saan nanggagaling, tapos dinala siya ng liwanag at bigla na lang nawala.” “Napatawad na nga siya sa kanyang mga kasalanan, gaya ng aking inaasahan.” Saad ni Gener.“Ganoon ba ‘yon, Pa?”“Ayon sa mga matatandang nakilala ko noong kabataan ko. Kahit ang mga Lolo’t lola ko ganoon ang sinasabi.”“Ano ba ang mabigat na naging kasalanan ni mama?”Hindi nakapagsalita ang ama.Hindi nais ni Gener na masira ang imahe ni Cory sa anak nila. Ayaw niyang mawalan ito ng respeto sa kanyang asawa.“Mabait naman si mama, ‘di ba?” Pangungulit ng anak.“Oo, tama ka. Mabait talaga ang mama mo.”“Ano ba a ng naging sakit ni mama, bak
Magbasa pa
CHAPTER 66 : FRIENDS (?)
  Ilang araw na sa bahay nila sa Palawan si Victor, at pinagtatakhan ni Amanda ang excited na pagkokondisyon ng anak sa kotse nitong Mustang, na gamit kapag lumalaban ng pakikipagkarera ng sasakyan.“May laban ka, anak?” Tanong niya.“Laban ng buhay, Ma. Pakikipaglaban para sa pag-ibig.” Sagot ng anak na may excitement sa tinig. Si Sophie lang ang nag-iisang pag-ibig ng kanyang anak, kahit pa nagkaroon ito ng kuwintas ng affair sa kung sinu-sinong babae, na kahit ang pangalan ay hindi na niya maalala pa. Si Sophie ang nag-iisang babaing minahal ni Victor, nang higit kahit pa sa first love nito na nagdulot dito ng kabiguang naging sanhi upang maging mapaglaro ito sa pag-ibig.Si Sophie ang nag-iisang babae na naging dahilan upang maging seryoso sa buhay ang kanyang anak.“Itatakas mo si Sophie?” Tanong ni Amanda.Hindi sumagot ang anak na ipinagpatuloy ang pagkakalikot sa mga
Magbasa pa
CHAPTER 67 : ANG AHAS
  Nagpalagay ng TV monitor si Tony sa silid na kinaroroonan ni Sophie, at ipinagbilin dito na laging manood sa ano mang palabas na lilitaw sa monitor, upang makita niya ang mga nagaganap sa paghahanda ng kasal nila. Ang nais ng groom ay maging updated siya sa bawat pangyayaring nagaganap sa papalapit na araw ng kasalan.Ngunit hindi siya interesado sa kasalang iyon. Magiging masaya at payapa ang kanyang isip kung wala siyang malalamang kahit ano tungkol sa event na iyon. Ngunit batas si Tony sa mansiyong ng mga Sandoval. Lahat ng sasabihin nito ay kailangang masunod, at kasama siya sa pinasusunod ng nag-iisang anak ni Senyor Gaspar Sandoval."Basta't sundin mo lang kung ano man ang gusto niya," naalala niyang bilin sa kanya ni Ella, "ang importante lang ay huwag ka niyang mahawakan, you know what I mean," pagpapatuloy nito, "just don't rock the boat. You'll see makakarating din tayo sa dapat nating puntahan."Pasulyap-sulyap lamang siya
Magbasa pa
CHAPTER 68 : FIRST LOVE
  Bisperas ng kasal ni Tony. Paroo’t parito siyang naglalakad sa kanyang silid tulugan. Pakiramdam niya’y para siyang bibitayin. Nasa puso niya ang takot at pag-aalala, na dahilan kung bakit walang tigil ito sa malakas na pagtibok ang kanyang puso na akala mo dumadambang kabayo sa loob ng kanyang katawan.“Paano kung hindi mag-work out ang marriage namin?” Buhay at kinabukasan nila ng babaing pakakasalan niya ang nakataya sa pag-iisang dibdib nilang iyon.“Parang hindi ko kayang magpatali sa kanya,” pag-aalala niya, “sa isang pagkakamali nagsimula ang lahat, kailangan bang sa isang pagkakamali rin ito matapos?”Si Ella ang totoong mahal niya, ang tunay na ititibok ng kanyang puso. Ang babaing sa bawat sandali ay kinasasabikan niyang makasama, kahit pa nga madalas silang mag-away dahil sa sobrang insecure nito sa relasyon nila.Miss na miss na niya si Ella. Hindi natiis
Magbasa pa
CHAPTER 69 : TWO BRIDES
  Araw na ng kasalang Sophie Samonte-Tony Sandoval. Maliban sa mga kasambahay na nagkakagulo at excited sa magaganap na kasalan, ay tahimik ang buong mansiyon ng mga Sandoval. Walang bisitang dumarating, walang kakilalang nagpupunta.Tiniyak ni Tony at ng kanyang staff na walang sino man ang papayagan na makapasok sa loob ng mansiyon, upang matiyak ang privacy ng mga ikakasal. Sa simbahan lang at sa hotel, kung saan gaganapin ang reception ng kasal tatanggapin ang sino mang imbitado na pupunta.Nag-iisa sa kanyang silid si Tony, na kahit ang kanyang mga groomsmen ay hindi niya pinayagang makapasok. May itinakda siyang oras para sa mga ito para siya puntahan. Nais niyang mapag-isa ng mga panahong iyon at sa mga oras pang darating bago sumapit ang takdang sandali ng kanyang pagpunta sa simbahan.Ibig niya’y namnamin ang bawat huling sandali ng kanyang pagiging binata.Maraming katanungan sa kanyang isip ang nangangailangan ng
Magbasa pa
CHAPTER 70 : NASAAN SI VICTOR?
  Paulit-ulit niyang tinatawagan si Victor, ngunit; “the number you dialed cannot be reach” ang lagi niyang naririnig sa kanyang phone. Natataranta na siya. Nagpa-panic.Nag-aalala siya. Iniisip na baka may masamang nangyari sa katipan. Baka nagaganap na ang inaalala ni Victor na gagawing katrayduran ng kaibigan niya. Baka nga totoo ang tungkol sa ahas na panaginip nito.Muli niyang idinayal ang numero ng telepono ng nobyo.“The number you dialed is now unattended”Gigil na pinindot niya ang kanyang cellphone.“My God, Victor nasaan ka,” gigil na naitanong niya sa wala, “magparamdam ka naman!” naisigaw na tuloy niya.Pilit pinakakalma ang sariling nagpalakad-lakad siya sa silid tulugan. Panay ang tingin sa oras sa  cellphone na kanyang hawak.“OMG! Padating na ang sinasabi ni Ella na susundo sa akin, pero hindi ko pa rin makontak ang Victor na ‘
Magbasa pa
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status