All Chapters of ANG TAKAS: Chapter 81 - Chapter 90
118 Chapters
CHAPTER 81 : SINO ANG DAPAT SISIHIN?
  Nagpapalitan ng kuru-kuro ang mga abogado ng mga Sandoval sa depensang gagawin kapag nag-file na ng complaint si Sophie sa husgado, tungkol sa pagpapakidnap ni Tony sa babae.“Kidnapping is a non-bailable offense,” pahayag ng isa sa mga abogado, “siguradong makukulong agad si Tony, once na ma-approve ng piskalya, na itaas sa husgado ang nai-file na complaint si Miss Sophie Samonte,” dagdag na paliwanag pa.“Hindi ako papayag na makulong ang anak ko,” saad ni Senyor Gaspar, “napakaraming pagdurusa ang pinagdaanan ng anak ko, dahilan sa pagpipilit kong sila ni Nurse Sophie ang maging mag-asawa. Ako ang dapat parusahan kung mayroong dapat parusahan.”Tumingin sa paligid ang mga abogado. Tiningnan kung nasa conference room ang anak ng Senyor.“Nasaan nga pala si Tony, Senyor Gaspar?” Tanong ng isa sa mga abogado, nang hindi mamataan ang hinahanap ng tinginHumarap k
Read more
CHAPTER 82 : DATING KAIBIGAN
  Matagal na pinagmasdan ni Gener ang nakapikit na anak.“Sophie…” mahinang pagtawag niya dito.“Yes, Papa.” Sagot ng anak na hindi dumilat.“Gusto mo bang samahan kita dito,” tanong niya, “puwede akong matulog dito sa sofa, komportable namang matulog dito, e,” pahayag pa.“Mas gusto kong mapag-isa, Pa.” Sagot ni Sophie na hindi pa rin dumidilat.Napabuntunghininga si Gener. Gusto niyang bantayan ang anak, na sa kanyang sapantaha ay nagkakaroon ng problema sa isip at damdamin.“Okay. Pero huwag mong ila-lock ang pinto ‘pag labas ko, ha,” hiling niya dito, “para matsi-check kita every now and then nang hindi ko maaabala ang pagtulog mo.”Inaalala ni Gener ang magulong takbo ng utak ng anak. Ang pagkakaroon ng depression at posibleng pagkakaroon ng nervous breakdown ang iniiwasan niyang mangyari dito.Isinara
Read more
CHAPTER 83 : FRIENDS IN LOVE
  Akward na ang pakiramdam ni Ella sa naging sitwasyon nila ni Tony. Nag-iisIp pa rin siya ng magandang paraan upang malusutan ang mga naging kilos at salita ng asawa, na nagbibigay hinala kay Sophie.Nang makarinig siya ng magandang awitin mula sa malayo.And I’d climb every mountain, and swim every ocean…just to be with you and fix what I’ve broken… Oh, ‘cause I need you to see…that you are the reason…“Ang ganda ng kantang ‘yan,” saad niya, “alam mo ba kung sino’ng kumanta niyan,” tanong niya kay Sophie.Nanainga si Sophie. Ipinokus ang isip sa tinutukoy ni Ella.“I don’t wanna fight no more, I don’t wanna hide no more…. I don’t  wanna cry no more…come back I need you to hold me…“That’s Calum Scott.” Sagot niya sa tanong ni Ella.N
Read more
CHAPTER 84 : AMNESIA
  Excited si Victor, habang bumababa sila ng kanyang mama sa hagdanan ng eroplanong sinakyan mula sa Mindoro. Kung puwede lang na liparin niya ang papunta sa tahanan ng Samonte ay ginawa na sana niya. Sabik na sabik na siyang makita ang babaing pinakamamahal niya.“Makakarating ba agad kay Sophie ang mga prutas na ipinasakay mo sa cargo plane, Ma?”“Oo, naman! Relax ka lang. Masyado kang excited, e.”“Kung hindi nga lang kita kasama, Ma, malamang sa hindi na tumatakbo na ako palabas ng airport.”“Malamang sa hindi ay may sumunod na security sa iyo kapag ginawa mo ‘yon. At tiyak for questioning ka.” Wika ni Amanda na nagtatawa.Nilapitan ni Victor ang ina. Inakbayan.“Bilisan na kasi natin.” Wika niya sa ina.Nakalabas ng airport ang mag-ina. Agad iginiya ni Victor ang ina sa isang naghihintay na sasakyan. Inalalayan siyang makapasok sa loob niy
Read more
CHAPTER 85 : ANG TUNAY NA INIIBIG
  Hindi inasahan ni Sophie ang biglang pagdating ni Senyor Gaspar, na umabala sa seryosong pag-uusap nila ni Victor. Nasa harap na ito ng main door ng kanilang bahay, sa ikatlong baitang ng hagdan patungo sa sala kung saan sila naroon ni Victor, nang ito ay kanyang mapansin.“Tumuloy po kayo, Sir,” pagpapatuloy ni Sophie sa Senyor, “hindi po ba kayo nagkita nina papa at Ma’m Amanda?”“Nandito si Amanda?” Masaya, may ningning sa mga matang naitanong ng Senyor.Na si Victor ang agad na sumagot.“Opo, nasa hardin po siya kasama si Sir. Gener.”Nagdalawang isip ito kung pupuntahan ba muna si Amanda o uunahin ang pakikipag-usap kay Sophie.“Puwede n’yo po siyang puntahan do’n,” ani Sophie, “siguradong matutuwa silang dalawa ni papa kapag nakita kayo.”“Sige, sige, pupuntahan ko sila!” Pagdedesisyon na niya.
Read more
CHAPTER 86 : DESTINY
  Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Ella, habang papalapit nang papalapit ang mukha ni Tony sa mukha niya. “Nakikilala mo na ako?” Halos pabulong na naitanong niya.Ibig niyang matiyak na alam ng hahalik sa kanya na siya si Ella Caprichosa. Na tiyak nito sa isip at sa puso na ang hahagkan nito ay ang asawang pinakasalan, at hindi ang kung sino man na nasa lumang alaala nito at naiwan doon, kahit ang lahat ng iba pang mga alaala ay nabura na.Natitigilang tumitig sa mukha niya ang lalake. Wari ay kinikilala siyang mabuti.“Naalala mo na ako, ‘di ba? Ako ng iyong Sweet Baby Ella. Ang babaing iyong pinakasalan… asawa mo!”Marahang binitawan ni Tony ang magkabilang pisngi niya, na hawak nito nang dalawang kamay. Umatras sa pagkakaupo. Laglag ang mga balikat na yumuko. Wari ay pagod na pagod itong naghahangad na makapagpahinga. Umatras. Nahiga. Ipinatong ang kaliwang braso sa n
Read more
CHAPTER 87 : SPECIAL FRIEND
  Alumpihit na si Amanda sa pag-aalala sa kalagayan ni Senyor Gaspar. Nami-miss na niya ang masayang mga pagbibiro at pagpapatawa nito sa kanya. Gustung-gusto niyang marinig ang masiglang tinig nito na laging may positibong pagpapaalala sa kanya.Halos ay mapudpod na ang suot niyang tsinelas sa kapaparoo’t parito sa kanyang silid tulugan. Hindi niya madesisyunan kung tatawagan o hindi ang lalaking nasa kanyang damdamin at isipan.May ilang linggo na ring ni hindi siya tinawagan, para kumustahin man lang ng kanyang masugid na manliligaw.“Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Maysakit kaya siya?“ Paulit-ulit niyang tanong sa hangin.Tiningnan niya ang kanyang cellphone na kanina pa niya hawak. Pinindot iyon upang lumitaw ang pangalan ng kanyang mga contact.Nasa “special friend” ang pangalang Gas Sandoval.Maraming sandali na ang lumilipas mula ng isipin niyang kanyang tatawagan ang numero
Read more
CHAPTER 88 : THE PROPOSAL
  KRIIIINNNGGG…KRRRIINGGGG…KRRIIINNNGG…Paulit -ulit ang halos walang tigil na pag-iingay ng telepono ni Senyor Gaspar, ngunit hindi ito naririnig ng Senyor na naliligo sa banyo. Nais niyang maging malinis na malinis at maayos na maayos sa pagharap kay Amanda.Nakatigil na sa pagkiriring ang phone nang lumabas ng paliguan ang lalake. Mabiis na nag-ayos. Tiniyak na presentable siya sa magiging paghaharap nila ng babaing kanyang nililigawan. Pumasok sa kanyang walk in closet at pinili ang pinakasimpleng polo at pantalon na naroon.Ilang sandali pa’y nagmamaneho na ito, excited at ang ibig ay makarating agad sa hotel na kinaroroonan ni Amanda Madrid.KRRIIINNGGG…KRRIINNNGG…KRRRIINNGG…Nag-iingay na naman ang kanyang telepono na naiwan niya sa ibabaw ng kanyang kama.…….Iritang-irita si Sophie.“Hindi sinasagot ni Senyor Gaspar ang kanyan
Read more
CHAPTER 89 : A MOTHER'S LOVE
  Biglang kumislap ang brilyanteng nasa singsing na suot ni Amanda, nang tamaan ito ng liwanag, na bahagyang ikinasilaw ni Victor.“Wow, ang laking brilyante n’yan,” nasambit niya na hindi naiwasan ang mapatingin sa daliri ng ina, “siguradong mahal ‘yan.”Hindi nagsalita, buong kasiyahang pinagmasdan ni Amanda ang suot na singsing.Nakaramdam ng paghinala si Victor.“Engagement ring ba ‘yan, Ma?” Tanong niya na may kahalong kaba.Hindi agad sumagot ang ina. Sinalubong ng tingin ang nagtatanong na anak.Nakakunot ang noo ng anak niya. Nasa mga mata ang hindi naitagong sama ng loob. Ang sakit ng damdamin.Nag-alala si Amanda. Paano kung hindi siya payagan ni Victor na mag-asawang muli? Kung ayawan nito ang pakikipagrelasyon niya kay Senyor Gaspar?Nabura ang kasiyahang nasa kanyang mukha. Nawala ang ngiting, yumuko ito at muling pinagmasdan ang singsi
Read more
CHAPTER 90 : SOPHIE VS VICTOR
  Nararamdaman ni Victor na may gulong magaganap. Na may namumuong bagyo sa pagitan nila ng babaing dinalaw.Ramdam na niya ang kumukulong galit ni Sophie na parang kumukulong lava ng bulkang nagbabantang sumabog ano mang sandali.Agad niyang iniabot ang box of chocolates at mga roses na pasalubong niya sa katipan, umaasang mapipigil noon ang nagbabantang pagsabog ng bulkan.Hindi kinuha ni Sophie ang kanyang iniaabot. Sa halip ay humalukipkip at tumalikod ito sa kanya.Lalo ng kinabahan ang binatang nagsimulang mag-isip kung ano ang kasalanang kanyang nagawa sa nobyang animo bagyong nag-iipon ng lakas.Sinubukan niya ang magbiro. Nagbabakasakaling mapangiti man lang ang kasintahan.“Full moon ba ngayon? Bakit tila yata lalabas ang wolf personality mo, Babe.”Hindi pinansin ni Sophie ang kanyang pagbibiro. Nanatili itong nakatalikod sa kanya at nakahalukipkip.“Hindi mo man lang ba ak
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status