Lahat ng Kabanata ng ANG TAKAS: Kabanata 101 - Kabanata 110
118 Kabanata
CHAPTER 101 : LIHIM NA UMIIBIG
  Detalyadong isinalaysay ni Nadine at Alijohn kay Senyor Gaspar ang buong pangyayari na kanilang isinagawa sa pagkuha ng ransom money. Itinuro rin nila ang probinsiyang kinaroroonan ni Sheryl at kung kaninong kamag-anak ito nakikituloy doon.“Bakit binalikan n’yo pa si Victor, gayong dala n’yo a ang ransom money,” tanong ng Senyor na nagtataka, “Kung pinabayaan n’yo na lang siyang nasunog, di sana’y marami na kayong pera. Bakit itinaya pa ninyo ang buhay n’yo? ‘Yan tuloy nahuli kayo at nabugbog pa itong si Alijohn. At malamang sa hindi ay makulong pa kayo.”Hindi makapagsalita si Nadine. Hindi rin niya ganap na maunawaan ang sarili, kung bakit itinaya niya ang sariling buhay para sa kaligtasan ni Victor Madrid.“Kung hinayaan n’yo na lang na nasunog si Victor, di walang makapagsasabi kung sino kayo. Bakit itinaya pa ninyo ang  buhay n'yo para ililgtas ang anak
Magbasa pa
CHAPTER 102 : AMANDA VS SENYOR GASPAR
  PInakikiusapan ni Senyor Gaspar si Amanda.“Hindi ka ba nahahabag kay Nadine,” tanong niya, “nagkalapnos-lapnos ang mukha at katawan ng babaing ‘yon sa pagliligtas sa anak mo. Kung hindi nila binalikan si Victor, malamang sa hindi ay nasunog nang buhay ang anak mo!”“Siya ang nagkulong sa anak ko sa bahay na ‘yon,” ganting paliwanag ni Amanda, “she deserves what happened to her. Kung hindi niya kinidnap ang anak ko, hindi sana nangyari ang mga pangyayaring naganap.”Tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama, sa tabi ni Amanda ang Senyor. Lumayo nang ilang hakbang sa asawa bago humarap at muling nagsalita.“Ilang ulilt bang kailangang sabihin sa iyo ni Victor na hindi siya kinidnap ni Nadine? Na natagpuan siyang walang malay ng babae at dinala sa bahay nila.”“At pagkatapos ay pinadalhan niya ako ng ransom note! Sampung milyong piso ang hiningi
Magbasa pa
CHAPTER 103 : PRIDE O PAG-IBIG?
  DING-DONG! DING-DONG!Ayaw maabala sa panonood ng TV, hindi tuminag sa kinauupuan si Sheryl, kahit paulit-ulit na ang pagtunog ng door bell sa labas ng bakuran ng apartment na kanilang tinitirahan.“Hoy, Sheryl, bingi ka ba,” bulyaw ni Nadine sa kanya, “kanina pa tumutunog ‘yong doorbell hindi ka pa kumikilos para buksan!”“Nanonood ako, e, bakit hindi ikaw ang magbukas?”“Naghahain ako ng hapunan natin. Nasa CR naman si Alijohn at nakaupo sa trono.”Inis, nagdadabog na tumayo mula sa kinauupuan si Sheryl. Lumabas para alamin kung sino ang nagdo-doorbel.“Istorbo!”Isang teen-ager na lalake ang nakatayo sa harapan ng gate ang nakita ni Sheryl. Nakasuot ito ng luma, may ilang butas na t-shirt at lumang shorts naman ang suot na pang-ibaba.“Sino ka? Ano’ng kailangan mo?” Tanong ni Sheryl dito.“Nandiyan po
Magbasa pa
CHAPTER 104 : AMANDA
  Mabigat ang damdaming nag-impake ng mga damit at gamit niya si Amanda. Hindi niya nais na dumating ang sandaling si Senyor Gaspar pa mismo ang magpaalis sa kanya, na iniisip niyang posibleng mangyari kung may iba ng napupusuan ang kanyang asawa.“Sa hitsura ng pustura niya kanina at sa saya ng expression ng mukha niya, ay hindi malayo na napalitan na nga niya agad ako.”Pakiramdam niya’y pinalo ng maso ang kanyang puso.  Durog.  At pakiwari niya’y hindi na ito mapagkakabit-kabit pa. Walang ano mang uri ng glue o pandikit ang makapagbubuong muli ng nagka-piraso niyang puso.“Hi, Ma!”Napalingon si Amanda sa pintuan ng silid na kanyang kinaroroonan.“Victor!”Patakbong niyakap niya ang anak. Hindi niya napigil ang maiyak.“Sus, ang mama ko,” wika ni Victor, “akala mo naman kay tagal naming hindi nagkita. “Sa pakiramdam n
Magbasa pa
CHAPTER 105 : TO HAVE LOVED AND LOST
   Halos hindi makahinga si Nadine. Nararamdaman niya ang galit na nasa mga mata ng babaing kanyang kaharap. Gusto niyang itago ang takot na kanyang nararamdaman, ngunit lantad na lantad iyion sa panginginig ng kanyang mga kamay.Pinagmamasdan ni Amanda ang mukha ng babaing kaharap. May pitik ng awa siyang naramdaman sa puso, sa nakitang malaking peklat na nakaalsa sa mukha nito. Kinilabutan nang maglaro sa kanyang isip ang hitsura nito sa pagpasok sa bahay na nagliliyab upang iligtas ang kanyang anak. Waring naramdaman niya ang init ng apoy na sumasalab sa mukha nito habang pinapasok ang nag-aapoy na bahay.“Ikaw si Nadine?” Tanong niya sa tinitingnan.“Yes po.” Sagot nito.“Kilala mo ‘ko?”“Kayo po si Amanda Madrid na nagpakasal kay Senyor Gaspar Sandoval, ina ni Victor Madrid.”Sarcastic ang ngiting naglaro sa mga sulok ng bibig ni Amanda. 
Magbasa pa
CHAPTER 106 : THE MATRON OF HONOR
  Hindi magkamayaw sa pagkukuwentuhan ang magkaibigang Ella and Sophie. Pareho excited na halos nagkakasabay sa pagsasalita at pagbabalita ng mga nagaganap sa kani-kanilang mga buhay.“Teka muna,” pagpigil ni Ella sa kanilang magulong pag-uusap, “may wedding planner ka na ba? Wedding coordinator? Mga bridesmaid?”“Kumpleto na lahat, Maliban sa isa,” tugon ni Sophie, “wala pa akong maid of honor.”“Hindi na ako puwedeng maid of honor,” pagbibigay alam agad ni Ella, “may asawa na ako.”“E, di matron of honor!”Nagtawa si Ella.“I’ll be very honored to be your matron of honor, Sophie,“ pahayag niya, “pero gusto ko naka-high heels ako kung magme-matron of honor ako, para maganda ang butt ko kapag naglalakad na ako palapit sa altar.”“Ano’ng problema ‘don? ‘Di mag-high heels ka.
Magbasa pa
CHAPTER 107 : ANG MGA KATOTOHANAN
  Halos guhit na lang ang pagitan nila ng sasakyang muntik na niyang nakabanggaan, kung hindi sila kapwa nakapagpreno ng driver ng sasakyang muntik ng makasalpukan ng minamaneho niyang van. Nayanig, ngunit nasa isip pa rin ang anak na nasa bar at walang ulirat dahil sa labis na kalasingan.“Kailangang mapuntahan ko agad si Victor.” Ang nasa isip niya.Kinatatakutan niya ang masasamang loob na baka gawing “katuwaan” ang kanyang anak. Ganoon din, inaalala niya ang mga tinatawag na scalawag na mga pulis, baka “taniman” ng mga ito ng bawal na gamot ang anak niya ay mag-imbento ng kung anu-anong kaso para “mapagkakitaan” silaMaraming nakababahalang isipin ang nagsusumiksik sa utak niya. Kailangan niyang magmadali! Hindi niya inalintana ang driver ng sasakyang muntik na niyang makabangga, kahit nakita niyang bumaba ito ng sasakyan.Mabilis niyang ik
Magbasa pa
CHAPTER 108 : MULTO NG NAKARAAN
  Nananaginip siya. At sa kanyang panaginip ay nakikita niya ang sariling nakasuot ng magandang wedding gown. Puno ng paghangang tinitingnan siya ng lahat ng naroon. Parang sasabog na ang kanyang puso dahil sa labis na kaligayahang kanyang nadarama. Magkakaroon na rin ng katuparan ang pangarap nyang makasal kay Victor. Magkakaroon na rin siya ng pinakapapangarap niyang sariling pamilya.Nagsimula siyang maglakad sa aisle, papunta sa harapan ng altar. Nakita niyang naghihintay si Victor na sa harapan ng altar. Nakangiti ito. Nasa kislap ng mga nito ang labis na kaligayahang hindi mailalarawan.Umaapaw rin ang kaligayahang kanyang nadarama. Napakurap siya nang maramdaman ang luhang umaalpas sa kanyang mga mata.Ngunit sa kanyang pagdilat ay wala ng tao sa kanyang paligid. Pilit na hinagilap ng kanyang tingin si Victor.Wala ang lalaking kanyang pakakasalan!Sinalakay ng walang pangalang takot ang kanyang damdamin. Natatarant
Magbasa pa
CHAPTER 109 ONE OF A KIND
  Tumindig si Victor, matapos pagbigyan si Moira, ang dati niyang karelasyon na nang-blackmail sa kanya.."Hindi ka pa rin kumukupas,” pahayag ni Moira, “ikaw pa rin ang dating ikaw. Hot but gentle. Para kang bulkang Mayon kapag pumuputok, napakainit,” ngumiti ang babaing nanatili sa kama, “napakagandang pagmasdan subalit may takot na mararamdaman ang sino man na madadarang. You’re one of a kind. Ibang klase ka!”“Talagang dapat kang matakot,” saad ni Victor, “dahil kapag nilapitan mo si Sophie at hindi ka tumupad sa usapan nating isasara mo ‘yang bunganga mo at hindi mo ibubulgar ang sikreto ko…”Nagpatuloy siya sa pagbibihis, na hindi tinapos ang sinasabi.“Ano’ng mangyayari?” Tanong ni Moira sa tonong naghahamon.May talim sa mga mata at pagbabantang tiningnan ni Victor ang babae, “kaya kong pagbayaran sa bilangguan ang kama
Magbasa pa
CHAPTER 110 : ANG PAG-ATRAS SA KASAL
  Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at
Magbasa pa
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status