Lahat ng Kabanata ng Chasing The Guy Who Saved Me: Kabanata 31 - Kabanata 40
60 Kabanata
CHAPTER 31
Tatlong araw na lang bago ang midterm exam pero heto ako at stuck sa paggawa ng case study kasama si Dwight.Hindi ko ba naman maintindihan sa lalaking ito at bakit sumama pa siya sa akin. Ilang oras pa kaming nagtalong dalawa sa apartment, ngunit a huli heto kaming dalawa at nakasakay na sa bus. Nakatayo dahil wala nang mauupuan.Napapikit ako nang tumama sa braso ko ang siko ng lalaking nagpupumilit pa rin magpunta sa pinaka-dulong bahagi ng bus."Can you please be considerate to other people? You don't even say sorry."Hinawakan ko si Dwight sa dulo ng kanyang suot na shirt para patahimikin siya, dahil nang bumaling ako sa lalaking nakabangga sa akin ay mukhang siya pa ang galit sa amin."Aba kung ayaw mong masiko ang girlfriend mo dapat ay hindi kayo rito sa bus. Mga kabataan nga naman ngayon, maaarte na."Mas lalo yata akong na-stress dahil sa isinagot sa amin ng mama
Magbasa pa
CHAPTER 32
Natigil kami ni Dwight sa kakulitan namin nang biglang magsalita si Lola Esme. Kaagad akong napalayo kay Dwight dahil sa hiya."Kumain muna po kayo," magalang na wika ni Luna.Inalalayan pa ako ni Lola Esme saka na siya naupo sa pinaka-gitnang upuan netong mesa habang nasa right side niya ako. Samantalang naupo naman si Dwight sa tabi ko. Si Josh naman ang nasa harap ko habang sa tabi niya naupo si Tamara.Luna is nowhere to be found. Bigla na lang siyang nawala nang makaupo na kami sa hapag.Hanggang sa naging tahimik kaming lahat. Tanging tunog lang ng utensils ang maririnig sa tuwing tumatama ito sa aming mga plato. Ngunit nabasag ang katahimikan nang mag-agawan kami ni Dwight sa huling piraso ng fried chicken."Be gentleman, Dwight. Nauna ako kaya akin ito.""Be gentledog, Lex. Akin ito dahil ako ang pangalawang tumusok."Nagsukatan naman kami ng tingi
Magbasa pa
CHAPTER 33
Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama. Maayos naman naming natapos ang case study. Bale ititipa ko na lang ibang parte dahil kanina ay si Dwight na ang nagtapos ng iba. Willing pa nga siyang tumulong but then I stop him. Masyado na siyang maraming ginawa para sa akin sa araw na ito.And about Josh, hindi na kami nakapag-usap after our confrontation sa garden ni Lola Esme. Ni tinginan sa isa't isa ay hindi na namin nagawa. Mabuti na lang at dala niya ang kanyang motor kaya nag-separate ways na rin kaming apat dahil kami ni Dwight ay nag-bus ulit pabalik.Ginamit ko ang isa kong kamay bilang unan, habang ang isa naman ay ginamit ko pangtakip ko sa aking mukha. Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Josh kanina. He wanted me to avoid Dwight because he is jealous? Ito nanaman siya at binibigyan ako ng pag-asa kahit na alam naming pareho na may iba na siyang gusto.I'll just forget about this for the me
Magbasa pa
CHAPTER 34
Kaagad kong naiwas ang mukha ko kay Dwight saka napalingon sa likod ko. Doon ko natagpuan si Josh na hindi na maipinta ang mukha. Tila may kakaibang awra ang bumabalot sa kanyang likuran."J-josh.. nandiyan ka na pala."Nakita ko pa ang pagngisi ni Dwight pero hindi ko na lang siya pinansin. Sa inuupuan ko naupo si Josh kaya bahagya akong umusog para magkaroon ng space para sa kanya pero mukhang na-misunderstood niya iyon."You look guilty.""Why would I?" nagtatakang tanong ko."Then sit closer to me."Wala na akong nagawa pa kung hindi ang umusog papalapit sa kanya."May 15 minutes na lang ako before my shift. So, let's make it quick."Hindi na nagsayang pa ng oras si Josh at kaagad na niya akong binigyan ng mga math problems at ganoon din si Dwight.Lumipas pa lang ata ang limang minuto ay tapos na kaagad si Dwight. Sab
Magbasa pa
CHAPTER 35
Mukhang naramdaman niya ang presensiya ko kaya nabaling na sa akin ang atensiyon niya. "Come here. Let me blow your hair."Napatango lang ako saka naupo sa may bandang ibaba niya. Nakagat ko na lang ang labi ko nang magsimula na siyang gamitin ang blower sa buhok ko.Never pumasok sa isipan ko na mangyayari ang ganitong senaryo pero ngayon nga ay nangyayari na. At para sa akin, napa-sweet ng ganitong eksena. Sa mga k-drama ko lang ito napapanuod, pero ngayon ay nangyayari na sa akin.Dumaan ang ilang minuto ay tuluyan na siyang tumigil sa ginagawa, sa palagay ko ay natuyo na ang buhok ko. Unconcious akong napatingala sa kanya at hindi ko naman akalain na nakatingin pala siya sa akin kaya kaagad kong naipihit pababa ang ulo ko at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Napatayo na rin ako nang tumayo na si Josh."Anong gusto mong inumin?""I want some tea."
Magbasa pa
CHAPTER 36
Tila naging mabilis ang oras. Namalayan ko na lang na nandito na ako sa police station. Natapos na nila akong tanungin patungkol sa nangyari sa apartment. Hinihintay ko na lang ang order ng pulis para makauwi na ako.Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking buong katawan. Pakiramdam ko kapag ipinikit ko ang aking mga mata ay maaalala ko lang kung anong nangyari kanina.Mabuti na lang ay nakasalubong ko sa daan si Kuya Al. Hindi ko pa malaman kung dapat ba akong magtiwala sa kanya dahil pakiramdam ko ay kasabwat din siya. Ngunit nang makita ko kanina ang pag-aalala sa kanyang mga mata ay isinantabi ko ang mga bumabagabag sa loob ko at tuluyang umiyak sa mga balikat niya.Siya na rin mismo ang nagdala sa akin sa police station at siya pa mismo ang tumawag ng mga pulis para ipahuli si Kuya Jay.Nabalik lang ako sa reyalidad nang may magpatong ng jacket sa aking balikat. Nang iangat ko ang aking tingin ay mab
Magbasa pa
CHAPTER 37
Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising kinabukasan. Ayaw ng katawan ko na sumunod sa akin sa pagtayo dahil tila pakiramdam ko ay nagpapahila pa ito pabalik sa aking kama para matulog pa ng ilang oras. Ngunit ngayon ang midterm exam namin. Kahit mamayang 1pm pa naman ang start ay kailangan ko pa ring maghanda.Napipilitang tumayo ako at dumiretso sa aking drawer para kunin ang termometer. Binasa ko ang instruction kung paano iyon gamitin saka ako naghintay ng ilang sandali. Nang tumunog ay kaagad kong tiningnan ang termometer."38," basa ko sa numerong nakasaad. Mukhang nagkalagnat pa ata ako. At napaka-wrong timing pa.Mas lalo ko lang naramdam ang pamimigat ng pakiramdam ko dahil sa nakatayo na ako ngayon. Kaya hinayaan ko na lang ang aking sarili na mahiga pa ulit. Kahihiga ko pa lang pero ramdam ko na kaagad ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata.Sa tantiya ko ay higit isang oras akong nakatulog uli
Magbasa pa
CHAPTER 38
Kaagad akong nag-isip ng maipapalusot ko. "Naghahanap pa ako ng ibang damit na pwedeng kakasaya sayo," alibi ko."Okay na ito. Don't bother."Dahan-dahan akong bumaling sa gawi niya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sa wakas ay suot na niya ang shirt na may imprenta ng doraemon. And I find him cute wearing that kind of shirt."Now that you have eaten and took your medicine, I think you need to rest for you to get better."Inalalayaan niya ako hanggang sa muli akong makahiga sa kama. Siya na rin mismo ang naglagay ng blanket sa buong katawan ko."I'm sorry for bothering you, Josh."Kinuha naman niya ang kamay ko saka mahigpit iyong hinawakan. "No. Not at all. Take a rest, Lex."Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Tuluyan akong nakatulog lalo na at ramdam ko ang mainit na pakiramdam na nanggagaling sa kanyang palad. Rinig ko pa ang mahina niyang pagkanta na nakapagpangiti sa akin."I'm happy to take care of you, Lex," t
Magbasa pa
CHAPTER 39
Kulang na lang ay mabingi na ako dahil sa pagtatalo nila Ethan at Jam. Mabuti na lang at tapos na kaming kumaing tatlo kaya napagpasyahang na naming bumalik na sa kanya-kanya naming mga room.Kaagad na nangunot ang noo ko nang nasa labas lang ang mga kaklase ko habang nasa loob ng room si sir. Mukha itong galit na galit. Mas lalo pa atang nagliyab ang tingin niya nang makita ako."Miss Avery, come with me to my office. I want to talk to you!"Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Ngunit mas pinili ko pa rin na sumunod kay Mr. Cruz. Pagkaalis namin ay sila namang pagpasok ng mga kaklase ko.Kaagad dumiretso si sir sa kanyang desk at naupo sa swivel chair habang ako ay nakatayo lamang sa harapan niya nang makarating at makapasok na kami sa opisina niya."Do you have an idea why I called you here, Miss Avery?""I don't have any idea, sir. Can you explain it to me?" mababa
Magbasa pa
CHAPTER 40
Pinunasan ko ang tumulong luha ko. Ilang minuto lang ang aking hinintay bago ko makitang humahangos na tumatakbo papunta sa gawi ko si Dwight. Huminto lang siya nang nasa tapat ko na siya."Lex, what happened?"Tumayo ako at hindi ko na napigilan pang yakapin si Dwight. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik."Ssh. Ilabas mo lang ang lahat ng hinanakit mo, Lex. I'm here for you. I'm always here for you," aniya habang ramdam ko ang kamay niyang humahagod sa likuran ko.Nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko ay doon na ako lalong naiyak. I guess I'm still lucky to have a friend like him that will be always there for me. I can't tell him but I'm really thankful because he is here with me.Nang mahimasmasan na ako ay sabay kaming naupo ni Dwight sa bench. Nang sa tingin ko ay maayos na talaga ang pakiramdam ko ay nagsimula na akong magkuwento. Habang sinasabi ko sa k
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status